CHAPTER TWO

2798 Words
Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 2 IT'S BEEN two months since I and Xanth broke up and walked down separately. It's too depressing to leave and forget everything about him and it's really hard not to remember all the memories we had shared for about five years. And honestly, it's really really hard to move on.. I still feel the pain but I have to bear it until the wound get healed. After the night we make love, I left him in my apartment unit while he's into a deep sleep because of too much tiredness. I decided to go far away from him just to set both of us free. Napabuntong hininga ako ng malalim saka bahagyang kinalma ang sarili. Pakiramdam ko kasi, anytime ay babagsak ang luha ko. Nalulungkot pa rin ako, eh. Hindi pa ako totally nakakapag-move on. Mahal ko pa rin siya ngunit kailangan ko na siyang kalimutan. "Hoy! Miss Thaileen Zekeilah Mauricio! Aba't tulala ka na naman diyan!" anang Camille na ka-workmate ko at bale kababata ko rin. "Dis oras ng trabaho tulaley ka? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha?" Magmula pa noong umuwi ako rito sa probinsya ay pinutakte na ako nitong si Camille sa katatanong kung bakit daw ako laging ganito, ganyan, andami ko raw pinagbago, lagi na raw akong natutulala at kadalasan ay wala pa raw sa sarili. Hindi ko siya masisisi. Kung sabagay, wala pa naman kasi siyang nalalaman tungkol sa pinagdadaanan ko. "Aba't—hoy! Zekeilah! Gising!" Muli niyang untag sa akin kaya naipikit ko ng mariin ang mga mata ko! Napakatining kasi ng boses niya at masakit sa tenga. "Naku! Makita ka ngang ganyan ng boss natin, eh! Syete, first day mo pa naman!" Nagaalalang sambit niya. Sumulyap ako sa kinaroroonan niyang pwesto at saka napabuga. "May naiisip lang ako, Camille." sagot ko saka muling inabala ang sarili sa paglilinis ng pwesto ko. Tumalikod na ako sa kanya. Tenant ako sa isang sikat na jewelry shop. Iyon ang trabahong napasukan ko dahil na rin sa pamimilit nitong si Camille na makatrabaho ako. Nagkataon din namang hiring dito no'ng mga oras na naghahanap ako ng pagkakaabalahan. Madali naman akong nakapasok dahil sa work background ko. At saka, ngayon ang unang araw ko sa trabaho. "Psh! Wala raw! Eh, kanina pa kitang nakikitang tulala, eh! Ay! Hindi pala, simula pa no'ng dumating ka dito lagi ka ng ganyan. Why ba? What's the problem ba kasi, dear beshy?" pangungulit niya. Napailing ako sa kulit niya. "Wala nga 'yon, Camille. Natural na 'to sa 'kin, ano ka ba!" Nakakaramdam na ako ng inis ngunit kinontrol ko ang sarili ko. Tipid ko na lang siyang nginitian upang kumbinsehin siya na ayos lang ako ngunit ang totoo ay hindi naman talaga. "Wala 'to." Pumunta siya sa harapan ko saka ako iningusan. "Hayan! Tapos sasabihin mo lang wala? Na okay ka lang.. Na kesyo wala kang problema.. Ano 'yon? Psh! Dalawang buwan na kitang nakikitang ganyan! Sabihin mo na nga kasi sa 'kin at baka mabigyan pa kita ng magandang advice.. Sige na! Anong problema mo? I-chika mo na! Dali na beshy!" Iniwan pa talaga niya ang binabantayang pwesto para lang makarinig ng kwento na hindi ko naman kayang i-kwento lalo't sariwa pa sa akin. Baka mapahagulhol na lang ako dito bigla. Nakakahiya lang sa mga makaririnig at makakakita. Muli akong napabuga at saka ako suminghap sa hangin. "Wala nga, Camille.. Ang kulit mo naman, eh!" bahagya akong natawa ng umikot ang mga mata niya. "May iniisip lang kasi ako. Napapatambay lang 'yong sarili ko doon sa iniisip ko kaya natutulala ako. Oo, gano'n nga. Pero, wala iyon!" Nangunot ang noo niya na animoy pinipilit intindihin ang sinabi ko. Maging ako ay hindi ko naintindihan ang sinabi ko. Ayoko ng pahabain pa ang usapan namin dahil nakakaramdam na talaga ako ng iritasyon. Kaya nakangiti ko siyang itinulak pabalik sa kanyang pwesto. "Ang daya kasi!" Nakasimangot siyang nakasunod ang tingin nang bumalik ako sa pwesto ko. Napapailing na lamang ako. "Guys, listen!" Biglang sulpot ng boss namin na si Sir Kleint. Bale siya ang mayari ng shop. "I have something to tell you but not so really important.." Lumapit ito sa amin at saka tinawag kaming apat na tenant at ang kararating lamang na bagong manager saka kami inipon sa isang cubicle. Humilera naman kaming lima sa harapan niya. Katabi ko si Camille habang katabi naman niya ang dalawa pang hindi ko pa kilala dahil newly hired lang din sila kagaya ko. Bahagyang nakayuko ang ulo ng mga ito at animoy nahihiya ngunit nahuhuli kong lihim na kinikilig kay Sir Kleint. Ngunit pansin kong medyo masungit 'yong manager at mukhang hirap tumawa. Kanina ko pa itong nakikitang pasulyap-sulyap sa akin at masama ang tingin pero binalewala ko lang iyon. Ayaw ko ng gulo, eh. Trabaho ang kailangan ko dito. "Ladies, I would like to tell you that this past few weeks ay super baba ng sales natin and that is because of the pandemic. Kakaunti na lang ang bilang ng mga costumers na pumapasok dito sa shop natin. Marahil ay ayaw pa rin nilang lumabas sa takot na mahawaan sila ng nakamamatay na sakit. Kaya't imbes na tumungo sa atin ay sa ibang online store na lamang sila nag-a-avail. We understand the costumers, of course. Marami din ang nawalan ng hanapbuhay to buy some material things. Pero dahil sa ito ang nature ng trabaho natin, kailangan nating mag-sacrifice. Kailangan nating magtiyaga. Kailangan nating makabenta ng mga alahas. Umaasa ako na sana tumaas na rin ang sales natin. Umaasa ako na makakapagbenta kayo ngayong month ng malaki-laki. Especially sa newbies, this is your first day guys so do your best. I'll give you my trust." Tumango-tango kami bilang tugon. Tiningnan kami nito isa-isa at natigil iyon sa akin na ikinakaba ko. "Hey, lady. What's your name?" ani Sir Kleint. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at hindi mapuknat iyon. Gusto kong mairita dahil sa uri ng pagkakatitig niya ngunit wala akong karapatang gawin iyon dahil mas nakatataas siya sa akin, boss namin ito. Bakit kailangan pa niyang tanungin ang pangalan ko kung pwede naman niyang tignan ang nameplate ko? Tsk! Pero, mas okay na rin iyon dahil nasa parteng dibdib ko ang nameplate ko. Kinalabit ako ni Camille kaya natauhan ako. Muli na naman pala akong natigilan! Tumikhim ako at pagkuway tipid na ngumiti. "I-I'm Thaileen Zekeilah Mauricio po, Sir." bahagya akong yumukod senyales ng pagbibigay galang dito ngunit mabilis niya akong pinigilan. "Don't do that. Only shake hands will do, Ms. Mauricio," nakangiting sambit nito saka inilahad ang kanang kamay sa harapan ko. "I am Kleint Ian Samonte, your handsome boss, by the way." Napatingin muna ako sa mapuputing kamay nito bago ko iyon inabot para makipag-kamay. Ilang segundo pa ay kaagad ko na ring binawi ang kamay ko dahil hindi pa rin nito binibitawan. Umugong tuloy ang tukso ng mga kasamahan ko. Napangiwi ako dahil maging si Camille ay nakikisabay sa mga ito. Maliban nga lang sa isa, 'yong manager na mukhang hirap na hirap ngumiti. Tsk! Ba'la kayo diyan! Walang meaning sa akin iyon, ano ba!' Ipinagpasalamat ko na rin dahil hindi lang din naman ako ang kinamayan ni Sir Kleint, lahat kaming mga newbies syempre. Kaya natigil na rin ang panunudyo nila sa akin. Nagpakilala na rin ang isa't-isa at napagalaman kong Vixen ang pangalan ng manager, Angela at Mariel naman ang dalawang baguhan. "Okay ladies.. Good luck to your sales! Kapag may pumasok na costumer, do your best para makapagpabenta. Okay, clear?!" Pahabol pa nito at muling sumulyap sa akin. "Yes, Sir!" sabay-sabay naming tugon kay Sir Kleint na agad na ring tumalikod sa amin kasama ang manager. Nagsipagbalikan na kaming muli sa kanya-kanya naming pwesto at muling naghintay ng costumer na papasok sa jewelry shop. Saka ako humugot ng lakas ng loob para pagandahin ang performance ko sa unang araw ko sa trabaho. ——————— A LONG week has passed.. Halos hindi pa rin ako umaabot sa quota ko. Iilang alahas lang ang nabibili sa akin. Karamihan mga bagets pa ang nagiging costumers ko at mga affordable necklace at couple rings lang ang na-a-avail nila. Ni hindi nga matuklap sa kinalalagyan ang tumataginting sa mahal na mga diamond rings at iba pa. "Zekeilah, night swimming kami mamaya nila Angela at Mariel. Nagyaya kasi si Mam Vixen, eh. Gusto mo bang sumama?" rinig kong anyaya ni Camille ngunit hindi ko siya pinansin. Kunwari'y abala ako sa kinakain ko. "Para naman malibang ka dito sa probinsya. Lagi ka na lang kasi bahay-trabaho, eh. At no'ng day off mo, nagkulong ka lang daw sa kwarto mo sabi ni Nanay Suling. Haiisssttt! So boring your life, beshy! Ano? Sama ka? Sama ka na!" anya habang ngumunguya ng kinakain. Napapailing na lang ako sa kadaldalan nitong si Camille Angelinn Zobel. Parang armalite ang bibig, eh. Hindi mo alam kung kelan titigil. Mas lalo akong naiirita! Masama pa naman ang pakiramdam ko magmula pa pagkagising ko. Muli, hindi ko na lang siya pinansin. Nandito kami ngayon sa canteen. Magkasama kaming nagti-take ng lunch. Pinayagan kami ni Mam Vixen na kumaing magkasama dahil halos wala rin namang napasok na costumer sa shop. Pero, naisip ko na sana magisa na lang akong kumain. Nagsisisi akong sumabay pa ako dito sa madaldal na babaeng ito. "Hoy! Zekeilah! Psh! Tulala ka na naman diyan sa kinakain mo, eh! Kausapin mo naman ako, oh? Hindi ako mesa at mas lalong hindi ako upuan na titignan mo lang at babalewalain," pagmamaktol niya habang nakangusong inuubos ang graham cake na nasa bibig niya. "Why don't you swallow your food inside your big mouth first? Sabi nga sa kasabihan, don't talk when your mouth is full! Your so disgusting, Camille! Tsk. Ubusin mo muna 'yang kinakain mo saka kita kakausapin. Tsk! Talo mo pang si Kathryn Bernardo kung magdrama, eh." sabi ko habang patuloy sa pagnguya ng kinakain. Inirapan niya ako saka umismid. "Wow! Spoken dollar! Psh! Ewan ko sa 'yo! Ikaw nga may nalalaman ka pang kasa-kasabihan! Kung di lang kita kalaro no'ng mga uhugin pa tayo ay hinding-hindi talaga kita kakausapin. Hindi na talaga ikaw 'yong napakamasayahin at napakabibong asmahing batang kababata ko!" anya at dinuro-duro pa ako ng hawak niyang tinidor habang naniningkit ang mga mata. Kamalas-malasan namang nasamid ako at biglang mapaubo kaya nailuwa ko ang nginunguya kong letchon kawali. Ilang sandali pa akong natigil sa pagubo bago ko matalim na inirapan si Camille na tawang-tawa. "At ikaw? Ikaw naman 'yong iyakin at napakasipuning bata!" balik pangaasar ko sa kanya na ikinalukot ng mukha niya. "Huwag mo na akong duduruin ng kung anong hawak mo, ah? Ayaw ko no'n, Camille. Ipapakain ko sa 'yo 'yon." nakangisi kong banta kaya nahintakutan naman siya kunwari. Lumayo pa siya ng tatlong dipa habang namimilog ang mga mata niya. Napahanga tuloy ako sa galing niya sa pagarte! Ngunit, nangunot ang noo ko nang bigla siyang bumunghalit ng tawa. "Why are you laughing?" nagtataka kong tanong ngunit tawa lang ito ng tawa hanggang sa mahawa na rin ako sa kanya. "Bwahaha! O, see? Napatawa din kita, Zekeilah! Hahaha!" Umikot sa ere ang mata ko at saka sumeryoso. "Tsk! Baliw!" muli kong nilantakan ang kinakain ko. Umismid siya. "I'm not, beshy!" "Wala naman kasing nakakatawa, tawa ka ng tawa. Tuloy, mukha ka ng loka-loka!" Nangisi ako. "Eh, bakit? Nakitawa ka rin naman, ah! Kaya same lang tayong loka-loka! Hahaha!" "Tsk!" singhal ko at agad na sinimot ang kinakain ko. ————— "ANO NA? Sasama ka ba samin? Sumama ka na!" Hanggang sa mag-out kami sa trabaho ay patuloy pa rin akong kinukulit ni Camille. Mas gugustuhin ko pang matulog kesa ang maglakwatsa at lalo ayaw kong maligo sa gabi. Takot ako sa malamig na tubig! Pero naisip ko, linggo naman bukas. Siguro, kailangan ko ring pasiyahin ang sarili ko para unti-unti ay makalimutan ko na ang nakaraan ko. "Sige. Sasama na ako. Ang kulit mo kasi, eh!" Napatalon naman sa tuwa si Camille sa naging pagpayag ko. ——————— ALAS syete na ng gabi ng sunduin ako ni Camille sa bahay na tinutuluyan ko. Nakagayak na rin naman ako dahil ayaw kong paghintayin pa ito at sabihing masyado akong nagpapa-importante. Ayaw ko naman ng gano'n. Pagpasok niya sa sala.... "Oh my god! Ang ganda-ganda mo sa suot mo, Zekeilah!!! Ikaw ba talaga 'yan, ha? Syete ka! Ngayon lang kita nakitang nakaganyang suot! Nasanay ako sa 'yong nakasuot ng uniform at naka-pajama araw-araw!" Tutop ang bibig, namimilog ang mga mata at di makapaniwalang bulalas niya habang umikot-ikot pa sa akin para tingnan ang kabuuan ko. "Ang sexy at ang ganda-ganda mo, syete ka! Ano pa kaya kapag naka-bikini suit ka na? Maglalaway ang mga makakakita sayong babae ka!" "Will you please stop it, Camille!" saway ko. Naipikit ko pa ng mariin ang mga mata ko dahil bigla akong nahilo. Saka naman siya tumigil at huminto sa mismong harapan ko at pinakatitigan ako. "Tsk! Simpleng off shoulder tops at fitted short jeans lang ang suot ko. Ano namang maganda dito?" Pinukol niya ako sa irap. "Anong maganda? Eh, di ikaw mismo! Syete ka! Mas gumanda ka sa akin ng tatlong ligo, ah? Tsss.. Anong sekreto mo? Share mo naman!" saka niyugyog ako sa braso. Napapailing na lang ako. "Inom ka ng zonrox, baliw!" biro ko na ikinalukot ng mukha niya. Pero, inaamin kong maganda nga ang hubog ng katawan ko. Dahil ang katawan ko ang isa sa nagustuhan ni Xanth Eadric. But anyway, inalis ko muna ang taong 'yon sa isipan ko. Erase.. Erase.. Erase.. "At saka, anong sabi mong magbibikini ako? Hindi ako magbibikini doon, Camille! Nakakahiya, eh!" sabi ko kaya siya biglang nagising sa katititig sa akin. Nakapameywang niyang inangat ang baba ko. "Ha! Anong hindi ka magsu-suot ng two piece?? Swimming ang pupuntahan natin, oy! Baka akala mo, sleep over iyon at nagdala ka diyan ng pajama at kulambo?!" "Oo." nakangisi kong tugon. "Whatt?? For real?? Ano ka ba naman!" napapapadyak niyang sabi na animo'y bata. "Nagbibiro lang ako, loka-loka!" Napapailing na lang ako sa kakulitan niya. Pinalis ko ang kamay niyang pisil-pisil ang braso ko saka ko sinukbit ang mini traveler bag sa balikat ko. Iniregalo pa sa akin ni Xanth ang bag na iyon. Iyon pa rin ang ginamit ko at pinaglagyan ko ng mga dadalhin kahit na nga sinasabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ito. But, one day, ibabalik ko kay Xanth lahat ng mga ibinigay nito sa akin. Malalim akong napabuntong-hininga saka ako tumalikod muna kay Camille para puntahan sa kusina ang care taker ng bahay ng lolo ko. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinagkainan namin kanina. "Nay Suling, aalis na po kami ni Camille." sabi ko habang papalapit. Gulat naman siyang humarap sa akin. "Aba'y gano'n ba? O, sige, magiingat kayo mga bata." anang Nanay Suling. Tumango ako saka nagmano. "Opo, Nay. Madaling-araw na ho kami makakauwi. Dinala ko na po 'yong susi ng pinto para di na kayo maabala pa para pagbuksan ako." "O, sige. Magiingat kayo, ha?" nakangiti niyang bilin. "Opo, Nanay Suling. Salamat ho." tumalikod na ako pero narinig kong nagpahabol pa ng habilin si Camille. "Nay Suling, pwede ho bang pakitingnan-tingnan din sila nanay at tatay sa kabilang bahay? Baka mamaya kasi magaway na naman ang mga iyon at walang aawat. Iri-relax ko muna ang katawan ko sa pool! Pagod na rin kasi akong maging referee nila, eh! Hahaha!" Napailing ako. Tsk! Loka-loka talaga! "Hahaha! Ikaw talagang bata ka, oo! O, sige na. Ako na ang bahala sa mga 'yon. Umalis na kayo. Ingat!" "Good luck po!" pahabol pa ni Camille at kumirengkeng na papalabas ng bahay habang akay-akay ako. Nakasimangot na lang akong sumunod. Pagkalabas namin ng bahay ay kaagad akong nagtaka nang makita ang nakaparadang kotse sa labas ng gate namin. Kinabahan ako ngunit napalis din ang kaba sa dibdib ko nang makita ang manager namin na nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse at halatang naiinip na kahihintay sa amin. "Hop in, guys! Hurry up!" ani Mam Vixen, nagbago ang awra nito ng makalapit kami, malawak itong ngumiti. Ngunit, napi-peke-an ako sa ngiting iyon. "Come on!" Ang makulit na si Camille, agad na pumasok sa kotse. Kaya naman, agad na rin akong sumunod kahit parang bumigat ang pakiramdam ko. Ngunit isinantabi ko na lamang iyon. Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay bigla na lang nangunot ang noo ko nang manoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng pabango. Kaya agad kong inilibot ang paningin at dumako ang paningin ko sa unahan. At laking gulat ko nang naging pamilyar ang bulto ng lalaking prenteng nakaupo sa driver's seat. Muling nilukob ng kaba ang dibdib ko at animo'y hinahabol ako ng sampong kabayo dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. At para akong malalagutan ng hininga nang lumingon ito! This can't be.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD