CHAPTER ONE

1089 Words
Sᴇɢᴏᴠɪᴀ Bʀᴏᴛʜᴇʀs Sᴇʀɪᴇs I One More Night CHAPTER ONE "LET'S BREAK UP NOW, Xanth Eadric." Bumikig ang lalamunan ko pagkasabi ko sa mga salitang iyon. Napakahirap sabihin pero kinaya ko. Because I have to.. Nakatayo ako sa may gilid ng bintana ng kwarto ko at yakap ang nanginginig na katawan habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Napahinto siya sa pagsasara ng pinto ng sandali siyang matigilan. Bahagya ring nangunot ang noo niya. Saka siya mapaklang ngumisi sa akin. "Hmm.. are you joking, babe? Well.." kumibit siya ng balikat. "I know you're just kidding. Am I right?" napapailing pa siya habang isinasara na ang pintuan at nangingiting lumapit sa kinatatayuan ko. Subalit, natigil siya sa paghakbang nang magsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. "I-I'm serious, Xanth. Y-You know why? This relationship is not healthy for the both of us.." I said. I really don't want to cry but I can't pull my tears back. Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi ko. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Thaileen Zekeilah?? Hindi tayo maghihiwalay, for pete's sake, babe!!" galit na niyang tugon. Kaagad na namula ang buong mukha niya. "I'm sorry kung natagalan bago ako nakauwi galing Australia. And, I'm sorry kung wala tayong communication when I was there. I'm sorry kung may mga pagkukulang man ako. Please, don't ever say that again. Please do understand me, babe. Please! Alam mong busy din ako sa career ko at sa company pero pangako babawi ako!" Halos gusto kong ipikit ang mga mata ko sa narinig na mga salita at pangako mula sa kanya. Para akong dinudurog pero kailangan kong sikilin ang kung anuman ang nararamdaman ko. We need to broke up each other.. Tinitigan ko siya ng matagal sa mga mata niya habang hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "I-I know! B-But that's not the reason why I want to be free from you, Xanth. I'm not happy anymore. And I felt that you're not happy with me too. Dahil kung oo, maglalaan ka pa rin ng oras para sa akin! Sa atin! At kung may pagkakataon naman na magkasama tayo ay lagi-lagi na lang tayong nagaaway! Madalas tayong hindi magkasundo! At sa loob ng limang taon, bibihira nga lang yata tayo nagkasama, eh! Ayoko na ng patagong relasyon, Xanth! Akala ko ay okay lang sa akin iyon pero nakakasawa din pala. Kaya, please.. maghiwalay na lang tayo," iyon ang naisip kong idahilan ngunit ang katotohanan ay dahil sa ito ang kagustuhan ng mommy niya. Nanginginig ang mga labi ko sa pagpipigil na huwag humagulhol sa harapan niya. Sobrang sakit sa pakiramdam. Mahirap talagang makipaghiwalay sa taong alam mong mahal na mahal mo pa pero hindi ka na masaya. Nakita kong napapailing si Xanth at madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Nasa may paanan siya ng kama at ilang dipa ang layo sa akin subalit tila hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya. "Do you really want this, huh?! Gusto mo na ba talagang makipaghiwalay sa akin, Zekeilah?!" mariin niyang isinigaw iyon sa harapan ko. Nabigla ako sa biglaan niyang pagsigaw. Unang beses ko siyang narinig nang ganon kagalit. Ngunit hindi ako nagpatinag. Nilakasan ko ang loob ko para kayanin ang lahat. Kailangan ko na itong panindigan. Pero, hindi ako sumagot sa kanya. Tumango na lang ako bilang tugon at mabilis kong tinutop ang bibig ko gamit ang dalawang kamay. Pumikit ako at tahimik na umiyak. Pinipigilan ko ang mapahagulhol. Ngunit, hindi ko pa rin mapigilang maging emosyonal. Masakit ang ginawa kong desisyon. Limang taon na kami at napakahirap para sa akin ang makipaghiwalay. Ngunit, ito ang tama. Ito na lamang ang paraan para makalaya na rin siya sa akin. "Is this what you really want, huh?Breaking up with me, Zekeilah?" mariin ngunit kalmado na niyang tanong na ikinaangat ng paningin ko. Kita ko ang mga mata niyang namumula. Galit ang makikita mo doon. Muli akong napapikit. Rinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. Malutong din siyang napamura. Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang bumuga siya ng malakas. Mas lalo kong naidiin ang pagkakapikit ng luhaan kong mga mata at mas lalo pa akong napaiyak. "Answer me, Thaileen Zekeilah!!" Muli akong napatango habang nanatiling nakayuko at nakapikit pa rin ang mga mata. Iniiwasan kong tumingin sa kanya dahil baka hindi ko kayanin ang mga nangangalit niyang awra. "Yes.." mahina kong pagkakasambit. Bumikig muli ang lalamunan ko. Parang tinutusok ng isanlibong beses ang dibdib ko sa sobrang sakit. Muli siyang napamura. "Then, why?! May iba ka na ba? May nakita ka na bang ipapalit sa akin? Tell me! Bakit ka makikipaghiwalay sa 'kin?!" Kinalma ko ang sarili ko at saka muling tumingin sa kanya ng maluwag na ang dibdib. "Sinabi ko na nga kanina, diba? Hindi ka ba nakikinig? Hindi na nga ako masaya! Gano'n ka din naman 'di ba?? Iyon ang ipinaparamdam mo sa 'kin for the past few weeks—no! Year rather! Nakakasawa na, Xanth Eadric! So please... maghiwalay na tayo." buong-buo kong nasabi ang lahat ng iyon ng hindi inaalis ang paningin sa kanya. Natigilan siya ng ilang sandali at mapakla uling ngumisi. Subalit, muling namula ang buong mukha niya maging ang leeg niya. "Fine! I'll set you free.. But in one condition.." Tiim ang mga bagang niya habang nakapameywang pa at hindi mapuknat ang tingin sa akin. "Isang kondisyon, malaya ka na," anya sa malumanay niyang pagkakasabi ngunit madiin. Nangunot ang noo ko. "W-What condition, Xanth?" Sa kabila ng madilim nitong anyo ay sumilay ang ngisi sa mga labi nito. "Spend your night with me, Zekeilah... Just One More Night and your free!" Napalunok ako at bahagyang natigilan sa kondisyong nais mangyari ni Xanth. Nabigla man ay agad din akong natauhan. Marahas kong pinunasan ang ilang patak ng luha sa pisngi at saka inayos ang sarili bago muling tumitig sa namumulang mga mata niya. Sa kagustuhan kong maputol na ang ugnayan naming dalawa ay ako na mismo ang lumapit kay Xanth at mabilis na ipinulupot ang mga braso sa kanyang leeg at ako na rin mismo ang sumiil ng halik sa kanyang mapupulang mga labi. Sandali rin siyang nagulat dahil sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon ko lang ginawa ito. Ngunit agad din siyang bumalik sa huwisyo nang hilahin ko na siya papunta sa kama at ako pa mismo ang naghubad ng mga damit namin at saka pumaibabaw sa kanya... AUTHORS NOTE: This is my new account. Coz I can't reopen my old account (Princess Gomez Jacob). So guys, please do follow me also here and don't forget to leave some comment. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD