PROLOGUE

987 Words
Sᴇɢᴏᴠɪᴀ's Weakness Sᴇʀɪᴇs I ?︎?︎?︎ ?︎?︎?︎?︎ ?︎?︎?︎?︎?︎ PʀᴏʟᴏɢᴜE "TAKE THIS half million and leave my son alone!" Awang ang bibig ko habang tulalang nakatingin sa malaking bungkos ng perang inaabot sa akin ni Mrs. Devorah Segovia na ina ng boyfriend kong si Xanth Eadric. "Hindi ko ho tatanggapin iyan, Madame Devorah. Mahal ko po si Xanth." Tugon ko habang napapalunok at pilit na inaalis ang animoy nakabara sa lalamunan ko. Napangiwi siya. "Matindi rin talaga ang kapit mo sa anak ko, eh, 'no? At umabot pa talaga kayo ng higit limang taon! Kahit na nga alam mong ayaw na ayaw ko sayo? Ang lakas din naman ng sikmura mo! Tsk! Tsk! Akala mo siguro'y makakabingwit ka ng malaking isda, ano?" humalakhak siya. Napayuko ako dahil biglang nanikip ang dibdib ko. Mariin kong naipikit ang mga mata at huminga ng malalim. Hindi ko magawang sagutin ang sinabi niya. "Hindi ka nababagay sa anak ko at lalong-lalo na ang maging parte ng pamilya ko! Marumi ang dugong nananalaytay diyan sa katawan mo at nakakadiring isipin na pumatol ang anak ko sa katulad mo! Kunin mo 'yan at huwag ka ng magpapakita pa." Halos iduldulan niya sa akin ang pera pero pilit kong iniiwas ang sarili ko. At kahit pa hindi ko nakikita ang mga mata niya ay alam kong sa pagkakataong ito ay nanlilisik iyon habang nakatingin sa akin. Hindi ko na nagawang pigilang bumuhos ang masagana luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung papaano kong ipaglalaban ang sarili ko sa nanay ng taong pinakamamahal ko. Minabuti kong iangat ang paningin at tama nga ako, napakatalim ng titig niya sa akin at animoy nagliliyab iyon. Lagi kong iniisip kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa akin at kung bakit gano'n niya na lang ako kung husgahan. Wala akong ginagawang masama at hindi ko rin alam ang pinagsasasabi niya. Si Xanth lang ang tanging lalaki sa buhay ko at ni hindi ko nakuhang maghanap ng iba. Kaya't papaano akong naging marumi sa paningin niya? "Bayarang babae ang nanay mo at kung sino-sinong lalaki ang nakatalik niya! Madumi siyang babae at malandi! Ayokong magkaroon ng manugang na galing sa maruming sinapupunan!" Dahil sa nanay ko na hindi ko kailanman nakilala. Nagtiim ang mga bagang ko sa pangiinsulto niya sa pagkatao ko at sa nanay ko! Kahit ilang beses ko ng naririnig ito mula sa kanya ay gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Napupuno ng galit ang puso ko! "Hindi ko ho gawain ang kung anuman ang pagkakakilala niyo sa nanay ko, Madame Devorah! Malinis ho ako at tanging si Xanth lang ang lalaki sa buhay ko." Sagot ko sa mga masasakit niyang sinasabi. Umismid siya at mas lalo pang tumalim ang titig niya sa akin. "Kung ano ang puno ay siya ring bunga! Tigilan mo 'ko, lapastangan ka! Kunin mo na ang perang 'yan at magpakalayo-layo! Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa pamilya ko! Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko! Ayoko sayo! Naiintindihan mo??" Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. Lalong bumuhos ang luha ko. Awang-awa ako sa sarili ko. Hindi ko na makayanan ang mga naririnig ko. Kaya agad na akong tumayo at deretsong tumingin sa nakaismid niyang mukha. "At sa tingin mo ba, matatanggap ka ni Xanth Eadric oras na matuklasan niya ang totoong pagkatao mo, ha?" Iyon ang kinatatakutan ko. Kung sakaling pandirihan ako ni Xanth oras na malaman nito kung anong klase ng pagkatao meron ako. Na isa akong anak ng bayarang babae. Gusto ko pa ring ipaglaban ang pagmamahal ko kay Xanth pero... Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko. Kaso, sa nangyayari ngayon ay napakagulo. "M-Mahal ko ho ang anak niyo at mahal din niya ako.." Humihikbing tugon ko. Mas lalong dumilim ang awra niya. Saka niya ako dinuro malapit sa mukha ko. "Mahal?" Inilibot niya ang paningin sa buong sulok ng apartment ko at saka ibinalik muli sa akin ang paningin ng nakangisi. "Pera lang ang habol mo sa anak ko!" "Hindi ho totoo 'yan! Hindi ko ho kailangan ang pera niya!" Nanginginig na boses kong sagot. Wala na akong pakialam kung nagiging bastos na ako. Hindi ko lang matanggap ang mga pinagsasasabi niya. Napayuko ako at pansamantalang kinalma ang sarili ko. Saka ko muling inangat ang paningin. "Tama na ho." Tumaas ang kilay niya at nakapameywang akong tinitigan. "I will never stop untill you—" "Tama na ho!" Putol ko sa iba pa niyang sasabihin. "Lalayo na ako.." Bumikig ang lalamunan ko. Maigi niya akong tinitigan at waring kinukumpirma ang naging pagsuko ko. "At last, natauhan ka rin." Humalakhak siya saka muling iniabot ang pera. "This is half million pesos and I'm sure this is enough for you to get a new life... without my son." Mahinahon ngunit nakangisi niyang saad. Subalit, sinulyapan ko lamang iyon at ilang ulit akong umiling na ikinakunot niya ng noo. "Take it!" Ipinagduldulan niya ang pera sa harap ko. Iniiwas ko ang sarili ko saka muling umiling. "I-keep niyo na lang ho 'yan. Baka ho ikabawas pa 'yan sa yaman niyo, eh. At hindi ko ho kailangan ng kabayaran sa pakikipaghiwalay sa anak niyo." Lakas-loob kong sabi at saka ko pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Nakaismid niyang ibinalik sa mamahaling bag ang bungkos ng pera saka ngumisi sa akin. "Fine! Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita pang kasama ng anak ko, Thaileen Zekeilah. Because you know what I can do if you break your words." anya at nakangiting-asong tumalikod sa akin saka lumabas ng apartment ko. Nakatulala akong nakatingin sa pintong nilabasan nito. Umusbong ang matinding galit sa dibdib ko sa huling sinabi niya. Binabantaan niya ako.. Tama lang sigurong lumayo na lang ako. Dahil kahit na ipaglaban ko pa ang pagmamahal ko kay Xanth ay magiging magulo lang ang buhay ko. Umiiyak akong pumanhik at tinungo ang kwarto ko at doon ibinuhos ang sama ng loob ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD