Kieyrstine Lee's POV
Halos takbuhin ko na ang building namin mula sa gate pagkababa ko ng sasakyan. Shete late na ako sa exam huhuhu.
"Good morning Ma'am." Bati sa akin ni Kuyang Janitor at napahinto naman ako sa pagtakbo nang iharang niya ang mop sa daanan ko. "Kumusta na kayo ma'am?" tanong pa niya na ikinainis ko.
Aish! Hindi niya ba nakitang nagmamadali ako? Grr.
"Kuya Janitor. Please lang, mamaya ka na makipagtsismisan nagmamadali ako. Late na ako sa exam." inis kong sabi at lalagpasan na sana siya nang humarang na naman.
Leche ah! Isa pang harang tutuhugin talaga kita sa hawak mong mop.
"Diba Ma'am may sinabi kayo sa akin dati?" tanong niya na ipinagtaka ko naman. Kakasabi lang na huwag munang makipagtsismisan eh bwiset.
"Ano namang sinabi ko?" inis kong tanong habang humahanap ng tyempo na makaalis.
Gigil niya talaga ako! Grr.
"Diba sabi mo sa kin dati, pag late na, hindi na kailangang magmadali pa?" kumunot ang noo ko sa narinig. May sinabi ba ako? "Ma'am, alam mo.. Hindi mo na kailangang magmadali pa, bakit ka pa magmamadali eh late ka na naman. Pag nagmadali ka ba, hindi ka na male-late?"
"Pinagt-tripan n'yo ho ba ako?" seryoso kong tanong at umiling naman agad siya. "Tabi." nagtitimping sabi ko.
"Po?"
"Sabi ko, tabi." inis kong sabi at mabilis naman niyang tinanggal ang mop mula sa pagkakaharang kaya padabog akong umalis sa harap niya.
Sinabi ko pala 'yun sa kaniya dati? Ba't di ko maalala?! Tsk!
Pero infairness tama naman. Ba' t pa nga ba ako magmamadali? Psh.
"Miss Valler! You're late!" halos mabingi ako sa sigaw ni--
"Miss DNA?!" pasigaw kong sabi at agad naman akong napatakip sa bibig ko.
Shete! Siya ang proctor ngayon sa exam?! Waaaaaaa! No! This can't be!
"A-Anong itinawag mo sa akin Valler?!" inis niyang sigaw sa akin at nailayo ko naman agad ang mukha ko nang tumalsik ang laway niya sa ere. Narinig ko ang malakas na bungisngisan ng mga kaklase ko. "Go to your seat!" sigaw niya nang hindi ko siya sagutin.
Nakayuko naman akong pumasok at nagtungo sa upuan ko.
"Dahil late ka Valler..." agad na nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Kumalabog ng mabilis ang puso ko sa tono ng boses niya. Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko habang dahan-dahang nag angat ng tingin sa harap. "Ikaw lang ang magsasagot ng ibang subject sa kanilang lahat. Lahat sila ay pare-pareho ng subject na sasagutan, maliban sa'yo. "
H-Hanuraw?! A-Anong ako lang ang maiiba?
"May problema Kieyrstine Lee Valler?" nakataas ang kilay na tanong niya nang makita ang masasamang mga titig ko. Taena talagaaaa!
"W-Wala po." sagot ko nalang at inis na napabuntong hininga.
Maya-maya ay idinistribute na niya ang mga testpaper at kukuha na sana ako nang bigla siyang maglapag ng ibang subject ng test paper sa harap ko. Argh!
"Goodluck." sabi niya pa at kekembot-kembot na umalis sa harap ko. Kala mo naman may pwet. Psh.
Tinignan ko ang testpaper na nasa harap ko at napasabunot nalang sa sariling buhok. Jusko naman...
Tumahimik na ang lahat at nagsimula nang magsagot. Ako naman ay kagat-kagat lang ang ballpen dahil hindi na malaman ang isasagot.
Nagulat ako nang may pumatid sa upuan ko. Inis kong tinapunan ng tingin si Joshua na nasa likod ko.
"Tine, pakibigay kay Rem-Rem." bulong niya sabay abot ng isang maliit na papel.
"Che! Iabot mo 'yan mag-isa mo!" sigaw ko dahilan para mapalingon sa gawi namin si DNA. Narinig ko pa ang sunod-sunod na mura ni Joshua sa sinabi ko.
Sa tingin ninyo tutulungan ko pa kayo sa sitwasyon ko! Leche!
"Kieyrstine, pakitanong naman kay Bianca kung anong sagot sa 39 oh!" bulong nung katabi ko at napapikit nalang ako sa inis.
Kinalabit ko si Bianca. At inis naman itong lumingon sa akin. Isa pa itong madamot sa sagot!
"Sabi ni Hanna ano daw sagot sa 56." nakangiwi kong sabi.
"C sakin." bulong naman nito pabalik.
"A daw." walang gana kong sabi kay Hanna sabay irap sa kawalan.
"Sa 39 yan?" gulat niyang tanong habang nakatingin sa testpaper. "Sure ba siya?"
"Wag ka nang magtanong kung di ka naman maniniwala. Bwisit kayo!" inis kong sabi at tumutok sa sariling test paper.
---
Nakabusangot akong lumabas ng classroom at inis na pinagsisipa ang mga madaanan kong bato sa daan. Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Panigurado bagsak na naman grades ko. Aish!
"Sheena!" sigaw ko nang makita si Sheena na kumakain na naman sa ilalim ng narra. Wala talagang ibang ginagawa ang isang ito kung hindi ang kumain at lumamon. Tatakbo na sana ako palapit sa kaniya nang may yumapos bigla sa braso ko. "S-Savanna." gulat kong usal at ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki sa harap ko.
"How's your exam? Ayos lang ba?" tanong niya at napabusangot nalang ako nang maalala yung kalbaryo na pinagdanan ko sa classroom kanina. "Why?" nag-aalalang tanong niya at hinarap pa ako.
"Wala. Feeling ko lang babagsak na naman ako this sem." sagot ko saka napabuntong hininga.
"It's okay, Kieyrstine. I know you did it well. By the way, thank you sa pagbigay mo nung anklet kay Topher ah? I'm so glad kasi nakita kong suot na niya." Psh! Nung malaman niya kasing ikaw nagbigay. Sinuot agad. Sana pala di ko nalang binigay. "Gusto mo mag snacks muna? My treat." sabi niya at agad namang nag ningning ang mga mata ko sa narinig.
"Sure--"
"Ehem." nagulat ako nang may tumikhim sa gilid ko. "Hindi ako na-inform na may new bestfriend ka na pala ah?" nakangiwing sabi ni Sheena na ipinagtaka ko. Noon ko lang naalala na nakayapos parin pala si Savanna sa braso ko.
"Sheena.." usal ko bigla.
"Kieystine.. Tapatin mo nga ako." sumeryoso ang mukha niya na ikinakunot ng noo ko. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng bruhang ito? "Pangit ba ako?" naiiyak niyang tanong at tumago naman agad ako. "Kapalit-palit ba ako?" Ay waw, feeling Liza.
"Sheena--"
"Then why?!" sigaw niya at napangiwi nalang ako nang maamoy ang hininga niya. Jusko, amoy bagoong. Kahapon ko pa naaamoy ang amoy na iyon sa bibig niya.
"Hoi gaga! Umayos ka nga, nakakahiya ka." bulong ko sa kaniya nang magtinginan ang ibang mga estudyante sa amin.
"No!" inis niyang sabi at iniwaksi ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. Leche! "I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason!" sigaw niya pa at agad ko namang tinakpan ang bibig niya. May plano pa yata akong ipahiya ng babaeng ito kay Savanna.
Nakita kong parang naguguluhan si Savanna kaya parang aso akong ngumiti.
"Ah, Sav, hehehe. P-Pasensya na, kailangan lang uminom ng gamot nitong kaibigan ko. Sinusumpong na naman kasi. M-Mauna na ako." sabi ko at agad na hinila palayo si Sheena na timatabingi na ang bibig. Para siyang baliw na na-heat stroke sa ginagawa niya. Bwisit, di ko talaga alam ba't naging kaibigan ko ito.
"Hoi gaga! Umayos ka nga!" inis kong sabi kay Sheena at pinalo pa ang braso niya nang maupo na kami sa ilalim nung puno na inupuan niya kanina.
"Waw Kieyrstine ha!" sabi niya sabay irap. "Sino yun?" inis niyang tanong na parang boyfriend na nagseselos kaya napailing ako.
"Kakilala lang. Gaga ka talaga, nakakahiya ka kanina. Alam mo ba yun ha? May patabi-tabingi ka pang nalalaman, para kang na-heat stroke!"
"Tch! Wag na wag mo kong pinagpapalit Kieyrstine ha! Since high school wala akong naging kaibigan maliban sa'yo. Yung mga magaganda at matatalino na nakikipagkaibigan sa akin hindi ko pinapansin. Pinili kita kahit na---"
"Kahit na ano?" naghahamon na tanong ko.
"Kahit na mabait ka lang. Hehe!" sagot niya at agad ko naman siyang binatukan.
"Dahil sa ginawa mo, kailangan mo akong ilibre." sabi ko at inis naman niya akong nilingon. Amp! Sayang yung panlilibre sana ni Savanna. Daming ka ek-ekan ng babaeng ito. Kung hindi siya dumating, edi sana lumalamon na ako ngayon sa canteen.
"Ikaw ang nagloko kaya ikaw manlilibre!" sigaw niya at humalukipkip pa. "Cheater." bulong niya at inismiran ako.
"Gaga! Hindi mo ko jowa." natatawa kong sabi.
"So, sa magjowa lang required ang cheating ha?"
"Tch! Oo na, ako na manlilibre." suko ko at mabilis naman akong niyakap ng gaga.
------
"Woah! Pagaling nang pagaling ang Detective Lee namin ah?" namamanghang sabi ni Kuya Carter nang sunod-sunod kong barilin ang mga target systems na nasa harap.
"Anong magaling dun, eh wala ngang natatamaan?" Napanguso ako nang makitang wala nga ni isang natamaan sa mga target na nasa harap. Tae, di ko talaga alam, saab lumilipad yung mga bala ko.
"Magaling kang magpaputok hahaha!" Natatawang sabat ni Xavier. At nagtawanan naman ang dalawa pa. Psh! Pinagkakatuwaan lang ako ng mga lokong ito eh.
"Nasaan na nga pala si Pakialamero?" taka kong tanong habang hinuhubad ang suot kong hand gloves at earmuff. Kanina nandito lang 'yun eh. Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon?
"Yay! Hinahanap!" tukso pa ni Xavier at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Psh! Magpapaalam kasi sana ako na maagang uuwi ngayon."
"Bakit naman?" tanong pa ni Kuya Carter habang pinupunasan ng towel ang mukha.
"Birthday ni Mom. Hehe." sabi ko nalang saka agad na umupo sa bleacher kung saan nakalagay ang mga bag namin.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras at nalamang mag-aalas nuebe na ng gabi.
"Kuya Carter pakisabi nalang kay Detective Herrera na umuwi ako ah?" sabi ko at agad na tumayo mula sa pagkakaupo.
"I-text mo nalang kaya." sabi naman ni Nate habang pinupunasan yung baril na ginamit niya kanina.
"W-Wala akong number niya." sabi ko at palihim na napairap.
"Ay we?" sabat na naman ni Xavier.
"Mukha ba akong sinungaling ha?" inis kong sabi kay Xavier at nagtawanan naman sila.
"Mukha ka lang in denial, Lee. Pfft--"
"Ay basta, uuwi na ako. Bahala kayo riyan kung ayaw ninyong sabihin. Tsk!" sabi ko at padabog na lumabas ng SR room.
Mga baliw. Kahapon pa nila ako pinagtutukso sa Pakialamero na iyon? Mukha ba akong magkakagusto run ha? Aish!
Inis kong nakamot ang batok ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng presinto. Napadaan ako sa kabilang departamento at katulad ng nakagawian ay sinisilip ko ang opisina ni Black.
Wala siya ngayon?
Nakapatay kasi ang mga ilaw sa opisina niya.
Baka may kasong inaasikaso.
Sabi ko nalang at napanguso. Ang tagal na rin kasi nung huli ko siyang makausap.
Aalis na sana ako nang biglang may tumawag sa akin. "Kieyrstine!" Nakita kong tumakbo si Segeant Sierra Orton papalapit sa akin.
"Sergeant, bakit po?" taka kong tanong.
"Ah, maaari mo ba itong ilagay sandali roon sa layout room? May inaasikaso kasi ako sa loob eh. Pasensya na sa abala." nahihiyang sabi niya sa akin.
"Sure po, Sergeant. Walang problema." nakangiti kong sabi at kinuha yung mga nagkakapalang folder na nasa kamay niya.
"Salamat Kieyrstine." nakangiti niyang sabi at bumalik na sa loob ng departamento. Agad naman akong nagtungo papunta sa layout room. Hindi ko maiwasang ma-excite dahil first time kong mapasok ang silid na iyon. Sa layout room kasi nilalagay at dinidikit ang mga litrato ng mga biktimang iniimbestigahan nila. Maliban sa conference room ay roon din naglalagi at nag-uusap ang mga detectives sa tuwing may mga mahihirap na kaso silang nilulutas.
Huminto ako sa harap ng layout room at kumatok ng ilang beses bago pinihit ang door know papasok. Nagtaka pa ako nang makitang nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob kaya kahit hirap sa mga bitbit ay sinikap kong hanapin yung switch ng ilaw.
Habang kinakapa ang mga dingding ay nabitawan ko ang mga hawak kong folder dahilan upang magkalat ang lahat ng ito sa sahig.
Shet!
Agad kong ini-on ang switch ng ilaw na nakapa ko at sunod-sunod na napamura nang makitang nagkahalo-halo na ang mga laman ng nasa folder.
Lagot. Huhuhu!
Taranta kong inilagay muli sa folder ang mga litratong naka print sa papel kahit hindi ako sigurado kung doon ba talaga ito nakalagay kanina. Nang maiayos ko na ang lahat sa folder ay pabagsak ko itong inilapag sa mahabang mesa na nasa gitna ng silid.
Sana tama yung mga pinaglagyan ko huhuhu.
Kagat-kagat ko ang kuko ko dahil sa kaba at aalis na sana nang may mamataan akong isa pang litrato sa ilalim ng table. Agad naman akong simiksik roon at kinuha ito.
Ilalagay ko na sana ito sa mga folder na ipinadala ni Sergeant sa akin nang mapansin ko ang nasa litrato.
A-Ano ito?
Nakapaskil sa litrato ang isang susi na ginuhit lamang sa isang papel ngunit hindi iyon ang ipanagtaka ko kundi ang disenyo nung susi.
Ganitong-ganito yung susi na nakita ko dati na naka sabit sa bag ni Kuya Manong. B-Bakit ito nandito?
Agad kong inilibot ang paningin sa buong silid at tumama ang tingin ko sa isang maliit na board na nasa harap kung saan may mga nakadikit na litrato. Dala-dala yung litrato na napulot ko sa ilalim ng table ay nagtungo ako papalapit sa board.
Serial Killing 2020, Asuncion City
Iyon ang sulat na nakapaskil sa bandang itaas ng board.
Kumunot ang noo ko nang makita ang mga litrato nung biktima sa serial killing. Tatlong babae. Parehong nasa 20+ ang edad. Parehong organ removal ang sanhi ng pagkamatay at----
Parehong may sunog sa bandang batok? At ang sunog na iyon ay nakahugis susi?
Biglang pumasok sa isip ko yung araw na nakita ko ang killer. Nakita kong may inilagay siya sa batok ng biktima matapos niya itong saksakin at gilitan sa dibdib.
Hindi kaya... May kinalaman si Kuya Manong sa nangyaring p*****n sa Asuncion?
-----
"Happy Birthday, Mom." nakangiting bati ko habang bitbit ang cake na pinagtulungan naming i-bake ni Manang.
Nandito sila ngayon ni Dad sa loob ng sarili nilang laboratoryo dito sa bahay at halatang may pinagkakaabalahan dahil sabi ni Manang kaninang tanghali pa raw sila nagtatrabaho rito sa loob.
"Thank you so much baby." masayang tugon ni Mom sa akin at tumayo pa mula sa pagkakaupo para yakapin ako.
Tinapunan ko ng tingin si Dad na ngayon ay may inaayos na makina sa gilid.
"Para sa'yo ito Mom. Pasensya na ito lang ang nakayanan ko." sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Nah, it's okay Kieyrstine. Kahit nga yakap mo lang ayos na si Mommy." sabi pa nito at hinalikan ako sa noo. Agad kong niyakap ng mahigpit si Mom sa ginawa niya.
Kahit papano ay hindi nagkulang si Mom sa pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Hindi man nila ako tunay na anak pero napakaswerte ko at nakilala ko sila bilang mga magulang.
"Hipan mo na Mom." sabi ko at agad na sinindihan ang kandila sa harap niya. "Anong wish mo?" tanong ko at ngumiti naman siya.
"Sana maging maayos na ang lahat." sabi niya at agad na hinipan ang kandila kaya napapalakpak ako sa tuwa.
Narinig kong tumikhim si Dad kaya sabay kaming napalingon sa kaniya.
"How's your studies?" bigla ay sabi niya habang nasa makina parin na inaayos niya yung atensyon.
Matagal bago ako nakasagot sa tanong niya.
"A-Ayos lang naman po D-Dad." kinakabahan kong sabi.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ngayon niya lang ulit ako kinumusta tungkol sa pag-aaral ko o kakabahan dahil medyo napapabayaan ko na ito.
"Just make sure na hindi mo napapabayaan ang pag-aaral mo dahil sa tinanggap mong training." sabi niya pa at napakagat naman ako sa labi.
"H-Hindi naman po D-Dad. M-Maayos pa naman ang grades ko." sagot ko at napapikit nalang sa sariling kasinungalingan. Maayos pa ba yung pag hindi ko naipasa yung exam ay ma da-drop out ako sa tatlo kong subject? Jusko naman huhuhu.
"Once na bumaba ang mga grades mo. Ititigil mo ang training--"
"George!" biglang sita ni Mom. "What the hell are you saying." inis na ani ni Mom at tinapunan naman siya ng masasamang titig ni Dad.
"Her studies is her obligation right now, Natasha." matigas na sabi ni Dad.
Jusko. Ako nalang lagi ang dahilan ng pag-aaway nila. Sa tuwing lumalapit ako sa kanila ay nagkakasagutan sila. Lagi akong pinagtatanggol ni Mom, pero laging kontra naman dito si Dad.
"Mom, D-Dad, tama na. Wag po kayong mag-alala aayusin ko parin po ang pag-aaral ko." sabi ko nalang kahit hindi ko na alam kung maaayos ko pa 'yun ba lalo na sa nangyari kanina.
Bwesit talaga ang DNA na 'yun. Pag ako bumagsak kasalanan niya talaga lahat!
[Ma'am, Sir! Emergency! May nanloo sa kwarto ni Sir Allen!] Agad na umalingawngaw sa speaker ng laboratoryo ang boses ng isa naming katulong.
N-nanloob? Na naman?!
Nakita kong nag-unahan palabas sina Mom ng laboratoryo kaya agad naman akong sumunod sa kanila. Agad kaming natungo sa kwarto ni Kuya Allen at ganoon nalang ang gulat namin nang makita ang mga nagkalat na papel at mga basag sa vase sa sahig. Ganito rin ang nangyari nung isang araw.
"Sino ang may gawa nito?" usal ko at naglakad papasok. Agad na tumama ang tingin ko sa bintanang nakabukas kaya agad akong dumungaw roon.
A-Ano ba talaga ang kailangan ng taong iyon sa amin? Naririnig ko kasi kina Mom na wala naman daw mamahaling gamit ang nawawala. Tanging ang mga nakasarado at naka lock lang na kabinet ang puntirya nung nanloloob sa bahay.
Una yung kwarto nina Mom at ngayon, pangalawang beses ang kwarto ni Kuya Allen.
Agad akong napalingon sa gawi nina Mom nang marinig kong sipain sa inis ni Dad yung mesang nasa gilid niya.
"He left no trace again!" inis na usal ni Dad habang galit parin ang mga matang nakatitig sa mga nagkalat na papel sa sahig.
"I'll check the CCTV." sabi ni Mom at agad na lumabas ng kwarto sumunod naman sa kaniya si Dad at ang iba pa naming mga katulong.
Kung ganoon, sobrang husay sa panloloob ng bahay ang taong iyon. Wala siyang iniwan na kahit anong bakas na makapagtuturo sa kaniya.
Wala nga ba talaga?
Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto at napamura nalang ako nang makitang basag yung CCTV namin sa may pinto ng kwarto ni Kuya Allen.
Nilapitan ko ito at pumatong sa table na kanina ay nasipa ni Dad sa inis. Pinakatitigan ko ito ng maayos---
"Pinaputukan ito ng baril." sabi ko sa sarili ko.
Pero bakit wala man lang narinig ang mga katulong sa baba nang gawin ito nung nanloob? Sigurado naman akong inuna niya itong CCTV bago niya ginalaw ang mga gamit ni Kuya Allen.
Bumaba ako mula sa pagkakapatong sa mesa.
He left no trace huh? Sabi ko saka napailing nang maalala ang sinabi ni Dad kanina. Sa isang kaso, malabong mangyari na walang naiiwang bakas ang suspect. There's always a hint and all you have to do it so find it.
'You're observant. At yun ang potensyal mo bilang detective.' Napangiti ako nang maalala ang sinabi ni Pakialamero sa akin dati.
Muli kong inilibot ang paningin sa buong silid, umaasang may mahahanap na kahit anong bagay na makapagtuturo sa kung sino man ang nanlolob na ito.
Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig at hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat dito.
Halata masyado na may gustong makuha na impormasyon yung nanloob mula sa pamilya ko. Bakit naman niya gagawin iyon? Anong impormasyon ba ang hinahanap niya?
Binuksan ko ang malaking cabinet ni Kuya Allen. Doon tumambad sa akin ang mga nagkalat na litrato at halos lahat ng litratong nandoon ay litrato ni Ate Andrea.
Inayos ko ang mga iyon at muling isinilid sa malaking kahon. Wala na akong mahanap na pwedeng halughugin nung nanloob. Ano kaya ang mga nakuha niya? May nakuha nga kaya siya?
Isinara ko ang cabinet at lalabas na sana para sundan sina Mom sa function room nang may mamataan ako na nakaipit sa glassdoor na malapit sa balcony. Dali-dali kong nilapitan ang glass door at yumuko upang makita kung ano yung bagay na nakaipit.
Hindi ko malaman ang dahilan pero bigla akong natigilan ng husto nang mahawakan ang bagay na iyon.
Paanong napunta rito yung anklet na pinabibigay ni Savanna kay Pakialamero?
Hindi...
Napailing ako sa naisip ko. Hindi naman siguro.. Imposible namang---
'Buhay si Ash? Kung buhay siya... Nasaan siya?' tanong ni Felecity.
'Tinatago ng mga Valler'
'Para maitago ang mga kapalpakang nagawa nila'
Agad kong naiyukom ang mga kamao ko. Pakiramdam ko ay bumigat ang paghinga ko sa mga impormasyong nabubuo sa isip ko. Kung ganoon, talagang pinagbibintangan niya ang mga magulang ko?