Chapter 8: Murder 2

3239 Words
Kieyrstine Lee's POV "Oh." nagulat ako nang bigla niyang iabot sa akin ang helmet. "Wait-- isasakay mo ko r'yan?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Huwag niyang sabihing oo! "Oo." ay leche. Kakasabi ko lang eh huhuhu! Ayoko sumakay sa motor natatakot ako. "Bilisan mo." Dagdag pa niya sabay angkas sa motor niya. Taranta ko namang isinuot ang helmet at nanginginig na sumakay sa likod niya. Jusko naman... Wala ba siyang kotse? Bakit naman kasi ako isinama pa. Aish! 'Kailangan kita.' Bigla ko na namang naalala ang sinabi niya. Lecheng kailangan kita yan! Mamaya ka talaga saking hinayupak ka. Akala mo di na ako galit ah! May kasalanan ka pa sakin kaha--- Halos masubsob ako sa likod niya nang bigla siyang magpaharurot paalis. Maarte naman akong humawak sa laylayan ng coat niya. "Mag dahan-dahan ka naman!" inis kong sabi pero ang leche ay humarurot pa ng mabilis. "Tss. Humawak ka kasi." Dinig kong sabi niya. "Nakahawak na ako!" singhal ko sa kaniya at hindi na siya sumagot pa. Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay hindi ko inaasahan sobrang liblib pala talaga ng lugar, tahimik at medyo malayo sa mga kabahayan. Agad naman akong sumunod kay Pakialamero nang maglakad siya papunta sa kinaroroonan pa ng ibang pulis. Nanlaki ang mata ko at agad na napahawak sa bibig nang makita ang isang dalagitang nakahandusay sa sahig. Nagkalat ang dugo sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan, may mga laman pang hindi ko alam kung ano ang nagkalat malapit sa katawan niya at--- at--- "Kinunan ng puso ang biktima." Dinig kong sabi nung isang pulis kay Pakialamero. Nagtungo si Pakialamero papalapit sa biktima at sumuong papasok sa mga barricade tape na nakapalibot sa lugar ng krimen. Hindi ko malaman kung susunod ba ako sa kaniya o manatili lang sa kinatatayuan ko. Pero sa huli ay napagdesisyunan kong manatili na lamang. Baka may magawa pa akong kapalpakan. Pinagmasdan ko ang mga pulis na magtrabaho at laking tuwa ang naramdaman ko nang makita sina Mom at Dad. Si Mom, na tinitignan ang katawan ng biktima habang si Dad na hinahalungkat ang bag ng biktima at naghahanap ng ebidensya. Ngayon ko lang sila nakitang nagtrabaho. Sobrang seryoso, napakaingat, at napaka-astig ng kanilang ginagawa. Binuksan ni Dad ang kaniyang suit case na sa tuwing mag ta-trabaho ay lagi niyang dala-dala. Nakalagay doon ang iba't ibang mga mahahalagang gamit at tanging flashlight, gloves, notebook at permanent marker lang ang kilala ko. Ang astig talaga, kelan kaya ako magkakaroon ng mga ganyang gamit? Habang pinagmamasdan sina Mom at Dad ay nahagip ng tingin ko si Pakialamero na naglalakad na palabas ng crime scene agad naman akong lumapit sa kaniya ng nakanguso. "Ano bang gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. Sinama-sama niya ako rito tas wala naman pala siyang ipapagawa sa akin. Tch! "Maghanap ka ng ebidensya sa paligid. Pag may napansin kang kakaiba o taong kahina-hinala ang kinikilos ay tawagin mo agad ako." sabi niya. "Aye! Aye! Detective Herrera!" Masiglang sabi ko sabay saludo pa sa kaniya. "Eh? Pwede kaya akong pumasok dun sa loob ng crime scene?" tanong ko sa kaniya. Sa pagkakarinig ko kasi sa sinabi niya kanina. Bawal kaming makialam sa mga serious crimes katulad nito. Ni ang tumapak sa loob ng crime scene ay ipinagbabawal. "Sa labas ka ng crime scene maghahanap." sabi niya na ikinalaki ng mata ko. "S-seriously?" bulalas ko at kunot-noo naman niya akong tinapunan ng tingin. "Pinagloloko mo ba ako ha? Sa labas ng crime scene? Gusto mo ko gawing tanga at katatawanan?" inis kong sabi. Sabi ko na nga ba't pinagt-tripan ako ng walangyang ito eh. "Hindi kita ginagawang tanga o katatawanan Lee." Seryoso niyang sabi at nainis naman ako dahil tinawag na naman niya ako sa ikalawang pangalan ko. Psh, para kasing panlalake pakinggan. "Anong mali sa paghahanap ng ebidensya sa labas ng crime scene? Hindi porket hanggang diyan lang yang barricade tape na 'yan ay hindi na maaaring magkaroon pa ng ebidensya sa labas. Kung tutuusin ang buong baranggay na ito ng San Antonio ay pwedeng mapagkunan ng ebidensya." natahimik ako sa sinabi niya. "Huwag mong isipin ulit na ipinahihiya na naman kita. Isinama kita rito kasi alam kong may potensyal ka sa paghahanap maski gaano kaliit na ebidensya. Umaasa akong makatutulong ka." sabi niya at nakapamulsang bumalik sa loob ng crime scene. Natameme naman akong sinundan siya ng tingin. P-potensyal? A-ako? Ilang segundo pa akong nakatunganga dun at pinipilit na ipasok sa kokote lahat ng sinabi niya bago napagdesisyunang maghanap ng ebidensya sa labas ng crime scene. Para akong tanga na nakikisiksik sa mga taong nagkukumpulan sa labas. Paano ako makakapaghanap nito kung ganito ang daming nakikiusyoso sa paligid? Isa pa ang dilim ah! Wala man lang ibinigay na flashlight ang bwisit na 'yun. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at 'yun ang ginamit na flashlight sa paghahanap. Ilang minuto pa akong nagpaikot-ikot doon ay wala talaga akong nakita kaya pabagsak akong umupo sa ilalim ng isang puno. "Ano ba naman yan!" inis kong sabi sa sarili sabay kamot sa ulo. "Kapagod ah!" reklamo ko. Kumuha ako ng bato sa gilid ko at tinapon iyon sa may damuhan. Kumunot ang noo ko nang may matamaan iyong bagay. Tumayo ako at agad na lumapit roon. Pupulutin ko na sana ito para makita kung ano nang may magsalita sa likod ko. "Don't touch it." Agad akong napalingon sa nagsalita niyon at nakita ang isang pamilyar na lalake sa likod ko. Nakasuot ito ng puro itim na damit. Suot niya ang isang ID na nagpapakilalang isa siya sa mga Detective ng Asuncion Police Station. Sino nga ulit ang lalaking ito? Nagulat ako nang ihagis niya sa akin ang isang pares ng gloves at isang evidence bag. Buti nalang at nasalo ko. May galit ba sa akin ang isang 'to at kailangan talagang ihagis? Nakakagigil na ah? Feeling ko tuloy di ako welcome sa pagiging detective. Haysss. "Use it." sabi niya at tinignan naman niya akong isuot iyon. Taranta kong ipinasok ang mga kamay ko sa gloves at binuksan ang evidence bag. Muli akong yumuko para kunin yung bagay na nakita ko kanina at maingat iyon na isinilid sa bag. "You're a trainee right?" tanong niya at tumango naman agad ako saka inabot sa kaniya yung bag. "Hindi ka ba na-orient?" tanong niya at napasinghap naman ako sa gulat. "H-ha?" taka ko siyang tinignan. "Trainees are not allowed to interfere with this kind of serious crimes." sagot niya at hindi ko maipaliwanag yung klase ng mga titig niya sa akin nang sabihin iyon. "You should know your place." Dagdag niya. Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Hindi iyon insulto sa pandinig ko kasi kung tutuuisin ay hindi naman nakakainsulto ang pagkasabi niya nun sa akin. Tama naman siya. Hindi ako dapat nandito. Sinundan ko siya ng tingin. Derecho siyang pumasok sa loob ng crime scene at lumapit sa walang buhay na biktima. Nakita ko pa na nagtataka siyang tinignan nina Mom at Dad. Maya-maya pa ay hinawi niya ang buhok ng biktima at tumambad ang nangingitim na leeg nito. Nakita ko kung paanong kunot-noo niyang sinuri ang leeg ng biktima. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at seryoso ang mga tingin. Lawrence Black.. Tama siya nga iyon. Naalala ko na. Siya yung ipinakilala ni Chief Superintendent Smith sa loob ng departamento nung may nangyaring hold-upan. Nagtaka ako nang umalis sa crime scene ang ilang mga detectives at naiwan doon mag-isa si Black. Hinayaan nilang isa-isahin ni Black na pakatitigan ang kabuuan ng biktima. Siya na rin ang nagtuloy sa kaninang trabaho ni Dad na kaykayin ang mga gamit nito. Nakakahanga. Sobrang nakakahanga ang kaniyang ginagawa. Para siyang detective na sa mga palabas mo lang nakikita. Maingat at seryoso siya kung kumilos. Kahit walang kwentang bagay katulad nung dalang panyo ng biktima ay pinakatitigan niya ng maayos. Para bang inaalam niya ang finger print niyon gamit lang ang kaniyang mga mata. Sa di malamang dahilan ay napangiti ako. Sana all.. Sabi ko sa sarili ko. Lawrence Black's POV We immediately head to the conference room to put down all the evidences we've collected and talk about for the further investigations. Naunang tumayo sa harap ang mag-asawang Valler at inilatag ang mga nakuhang ebidensya sa monitor na nasa harap. "This is an organized serial killing." Paunang sabi nung lalaking Valler at nasa kaniya na ang lahat ng atensyon. "The crime is planned out well. The killer obviously take every precaution to make sure that he leave no evidence behind to link who he is." I immediately stood up, getting everyones attention. "We cannot call it already a serial killing Inspector George Valler." Ngumisi ako. "A serial killer murders atleast 3 or more persons.. At saka isa pa, we are not yet sure kung parehong suspect ba talaga ang gumawa sa dalawang biktima." sabi ko. "Tama ang sinabi mo. Dalawang biktima pa lang ang napapatay, Sergeant Black. Pero kapansin pansin na iisa lang ang gumagawa nito. Ang mga ebidensyang nakuha ngayon ay tugma sa sinapit ng babaeng biktima kahapon." "It can't be." I immediately opposed saka naglakad papunta sa harap. "Let's just say, we've gathered similar evidences from both victims. But there are still some hitches from the gathered evidences. Aside from the burkes on the neck and the removal of organ. Ang ebidensyang nakuha mula sa unang biktima ay isang ballpen, which we are not yet sure if this thing is owned by both suspect or victim. Sa ikalawang biktima ay cap naman ang nakita. Both evidences don't have connections with the case. Walang kwenta ang mga nakuha. Parehong sinakal at parehong kinunan ng puso ang mga biktima. And that is all what we have right now. No pattern nor links with the killer. Paano kung nagkataon lang?" I explained. "Hindi basta-bastang nagkakataon ang ganitong kaso sa Asuncion. Two consecutive nights, a person was murdered." Angal na naman ni Herrera. "Then let's wait for another one, Herrera." sabi ko rito at nakita ko kung paano niya akong bigyan ng matatalim na tingin. "Kalokohan." Nagsalitang muli ang lalaking Valler. "Bakit kailangan nating maghintay kung pwede namang pigilan Sergeant Black?" His now fixing a serious look at me. "Paano nga natin mapipigilan Inspector George Valler kung wala tayong lead sa killer. Sino ang pipigilan mo?" halatang napahiya siya sa sinabi ko pero makikita mo ang galit sa kaniyang mga mata. Pumagitna naman agad ang babaeng Valler sa usapan. "Napupunta sa wala ang usapan kung patuloy nating pagtatalunan ang bagay na iyan. We are here to report and share the evidences gathered from the victims. At pag-isipan kung sino ang maaaring may gawa. Hindi ang pagtalunan kung serial killing ba ang nagaganap. We can only conclude it, if it happens again." Napailing nalang ako saka bumalik sa pagkakaupo. "According to our lab results, hindi ginahasa ang mga biktima, ni pinagnakawakan man. So murder talaga ang sadya nung suspect or nung mga suspect from both victims, we are not yet sure kung pareho ba ang killer nung dalawa, like what Sergeant Black said earlier." dagdag pa nito. "It's already obvious na iisa lang ang may gawa, pinagpipilitan n'yo talagang hindi." sabi ng lalaking Valler sa asawa at napailing nalang ang asawa sa inasta nito. "Both crimes happened around 9 pm. Pareho ring ginawa sa isang tahimik na lugar at malayo sa mga kabahayan, parehong babae, and also both are on middle 20 ages. And according to our lab results, masyadong maingat ang ginawang pagkuha sa organ ng mga biktima. Maaaring medicine professional ang may gawa nito. It can be a case where ibinebenta ang mga organ sa mga private hospitals." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahanga-hangang matalino nga ang isang ito. Hindi na kataka-taka pa. "Yung mga nakuhang ebidensya like the ballpen and cap. You need to set aside those. Maaaring plinano iyon ng killer para guluhin ang imbestigasyon." Agad na tumayo si Inspector Will at pumalakpak nang may napakalaking ngiti sa labi. "I agree with your point Inspector Valler. I agree with you." ani nito na para bang bilib na bilib talaga. Kieyrstine Lee's POV "Sheena!" Sigaw ko nang makita ang gaga na sinusunggaban ang mga pagkain niya sa mesa. "Ano ba Kieyrstine ang sakit mo sa tenga ah!" inis niyang sabi at kinurot ko naman agad ang tagiliran niya. Umupo ako sa tabi niya. "Guess what?" sabi ko habang nakangiti ng malaki. "Ano na naman iyan at parang ang ganda ganda ng mood mo." sabi niya sa akin at hinarap pa ako. "May nangyaring krimen sa San Antonio kagabi. May babaeng pinatay." sabi ko habang nakangiti pa. "So ikinatuwa mo yun Kieyrstine? Ikinatuwa mong may pinatay ha?!" inis niyang sabi sa akin. "Ano ba! hindi kasi 'yan." "Eh kung makangiti ka kasi. Tch! Ano ba kasi 'yan. Pinapabitin mo pa. Leche ka, pati ang pagkain ko dito binitin mo!" singhal niya sakin. "Kasali ako sa imbestigasyon kagabi." kinikilig kong sabi sa kaniya. "I-isa ka sa suspect?" nanlalaki ang mata usal niya at lumayo pa ng konti sa akin. "J-jusko Kieyrstine p-paano mo nagawa--" "Bwisit ka talaga Sheena!" inis kong sabi sa kaniya at hinila siya palapit sa tabi ko. "E-Eh ba't ka nasali sa imbestigasyon? Ano ba ang ginawa mo ha?!" natataranta niya paring sabi sa akin. "Naku Kieyrstine ha. Iwas-iwasan mo na ako. Pag ako nasali rin dyan---" agad ko siyang binatukan ng malakas. "Kasama ko nga ang mga pulis na mag imbestiga kagabi, yun 'yun! Leche ka ah! Mukha ba akong criminal ha?" Pinakititigan naman niya ang mukha ko. "Hehe medyo." sabi niya at agad ko naman siyang binatukan. "Nakakarami ka na ah!" singhal niya sa akin. "Anong medyo ha? Anong medyo?" inis kong sabi at bumulalas naman siya ng tawa. "Pero seryoso? Kasama ka ng mga pulis kagabi? Anong kapalpakan naman ang nagawa mo?" pag-iiba niya sa usapan. "Ikaw Sheena ah! Kanina ka pa." pagpipigil ko ng inis. "Seryoso nga hahaha! Ano ang ginawa mo dun kagabi?" natatawa niyang tanong. "Hulaan ko." sabi niya bigla at sumama naman ang titig ko sa kaniya. Mukhang may mapapatay ako rito ah. "Joke lang hahaha. Sige na magkwento ka na. Pero, pansin ko lang talaga ah. Medyo tumitino ka na." "Matino naman kasi talaga ako." "Waw ha! Anong matino dun sa kumupit ka ng isang libo mula dun sa mga ninakaw pfft--" "Aish! Wag mo nang ipaalala yun okay?" inis kong sabi. Panira talaga ng mood ang bwisit na ito. Nang matigil na siya sa pang-aasar sa akin ay ikinuwento ko agad yung nangyari kagabi. "Woah! Ireto mo naman ako sa Lawrence Black na 'yan Kieyrstine." sabi niya matapos kong mabanggit ang ginawa ni Black kagabi. Hanggang ngayon di ko parin maiwasang mamangha. "Akala ko ba may Benedict ka na?" Inis kong sabi. "Aish! Di nga ako mapansin nun eh." sabi kaya at tinawanan ko naman siya. "Kahit maghubad na yata ako sa harap niya hindi talaga siya mabihag-bihag sa ganda kong ito. Baka pangit ang hanap niya." dagdag niya pa. " Naku, kung pangit hanap niya Sheena, matagal ka nang nagustuhan nun." ako naman ang nang-asar. Akala mo ikaw lang ang marunong ah! -------- "Good evening!" masaya kong bati nang makapasok sa departamento. Nagulat naman ako nang makitang dumami ang tao sa loob. Lah? Anong meron dito? "Oh good evening Kieyrstine." bati ni Detective Phoenix at nginitian ko naman siya. "Good evening po hehe. Anong meron?" tanong ko tinutukoy ang maraming detective sa loob. "Inaabangan namin ang pagtungtong ng alas nuebe." tinignan ko ang relo ko at nakita na alas otso na pala. "Sino pong may birthday?" kunot-noo kong tanong at tumawa naman siya. "Inaaabangan namin kung may bago na namang kaso ng murder. Medyo napag-initan kasi kahapon kung tatawagin bang serial killing ang nangyayari." sabi nito sabay kamot sa ulo at tumango tango nalang ako kahit di ko gets. Bakit alas nuebe? Paano kung pumatay yung killer ng alas syete? Ay jusko. Di ko sila maintindihan. Tch! Kung di lang ako pinaalis ni Mom kaagad kagabi matapos naming mag imbestiga roon sa crime scene ay naki usyoso sana ako sa meeting nila. Dumerecho na ako sa table namin kung saan nag uusap-usap sina Kuya Carter, Nate at Xavier. "Hello pipol." Nakangiti kong bungad sa kanila at napalingon naman sila sa akin. "Oh Kieyrstine hahaha!" bati ni Kuya Carter sa akin. "Di pa kayo nagsisimula? Anong training ba ang gagawin ngayon? Katulad parin ba kahapon?" tanong ko. Sana naman hindi na katulad kahapon. Ang boring-boring. Tch! "Wala yatang training ngayon hahaha. Busy sila masyado eh. Tignan mo." sabi niya at nginuso ang ibang mga pulis na nakaharap sa kani-kaniyang mga computer. May roon naman nakaabang sa telepono na na sa tuwing mag ri-ring ay biglang napapalingon doon ang lahat. Nakita ko si Pakialamero na kakapasok lang sa loob ng departamento at may binabasang papel. Nakakunot ang kaniyang noo at seryosong nakatuon doon ang pansin. "Busy nga." sabi ko at umupo sa tabi ni Nate. "Ano nga palang nangyari kagabi?" biglang usyoso ni Xavier. "Buti ka pa sinama ni Detective Herrera. Sana ngayon ako naman. Gusto ko rin maranasan magtrabaho sa loob ng crime scene." sabi niya habang nakatingala pa na para bang iniimagine ang mangyayari. "Tch! Eh sa labas ng crime scene nga ako pinagtrabaho." inis kong sabi. "Woah? Hahaha! Bakit?" natatawa niyang tanong sa akin at naki usyoso na rin si Kuya Carter at Nate. Kita ninyo! Tinatawanan lang ako. Aish! Sinabi na nga ba't nakakahiya iyon eh. "Ewan. Bawal tayo dun sa loob diba?" inis ko paring sabi. "Pero may nakita naman akong ebidensya sa labas. Yung cap." sabi ko. "Woah! Ikaw ang nakakita nung cap?" tanong ni Nate at tumango naman ako. "Di ba nila nasabi?" tanong ko at nagkibit balikat naman sila. "Pero ang dinig ko ay walang kwenta daw yung nahanap na cap kaya di na nila mas nilaliman ang imbestigasyon pa roon." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Carter. W-walang k-kwenta? The f! "Sino ba nagsabi ha? Si Herrera?" inis kong sabi sabay tapon ng tingin kay Pakialamero na nasa upuan na niya at binabasa parin yung hawak na papel . "Si Inspector Valler. Yung Dad mo." sagot ni Kuya Carter at nanlumo naman ako. S-sinabi ni Dad iyon? Hayss. Kunsabagay hindi na ako magtataka. Agad akong napalingon sa may pinto nang bumukas ito at pumasok si Black. Pinangatawanan talaga niya yung apelyido niya hahaha. Halos araw araw yata naka black siya pero kahit ganoon ang gwapo-gwapo niya parin. "Ang astig talaga ni Sergeant." bulong Nate sa tabi ko. "Ang dinig ko kahapon siya ang gumalaw sa buong imbestigasyon." dagdag naman ni Xavier. "Maliban kay Inspector Valler, isa rin siya sa hinahangaan ko na ngayon." ani Nate. "Yeah, nagkainitan daw sila ni Inspector Valler kahapon sa meeting eh. Pinagtalunan nila kung kailangan bang tawaging serial killing ang nangyayari o hindi." napalingon ako sa dalawang nag uusap. N-nagkainitan sila ni Dad kagabi? K-kaya pala parang nag-aaway sila ni Mom kagabi. Bakit naman kaya? Kasunod ni Sergeant Black na pumasok ay sina Mom at Dad. Nakita ko kung paanong tignan ni Dad si Black na ngayon ay prenteng nakaupo na sa isang upuan at tumitipa sa kaniyang laptop. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay agad na na alarma ang lahat sa pagtunog ng telepono. May nangyari na naman kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD