Chapter 20: First Case

4707 Words
Kieyrstine Lee's POV "What are you doing?" agad kong naibaba ang paa ko mula sa pagkakapatong sa mesa at saka dali-daling ibinalik yung folder sa kinalalagyan nito. Nakita ko si Black na naglalakad papalapit sa akin habang bitbit ang dalawang tasa ng kape na nasa magkabilang kamay niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swiveled chair niya at ngumiti ng peke. "Hehe.. Iniimbestigahan mo pala ulit yung murder case?" tanong ko agad nang makalapit siya sa akin. Nakita kong kumunot ang noo niya at napatingin doon sa folder na binasa ko kanina. Juskooo. Kung bakit kasi nangialam pa ako. Baka mamaya niyan ay hindi na naman ako pansinin nito amp. Hindi niya ako sinagot sa halip ay ipinatong niya yung mga tasa sa table at umupo siya swiveled chair niya. "K-Kaya mo ba pinaiimbestigahan rin si Kuya Vary, kasi alam mong may kinalaman siya?" mabilis na dumako ang tingin niya sa akin na ikinagulat ko naman. "Yeah." simpleng sagot niya. Shet! Sabi na eh! Ngayon sigurado na ako... "Eh yung nangyaring murder case 7 years ago? Alam mo rin ba?" tanong ko at mas nagsalubong pa ang kilay niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at napaatras naman ako nang humakbang siya papalapit sa akin. "How did you know about that?" tanong niya at sunod-sunod naman akong napalunok. "You seems like interested in that case, huh?" dagdag niya pa saka iiling-iling na kinuha yung kape sa mesa at inabot sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwang nang umatras na siya palayo. "M-May lead ka ba sa totoong suspect? I mean, p-parang ang imposible namang paniwalaan na si Kuya Vary yun. M-Mabait naman siya at-- m-mukhang 'di naman siya mamanatay tao." sabi ko habang inaalala yung mga panahong kausap si Kuya Manong. Wala naman sa itsura niya na masama siyang tao. Well, hindi ko masyadong nakikita ang itsura niya kasi bukod sa natatakpan ng cap ang mukha niya may konting bigote pa. "It's not about the face nor about the action. It's about their scent. Evils can't hide their scent, Tine." seryoso niyang sabi sa akin at bigla namang nakabuhol-buhol ang tiyan ko sa narinig. T-Tinawag na naman niya akong Tine. Pangalawang beses na ito! Sinundan ko siya ng tingin nang magtungo ulit siya papaupo sa swiveled chair niya. Hinigop niya yung kape na dala niya kanina at napatingin naman ako sa kape na hawak ko. Evils can't hide their scent? Anong pabango kaya yun? Victorias Secret? ---- Kinabukasan: "I want to congratulate this students for getting a perfect score.." sabi ni Miss Patricia na isa sa subject teacher namin. Shete! Kinakabahan ako sa mga scores na nakuha ko nung exam. "Hermosilla, Clarisse." agad na nagpalakpakan ang mga kaklase ko. "Pelagio, Joseph Evan." mayabang naman na kumaway-kaway ang isa kong kaklase sa ere. Tch! Inis ko nalang na inub-ob ang ulo sa desk. Ayoko na huhuhu. Lagot ako kay Dad pag nalaman niya ang mga grades ko this semester. Sinabi ko pa naman na ayos lang ang grades pero waaaaa! Ayoko na talaga. Bakit ba kasi ako ipinanganak na bobo. Tsk! "Valler, Kieyrstine Lee?" Agad akong nag-angat ng tingin kay Miss Pat nang marinig ang pangalan ko. Shet! Tama ba ang narinig ko? Waaa jusko po. "Miss, perpek ako?" tanong ko pa sabay turo sa sarili ko. Hindi ko maiwasang mangiti sa sarap ng nararamdaman. "No, I mean.. Halika rito." sabi niya sa akin sa seryosong tono. Kaya agad naman akong napanguso nang mag bungisngisan ang mga kaklase ko. Leche! Nakayuko akong tumayo at naglakad palapit sa table ni Miss na nsa harap. "Miss, ilan lang po ang naitama kong sagot?" kakamot-kamot sa ulo na tanong ko at ayun na naman ang mga nakakakabang titig ni Miss. "Isa." sagot niya sa akin at halos himatayin ako sa narinig ko. A-Ang dami kong pinag-aralan tas isa lang ang tama ko? "Isa lang ang naging mali mo, Lee. Nakakapagtaka na hindi mo pa itinama yong huling tanong. Lahat ng kaklase mo nakakuha ng perfect score. Ikaw lang ang hindi." sabi niya sa akin na ikinaliwanag naman ng mukha ko. "T-Talaga Miss?" gulat kong usal at hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. "At talagang ikinatuwa mo 'yun? I mean, hindi ka ba nababahala na ikaw lang ang hindi nakakuha ng perfect score? " takang tanong ni Miss at proud naman akong ngumiti. "Aba'y syempre miss. Pinaghirapan ko yun.." dagdag ko pa habang nasa mga labi parin ang ngiti. "Pinaghirapang kopyahin?" dagdag niya pa na ikinakunot ng noo ko. "Waw miss. Mukha ba akong nango-ngopya ha?" inis kong sabi. Grabe naman siya sa akin. "Eh diba nung last semester, kumopya ka lang sa katabi mo kaya pareho kayo ng score. Nahuli pa nga kitang bitbit yung kodigo--" "Hoi Miss--" pigil ang inis na sabi ko. "Dati yun, nagbagong buhay na ako. Isa pa, paano ako makakakopya eh letse yung DNA na yun.. Ako lang yung iniiba ng subject!" "Ay we? Totoo 'yan?" "Psh! Ket itanong mo pa kay DNA miss. Totoong-totoo iyan. Marami akong witness." sabi ko sabay irap. ----- Pagkatapos ng klase ay hindi ko maiwasang ma-good mood dahil sa mga nakuha kong score. Although, hindi perfect ang mga nakuha ko kagaya ng mga kaklase kong nakopyahan. Nakakaproud pala sa feeling kung sarili mong pinaghirapan. Maraming teachers ang humanga sa akin dahil hindi daw ako nangopya, nakakagulat daw na dati ako pa ang pasimuno sa pangongopya sa buong classroom, medyo di ko naman magawang magalit dahil totoo naman psh. "Kieyrstine!" agad akong napalingon nang may tumawag sa akin habang naglalakad sa hallway. Nakita kong tumatakbo papalapit sa gawi ko si Savanna at kahit yata ang pagtakbo ay ikinaganda niya. Wala bang pangit na anggulo ang babaeng ito? Nakakainggit lang ha? "Baket Sav?" taka kong tanong nang bigla siyang bumusangot. "Totoo bang nag resign na sa pagiging pulis si Topher?" may lungkot sa boses na tanong niya at hindi ko naman maiwasang maalala yung nangyari kahapon. Tumango ako at mas lalo siyang ngumuso. "Ayaw, sabihin sakin ni uncle ang dahilan eh. Did you know ba what really happened kaya umalis siya?" tanong niya. "H-Hindi ko rin alam eh hehe." sabi ko sa kaniya. Oo, nga ano nga kaya yung nangyari? Di ko naisip yun ah? Pero wala kang pake Kieyrstine okay? "Aw, ganoon ba? I'm really curious talaga sa pag-alis niya. I think it's because of his brother's case pero hindi ako sure." sabi niya sa akin na ipinagtaka ko naman. "A-Ano bang alam mo?" tanong ko kay Savanna. "Hindi mo alam yung tungkol sa brother niya?" taka niyang tanong sa akin. "A-Alam kong--" "Kieyrstine!" napatigil ako nang makita na naman ang nakabusangot na mukha ni Sheena. Aish! Eto na naman siya. "Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong niya sa akin sabay tingin kay Savanna. "Nothing." sagot ni Savanna kay Sheena. "Oh wala naman pala, tara na Kieyrstine. Kailangan na nating umuwi. Bye, Savanna." sabi niya at kinaladkad agad ako palayo kay Savanna. "Ano na naman bang problema mo Sheena." inis kong tanong nang makalayo kami. "Wala lang." sabi niya at binitawan ako nang makarating na sa gate. "Tsk! May pinag-uusapan pa kami eh." inis kong sabi. "At mas importante ang usapan na iyon kesa sa akin?" tanong niya at napailing nalang ako. "May nahahalata ako sa iyo ah?" sabi ko at agad naman siyang napalingon sa akin. "Tomboy ka ba Sheena?" "W-What?!" sigaw niya at tinuro pa ang sarili. "Ako t-tomboy? Yuck! " angil niya agad sabay irap pa sa kawalan. Nagulat ako nang bigla niya akong duruin. "Hoi Kieyrstine, Hindi porket ganito ako sa'yo tomboy na ako. Jusko, kung matotomboy nalang ako hindi ikaw ang papatulan ko. Tsk!" inis niyang sabi at bumulalas naman ako ng tawa. "Biro lang hahaha! Defensive ka masyado, nagpaghahalataan--" "Sinabi nang-- tumigil ka na nga!" inis niyang sabi at natawa nalang ako. "Ano bang nangyari riyan sa hintuturo mo ah? Ba't naka band-aid." pag-iiba ko nalang ng usapan at napatingin naman siya dun. "Aish. Naipit ako sa pinto nung bus kahapon nung pauwi ako, loko kasi yung lalaki na nasa unahan ko nang bumaba ako ng bus, sinara agad. Kita na ngang palabas rin ako. Ayan tuloy, nasugatan ang precious finger ko." nakanguso niyang sabi. "Di bale, gwapo naman si Kuyang nakaipit sa akin kaya pinatawad ko agad. Siya nga naglagay nitong bad aid eh. Di ko na tinanggal pa." dagdag niya pa habang nakatingala. "Gaga, so pinapalitan mo na yung Benedicto mo?" tanong ko sabay tawa. "Ay, ayaw ko na dun, masyadong hambog, porket sikat sa campus di nang-aaccept sa f*******:, amp." sabi niya na mas ikinatawa ko. "Oh siya, bati na tayo ah." sabi ko pa. "Aba kaya pala pinalitan mo yung topic, gaga ka talaga!" inis niyang sabi at sasabunutan na sana ako pero tumakbo na ako papunta dun sa gilid ng kalsada at pumara ng taxi. ------ Pagkapasok na pagkapasok ng departamento ay nagtungo na ako sa table namin. Naisip ko kung sino na ang magt-train sakin ngayong wala ni si Pakialamero. Tsk. Inis akong napatingin sa mesa niyang dati ay puno pa ng mga papel at libro pero ngayon ay bakante at malinis na. "Sama ako?" nakangiti kong bungad kay Pakialamero nang maglakad siya papunta sa mesa namin nina Kuya Carter. "Hindi na." Nanlaki ang mata ko sa isinagot niya. W-what? "Baket?" naiinis kong tanong at tinapunan naman niya ako ng masasamang tingin. "Anong bakit?" tanong niya pabalik at ibinigay sa akin ang mga makakapal na libro na kinuha niya mula sa maliit na drawer na nasa gilid niya "Pag-aaralan ninyo 'yan. Bukas ay iisa-isahin ko kayo para diyan." aniya at akmang aalis na sana nang hilahin ko ang coat niya kaya napahinto siya at inis na hinarap ako. "Ano?" inis niyang tanong sa akin. "Sama ako." sabi ko at ngumuso pa. Nagpapacute. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Black na nagmamadali nang mag-ayos ng mga gamit at lumabas ng departamento kasama ang ilang detectives. Waaa! Gusto kong makita na naman siyang kumilos sa imbestigasyon. "Hindi." matigas niyang sabi pilit na hinihila ang coat niya sa pagkakahawak ko. "Sinasayang mo ang oras ko Lee." galit na sabi nito nang hindi ko pa bitawan ang damit niya. Aish! Inis kong pinokpok ang ulo ko dahil sa iniisip. Jusko.. Ano ba itong nangyayari sa akin? May pa-flashback flashback pa talaga, amp. Hinanap ko nalang sa paligid sina Kuya Carter pero hindi ko sila makita. Nasa SR Room na kaya sila? Tumayo ako para sana sumunod na sa SR Room nang makita ko si Inspector Will sa gilid ko. "Inspector." usal ko saka yumuko. "Ikinalulungkot ko ang pag-alis ni Herrera.." sabi niya sa akin sa malungkot na tono at hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng lungkot. "Dahil sa nangyari, hindi ibig sabihin na hindi na maitutuloy ang training mo, Kieyrstine Lee. " sabi niya sa akin saka ngumiti ng pilit. "Sino na po ang magt-train sakin?" tanong ko. "Wala nang magt-train sa iyo." "Po?" taka kong tanong. A-Anong walang magt-train sakin? Pwede ba yun? "Binibigyan na kita ng permiso na mag-imbestiga ng mga kaso." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "S-Seryoso po? As in kaso talaga?" gulat kong tanong at natawa naman siya. "Minor cases lang. Kagaya ng ginagawa ng mga kasamahan mo ngayon. Tutal, natapos mo na rin naman yung mga mahahalagang bagay na dapat mong pag-aralan sa paghawak nang kaso, naisip kong, bakit hindi nalang kita isabak agad?" natatawa niyang sabi. "Waaa! Thank you po Inspector." dahil sa tuwa ko ay nayakap ko si Inspector Will na ikinabigla naman niya. Tinapik niya ang likod ko saka ako nakangiting bumitaw. "Hindi ko po inaasahan na ganito kabilis, Inspector." sabi ko at nahihiyang napakamot sa batok. "You deserve it. Alam kong magiging magaling ka na detective kagaya ng mga magulang mo. Oh siya, aalis muna ako at may gagawin pa ako sa opisina." nakangiti niyang sabi at muling tinapik ang braso ko bago tumalikod. Hindi ko na napigilan pa ang mapasigaw sa tuwa. Taka namang napatingin sa akin sina Detective Phoenix at ibang mga detective sa loob ng departamento. Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa mesa at nagtungo sa kabilang departamento. Sobrang saya ko. Sobra-sobra talaga.. Parang sasabog ang puso ko sa sayang nararamdaman. This is it Kieyrstine, konting push na lang, magiging detective ka na. Waaa! Okay kalma na. Huminga ako nang malalim at ngumiti. Mabilis kong sinilip sa pinto ng kabilang departamento ang opisina ni Black bago nagtungo papasok. Palihim pa akong napangiti muli nang makita itong salubong ang kilay na nakatutok sa laptop. Parang ang laki-laki lagi ng problemang dala-dala ng lalaking ito. Psh! Nakangiti akong pumasok at naabutan ang iilang mga detective na abala sa kani-kaniyang ginagawa. Hindi ko nalang sila binati pa dahil baka makaistorbo lang ako. Agad akong nagtungo papunta sa opisina ni Black at walang katok-katok na binuksan ang glassdoor. "Hoi!" sabi ko pa nang hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa akin. Tinignan niya lang ako sandali at muling ibinalik ang tingin sa laptop. Amp! Snob. Naalala ko tuloy yung mga napahiya kong kwek-kwek dahil sa pagiging snob niya. Pabagsak akong umupo sa sofa at nakangiting inihilig ang ulo sa sandalan nito. "What are you doing here?" tanong niya at napalingon naman ako sa kaniya habang nakahilig parin ang ulo. "Bawal ba?" taka kong tanong at umayos ng upo. "Sige, aalis nalang ako. Pasensya na sa istorbo." sabi ko sabay kuha nung bag mo sa mini table at tatalikod na sana pero-- "Tss. It's not what you think. I'm just asking you." sabi niya at nakangisi ko naman siyang nilingon. "Joke lang din yun, aba. Hindi ako aalis rito hangga't hindi nasasabi sa iyo yung good news." sabi ko at muling umupo sa sofa. "Good news?" takang tanong niya at tumango naman ako. "What is it?" tanong niya at sinarado ang laptop. Ay, interesado siya men.. Mwehehehe. "Mag-iimbestiga na ako ng kaso!" nakangiting sigaw ko habang nasa ere pa ang magkabilang braso. Agad ko naman iyong naibaba nang makita na wala man lang siyang reaksyon. "Hoi!" inis kong sabi nang makita ang walang gana niyang pagmumukha. "Is that all?" tanong niya na ikinagulat ko naman. "I thought it's a good news?" dagdag niya pa. "Y-Yun na nga.. Good news hehe." sabi ko at napanganga nalang nang makitang natatawa niyang binuksan ulit ang laptop. Leche? Ano yun? Bakit pinagtatawanan niya lang ako? "Well, it's really a good news--" sabi niya habang tatango-tango pa. "--for you. Should I congratulate you?" inosente niyang tanong at tinapunan pa ako ng tingin. "Tsk! Kainis ka!" inis kong sabi at kinuha yung bag saka nagtungo sa may pintuan. "Where are you going?" tanong niya nang bubuksan ko na sana ang pinto. "Lalabas." walang gana kong sagot habang sa pinto parin nakaharap. "Did I told you to go out?" tanong niya at taka ko naman siyang tinignan. "May law of classroom ka ba rito? Kaya bawal lumabas? Pero pag nagcomply ako at isinubmit ko sa'yo, pwede na akong lumabas?" sabi ko at ayun na naman ang salubong niyang kilay. "Charrot lang, pupunta lang ako ng SR Room." sabi ko. "Okay." sabi niya at muling itinutok ang atensyon sa laptop na nasa harap. Amp! Bahala ka sa buhay mo. Sana pala di na ako nag-abalang magpunta rito sa opisina mo. Grr. Kakagigil. --- Kinabukasan: "Good evening!" masayang bati ko nang makapasok ng departmento. "Wow? Good mood tayo ngayon ah?" bungad ni Detective Phoenix habang natatawa akong tinignan. "Aba'y syempre hahaha, first case ko ngayon eh." sabi ko pa at agad na nagtungo papunta sa table. Ano kayang klase ng kaso ang kauna-unahan kong maiimbestigahan ngayon hihi. Excited na ako. "Sana all good mood hahaha!" biglang sabi ni Xavier nang maupo ako sa tabi niya. "Diba pag good mood ka nagdadala ka ng pagkain?" bigla ay ngumisi siya saka nilahad ang kamay sa harap ko. "Loko. Wala akong pera." sabi ko at bumusangot naman siya. Tsk! Ginawa pa akong santa claus. "Nandito ka na pala, Kieyrstine Lee." bigla ay may nagsalita sa likod ko. "S-Sergeant Orton.." sabi ko at agad na yumuko pagkalingon ko. Siya yung babaeng pulis na nag-utos sakin nung mga nakaraang araw na ilagay yung mga folder sa layout room. "Let's go?" W-Wait? Siya ang makakasama ko? "I-Ikaw po ang makakasama ko sa mga kaso?" tanong ko at tumango naman siya. Shete talaga! Isa siya sa mga strikto at seryoso pagdating sa mga imbestigasyon. Ayaw na ayaw niya yung napapalpak. Jusko! Naalala ko bigla nung sinigawan niya sina Detective Phoenix-- "Codes? Tch! Nahihibang na ba kayo?" inis na ani Sergeant Orton sa mga kasama nang makapasok ako sa loob ng departamento. Inis naman niyang inilapag sa mesa niya ang mga papel na hawak. "Ano to piksyon? May pa codes-codes na nalalaman ang killer? Jusko, realidad ito, hindi ito storya sa libro. Sampung taon na akong nagtatrabahong detective pero wala akong nadatnang ganyan." Inis talaga niyang sabi sa mga kasama. Nakita ko namang nakayuko lang sa harap niya sina Detective Phoenix at yung kambal na Mclinton. "Let's go. Nasasayang ang oras natin." sabi niya at naunang maglakad palabas. Agad ko namang kinuha ang bag ko na nakapatong sa mesa. "Goodluck Kieyrstine!" pahabol ni Xavier nang tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nginitian ko lang siya bago ako sumunod palabas kay Sergeant Orton. Habang nakabuntot kay Sergeant palabas ay hindi ko maiwasang kabahan ng todo-todo. Pinagpawisan ako ng malamig at sunod-sunod na paghinga nang malalim ang ginagawa ko. "Wag kang kabahan, k********g case lang ang haharapin natin ngayon." bigla ay sabi niya saka pumasok sa kotse niya. Lang? Wat da! Ni 'lang' niya lang iyon huhuhu. Mabilis naman akong umikot sa kabilang side saka binuksan ang pinto sa passenger seat. "Diba may background ka na sa ganitong klase ng kaso dati?" tanong niya pagkaupo na pagkaupo ko sa loob ng sasakyan. "H-Ha?" taka kong tanong. Bigla kong naalala yung nangyari dati na may kinidnap na bata. "H-Hindi po ako ang l-lumutas nun, Sergeant hehe." napapahiya kong sabi at nilingon naman niya ako bago pinaandar yung kotse paalis. "Sino?" taka niyang tanong sa akin. Napakagat naman ako sa labi ko. "S-Si, Detective Herrera po.." "Nagsisinungaling ang babaeng iyon." "Ha?" Taka kong tanong sa kaniya at nilingon din 'yong babae na halos ilang metro ang layo sa amin. "Woah!" napanganga ako at kunot-noo naman siyang napalingon sa akin. "Andami mo namang super powers. Mind reader ka na nga tapos naririnig mo pa ang usapan sa malayo? Astig naman! Pa autograph ako teka--" sabi ko at agad na hinalughog ang bag para humanap ng notebook na papipirmahan sa kaniya. "Ang babaeng 'yon ang nagpakidnap sa alaga niya." --- "Akala ko ba gusto mo maging detective?" T-teka... P-paano niya nalaman? "P-paano mo--" "Nice meeting you, Kieyrstine Lee." "Magkakilala kayo ni Herrera?" tanong niya at mabilis naman akong umiling. "Hindi po, hahaha. Naalala ko nga noon dati napagkamalan ko siyang pakialamero. Ang hilig niya kasing sumingit at makialam sa mga kaso. Hindi ko naman alam na detective pala siya. Hindi kasi nakasuot ng uniporme o kahit ID man lang." sabi ko at namalayan nalang ang sariling nakangiti habang binabalikan ang araw na iyon. "Well, detectives don't usually have uniform." sabi niya na ipinagtaka ko naman. "Eh? Bakit po yung iba naka-uniporme?" taka kong tanong at natawa naman siya. Sina Mom kasi may uniform. Ang astig nga eh. "It's not our uniform. Napagkasunduan lang namin sa Asuncion na magsuot ng ganoon para sa palatandaan ng posisyon namin bilang police detectives." tumango-tango ako nang maintindihan ang sinabi niya. Hindi na siya umimik pa matapos nun kaya nanahimik nalang ako sa gilid. --- "Kakatawag lang sa akin nung kidnapper." bigla ay mangiyak-ngiyak na sabi nung babae nang makapasok kami sa bahay niya. "Maaari mo bang idetalye ang buong nangyari?" tanong ni Sergeant Orton at naupo naman kami sa sofa ng sala nila. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay dahil nakakaagaw pansin ang mga pinaglumaang gamit na nakadisplay rito. Mahilig kasi talaga ako sa malulumang gamit. Ewan, hindi ko rin alam kung bakit. Parang amg astig lang kasing tignan ng mga iyon tapos maaliwalas sa mata yung mga sinaunang kulay. "Y-yung kapatid ko tumawag sa akin kanina na pupunta siya rito sa bahay. Pumayag ako kasi medyo matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita. Kahapon lang siya nakauwi galing Thailand." huminto siya sa pagsasalita kaya ibinaling ko na ang atensyon ko kina Sergeant Orton. "Malapit lang dito yung inuupahan niyang bahay kaya naisip niyang maglakad na lamang. Habang papunta siya rito ay magkausap parin kami sa telepono pero bigla nalang siyang sumigaw at namatay ang gamit niyang phone." mangiyak-ngiyak na usal nito. "Ano pong sinabi nung kidnapper sa inyo nang tumawag ito?" tanong ko sa kaniya at napalunok naman agad nang mapalingon si Sergeant sa gawi ko. Shocks! Baka mali ang itinanong ko amp! "Kailangan niya raw ng pera." umiiyak na na sabi nito. "Ni hindi ko nga alam kung saan hahanap ng pera.." "Ilan ba ang hinihingi?" tanong ni Sergeant at nagkibit balikat naman yung babae. "H-Hindi niya nasabi. Namatay kasi bigla yung tawag..." Namatay bigla ang tawag? Agad kaming nagkatinginan ni Sergeant. "Naiisip mo ang iniisip ko?" bigla ay tanong niya sa akin kaya napatango ako. "Good. Let's go." sabi niya na ipinagtaka ko naman. "Saan ang punta natin, Sergeant?" taka kong tanong nang tumayo siya. Bakit aalis siya? Nalutas na niya agad ang kaso? Woah! Kung ganoon ang galing-galing niya naman pala. Hindi ko inaasahan na ganoon kabilis. "Ano ba ang iniisip mo?" tanong niya bigla at mas lalo naman akong naguluhan. Ano bang pinagsasabi ni Sergeant? "What's your theory about the call?" tanong niya pa na mas ipinagtaka ko. Leche? Bakit may theory? "S-Sergeant. Big Bang lang ang alam ko hehe." nahihiya kong sabi. Di ko alam na kailangan pala sa paglutas ng kaso yung mga theory-theory na yun. Sana pala nakinig ako ng maigi dati sa science. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya hindi ko maiwasang kabahan muli. Shet! Ayaw niya nga pala ng kapalpakan. Jusko.. Mukhang mapapagalitan pa ako neto. Baka pagkarating sa presinto ay isumbong niya ako kay Inspector Will. Tapos magagalit rin sa akin si Inspector Will at tatanggalin ako sa training. Shet! Hindi pwede yun! "What I mean is, ano ba ang paliwanag mo roon sa pagkamatay ng tawag?" seryoso niya paring saad. "A-Ahh yun po ba? Yung namatay bigla yung tawag ng kidnapper, feeling ko naubusan siya ng load." sabi ko at agad naman na napasapok sa noo ni Sergeant. Hindi ko na naipakali ang sarili ko sa tarantang naramdaman. Pero wala namang mali sa sinabi ko hindi ba? Probability naman iyon eh. Maaaring, naubusan nga ng load yung kidnapper. Baka nakalimutan niyang mag-eexpire na yung unli-call niya. May iba pa bang dahilan pag namamatay yung tawag? Wait-- namamatay rin yung tawag pag walang signal! Tama! "Ang kidnapper ay nasa lugar kung saan mahina ang signal?" bigla ay sabi ko at napangiti naman si Sergeant. "'Yan ang ibig kong sabihin." iiling-iling niyang sabi. Eh? Sinabi niya ba yun? "Or it could be, napadaan lang sila sa lugar na iyon." dagdag niya pa at napatango naman ako. Tama.. Tama.. "Ilang minuto ba ang lumipas nung tumawag ang kidnapper matapos makidnap ang kapatid mo?" tanong ni Sergeant sa babae. "Siguro mga 20-25 minutes.. Hindi ko po masyadong naalala." sabi nung babae habang nakatingin sa orasan na nasa pader. "Iisa lang ang lugar dito sa Asuncion na mahina ang signal." "Sa Santo Tomas." sabi ko at tumango naman agad si Sergeant. Naalala ko kasi dati nung magpunta kami ni Sheena dun nung highschool pa kami sa bahay ng kaklase ko na taga Santo Tomas para gumawa ng project. Grabe, ang hina-hina.. Di man lang ako makapag-f*******: nun. Di tuloy ako nakapag my day. " 20-25 minutes.." bigla ay sabi ni Sergeant. "Ang byahe ng sasakyan mula rito papunta sa Santo Tomas ay labing limang minuto lamang." "Pero bakit 20-25 minutes ang lumipas bago tumawag ang kidnapper?" tanong ko at tumingin dun sa babae na nasa harap namin. "Sigurado akong kakarating lang nila nung tumawag sila sa akin. May pagsarado ng pinto ng sasakyan ako na narinig sa kabilang linya." Kakarating lang nila pero bakit may interval na 5-10 minutes? Ang gulo lang ha? "Baka nagpagasolina sila sandali, Sergeant." sabi ko at tumingin naman siya sa akin. "I don't think so. Hindi naman umaabot ng ganoon katagal ang pagpapagasolina. Malimit lang ang sasakyan na dumadaan sa lugar na iyon." sabi ni Sergeant. Baka natagalan sa pagsukli? O kaya nakipag chismisan pa sa gasoline boy? Kasi minsan diba? Ang daldal din nung mga gasoline boys, feeling close rin minsan sa mga customer. "Wala pong gasolinahan na nakatayo mula rito papuntang Santo Tomas." biglang singit ni Ate sa gitna pag-iisip namin. "May natanggap kaming balita kanina lang na may aksidenteng nangyari sa baranggay ng Pinamungahan. Ang Pinamungahan ay napagigitnaan nitong San Fernando at Santo Tomas. So maaaring natagalan ang mga kidanapper dahil sa nangyaring aksidente." Woah! Hindi ko maiwasang humanga kay Sergeant. Ang galing niya naman pala talaga. Di ko naisip iyon. "Ang kinaroroonan ng mga kidnapper ay in between Santo Tomas at Pinamungahan?" tanong ko. "Mukhang alam ko na kung nasaan sila. Tawagan mo ang estasyon, Kieyrstine. Sabihin mo na kailangan natin ng back up." sabi ni Sergeant at agad naman akong tumango. "Pag tumawag ulit ang kidnapper, sagutin mo agad. Sabihin mo na dala mo na ang kailangan niya at pupunta ka roon sa loob ng tatlumpong-minuto." utos naman si Sergeant dun sa babae na agad namang tumango. ---- "First case solved?" nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. "Kuya Carter!" natutuwa kong sabi. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at tumawa naman siya sa reaksyon ko. "Kakatapos lang namin doon sa nangyaring aksidente kanina sa Pinamungahan. Kaya pala nangyari yun dahil may naganap hold up-an sa loob ng bus. Dahil sa taranta nung driver ayun naibangga niya ang sasakyan sa paparating na truck. Mabuti nalang at hindi malala ang mga natamong sugat ng mga pasahero." sabi niya. "Woah. Ang galing mo naman." sabi ko at pumalakpak pa. "Mas magaling ka." sabi niya at napailing nalang ako. Bibiruin pa ako. Ni hindi ko nga alam kung anong naiambag ko sa kaso kanina kasama si Sergeant Orton. Pero masaya naman ako at nalutas agad. Nailigtas namin ng buhay yung nakidnap. "Actually, si Sergeant Orton lang naman ang nakalutas nun." sabi ko sabay tingin doon sa mga pulis na pilit na pinapapasok sa sasakyan yung kidnapper. "Hindi ko magagawa iyon kung wala ang tulong mo, Kieyrstine Lee." nagulat ako nang sumulpot bigla sa likod ko si Sergeant. "You did well in your first case. And masaya ako dahil ikaw ang makakasama ko sa mga susunod pa." agad akong napangiti sa sinabi niya. Alam ko namang binibiro lang ako ng mga ito eh. Pero ayos na hahaha. Kahit man lang sa mga biro nila, maramdaman kong matalino ako. Kumunot agad ang noo ko nang mapamilyaran ang isang lalaking nakatalikod sa gawi namin. May kausap siyang isang pulis na agad namang umalis din. Naiwang mag-isa ang lalakeng iyon na nakatayo at nakatingin sa gusaling pinangyarihan ng k********g. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Dali-dali kong nilapitan ang lalaking iyon bago pa siya makaalis-- "Pakialamero?" tanong ko agad at hinawakan siya sa balikat. "Ha?" agad akong napatigil at napaatras nang humarap yung lalake. H-Hindi pala siya.. "Bakit po?" takang tanong nito nang mapansin ang pagkatigil ko. Parang gusto kong lamunin agad ng lupa dahil sa kakahiyan. Shocks, Kieyrstine. Nakasinghot ka ba ng shabu? "S-Sorry, a-akala ko ikaw yung kakilala ko. Pasensya na." sabi ko nalang saka napapahiyang naglakad pabalik kina Kuya Carter. Palihim kong binatukan ang sarili ko dahil sa matinding kahihiyan na dala-dala. A-Ano bang nangyayari sa akin? A/N: For those who are reading this. Thank you so much! Sana makilala ko kayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD