Chapter 16: Bienvenido Madrigal

3574 Words
Kieyrstine Lee's POV Sabado ngayon pero nandito ako sa paaralan para kumuha ng mga librong pag-aaralan sa darating namin na exam sa Monday. Naloloka ako kasi sobrang dami ko na palang kailangang habulin sa lesson namin. Magkanda-ugaga na ako rito kakahanap ng mga libro pero pakiramdam ko hindi ko kayang pag-aralan lahat. Nakanguso kong inilapag sa mesa ang halos sampung librong nakuha ko sa shelf. Inis kong pinakatitigan ang lahat ng iyon saka sunod-sunod na napabuntong hininga. Kukunin ko na sana ang mga notebook at ballpen ko sa bag nang maramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa. Unregistered number? [Nasaan ka?] Nagsalubong ang kilay ko sa nabasang message. [Excuse me? Wrong sent ka po] sabi ko nalang at muling isinlid sa bulsa yung cellphone. Binuklat ko yung libro na nasa harap ko at nagsimulang magbasa. Ilang minuto pa lang akong nagbabasa ay nakaramdam na ako ng pagod at sakit ng ulo. Kahit anong tuon ko kasi ng pansin sa ginagawa ko ay kung anu-ano naman ang pumapasok sa isip ko. "Uhm.. Can I sit here?" biglang may nagsalita sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang yun yung magandang babae sa college of engineering. Natulala naman ako sa ganda niya at wala sa sariling napatango. Kadalasan kasi siyang pambato ng school sa tuwing may mga beauty contest na gaganapin. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan niya. Ngumiti siya sa akin bago umupo sa harap ko. Ang ganda niya talaga... Pero mas maganda parin ako. Muli kong itinuon sa libro ang atensyon ko nang magsalita na naman siya. "You're a detective trainee right?" tanong niya at nagsalubong naman ang kilay ko. P-paano niya nalaman? "Oh, don't get me wrong. Pamangkin ako ni Chief Inspector Willfredo Bartolome. I'm Savanna Bartolome, by the way." sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. P-pamangkin? Woah! "I'm Kieyrstine Lee Valler." nakangiti ko ring sabi at inabot ang kamay niya. Matapos nun ay hindi na kami nag-usap pa. Seryoso na siyang nagbabasa sa libro na hawak niya, samantalang ako ay naglilikot parin ang isip. "Uhm Kieyrstine, itatanong ko lang sana kung kilala mo si Topher Herrera." halos masobsob ko ang mukha ko sa librong hawak ko dahil sa itinanong niya. Dahan-dahan ko siyang tinignan habang dahan-dahan ring ibinaba ang librong nakatakip sa mukha ko. "Hin-- Oo hehehe." sabi ko nalang saka muling itinakip ang libro sa mukha. Bakit niya ba itinatanong? Wag niyang sabihing fan siya ni Pakialamero? Amp! May umiidolo rin pala sa walangyang yun? "Masyado kasi silang close ni uncle at minsan nakikita kong magkasama silang nagkakape at nag-uusap." kwento niya at nakita ko namang nakangiti ito sa kawalan. Napairap ako. Eh ano naman kung magkasama girl? Tch! "Uhm, can you do me a favor?" bigla ay sabi niya. Nakita ko siyang may dinukot sa bag niya at inilahad iyon sa harap ko. Ibinaba ko ang libro ko saka tinignan iyon. "I made this anklet last night. Gusto ko sana ako ang mag-abot pero I have no time eh. I'm busy for the exams next week." nakanguso niyang sabi at mas lalo naman siyang gumanda sa ginawa niya, pero mas maganda parin talaga ako. Tss. "S-Sure. I will hehe." sabi ko at kinuha yung anklet sa kamay niya. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay ko ng dalawa niyang kamay. "Thank you so much Kieyrstine. I hope we can be friends." sabi niya at palihim naman akong napangiwi. "Sure." sabi ko nalang at ngumiti rin. Muling nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa at nakita kong tumatawag yung unknown number na nagtext sakin kanina. Aish! Sino ba kasi ito? "Hello?" medyo inis kong bulong kasi nasa library ako. [Nandito ako sa labas ng school n'yo.] kumunot ang noo ko sa narinig ko. "S-sino ka?" kinakabahan kong tanong. [Tss. Bilisan mo kung gusto mong tumulong sa kaso.] "P-Pakialamero?" pasigaw kong usal at mabilis naman na napalingon sa akin ang librarian. Nagulat ako nang biglang mamatay yung tawag. Shez! Paano niya nalamang nandito ako sa school at bakit siya nandito? Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at isinilid ang nga iyon sa bag. "Where are you going? Tapos ka na ba?" tanong ni Savanna habang takang nakatingin sa akin. "A-ah oo hehe uuwi na ako." sabi ko sa kaniya at isinara yung bag. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. "Wait. Sabay na tayo. Tapos na rin naman ako." sabi niya at inayos yung mga librong ginamit niya. "H-ha?"napanganga ako sa gulat. Nakita kong isinilid niya na yung mga gamit niya sa bag niya. "A-ano nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na ah? Mauna na ako. Bye!" May sinabi pa siya pero hindi ko na siya pinakinggan pa at tumakbo na palabas ng library. Hingal na hingal naman akong naglakad sa hallway palabas ng campus. Bakit parang naiinis ako bigla sa kaniya? Aish! Ang sama mo Kieyrstine! Nagmamagandang loob na nga yung tao eh. Amp! Napasapok nalang ako sa ulo ko at nagderecho palabas. Nasa may gate pa lang ako ay natatanaw ko na si Pakialamero na nakasandal sa motor niya at pinapaikot sa daliri yung susi. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito? Tsaka anong kaso pinagsasabi niya? Bwiset naman kasi oh! Imbes makapag-aral ako ngayon para sa exam eh. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapalingon siya sa gawi ko. Nang makalapit sa kaniya ay mas nagulat pa ako nang agad siyang mag abot ng helmet sa akin. Waw pre! As in waw talaga. Hanep ang lalaking ito. "Ano bang ginagawa mo rito?" inis kong tanong habang inaayos niya yung helmet niya sa ulo niya. "Sinusundo ka." A-Ano raw? "H-Hoi Pakialamero, para sabihin ko sa iyo. Nandito ako sa school para---" "Kieyrstine?"dinig kong may tumawag ng pangalan ko di kalayuan sa kinatatayuan ko. Palihim akong lumingon at nakita kong si Savanna ito na naglalakad na papunta sa gawi namin. Aish!!! Mabilis akong umanglas sa motor ni Pakialamero. "Tara na." sabi ko sa kaniya at mabilis naman siyang napalingon sa akin. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya at mas lalo naman kong nainis. "Kieyrstine, teka lang." sabi ni Savanna at patakbong lumapit sa amin. Hinawakan ko ang ulo ni Pakialamero para hindi siya makalingon kay Savanna. Buti nalang at nakasuot ito ng helmet. "Wag mong kalilimutan yung anklet na ipinabibigay ko kay Toph--" "Oo naman. Ibibigay ko agad yun sa kaniya. Wag kang mag-alala." sabi ko at pumeke ng ngiti. "Tara na." inis kong bulong kay Pakialamero at nakahinga naman ako ng maluwag nang mabilis niya itong paandarin palayo. "Sino yun?" tanong ni Pakialamero habang nagmamaneho. Napairap naman akonsa tanong niya. "Schoolmate malamang." pabalang kong sabi at narinig ko na naman ang pambansang tss niya. Maya-maya ay nagsalita ulit ako. "Saan ba kasi ang punta natin?" bigla ay tanong ko nang may maalala. "Hahanapin yung Bienvenido Madrigal." sagot niya at literal naman akong napanganga. "A-Alam mo kung nasaan siya?" tanong ko. "Sasabihin ko bang hahanapin kung alam ko?" pabalang rin niyang sagot at muli na naman akong napairap . Gumaganti ba ang walang hiyang ito? "Paano mo naman hahanapin ha? Ang laki-laki ng Miraveles at hindi pa tayo sigurado kung doon ba talaga siya nakatira." inis kong sabi. "Uso ang magtanong Lee." Walang gana niyang sabi. "At saan ka naman magtatanong aber? Iisa- isahin mo ang mga tao roon sa Miraveles?" Nakita kong napailing siya at narinig ang matunog niyang pagngisi. "Magaling kang bumuo ng tanong Lee." sabi niya at nagsalubong naman ang kilay ko. Anong konek sa nun sa tanong ko? Leche talaga ang lalaking ito. Grr! "Pero sana, magaling ka ring humanap ng sagot." Tumahimik nalang ako dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Ang daming alam. Mas lalo tuloy akong nagmumukhang bobo. Amp! ------ "Ito nalang ang nagtitirang impormasyon na mayroon kami kay Madrigal. At hindi ko alam kung may bisa pa ba mga iyan." Agad na inilapag ni Inspector Gallego sa harap namin ang isang dokumento na nakasilid sa isang lumang envelope. Binuksan ito ni Pakialamero at makikita roon ang mga mahahalagang impormasyon sa kaniya. "Makatutulong ito Inspector." sabi ni Pakialamero at agad tumayo mula sa pagkakaupo. "Maraming salamat." dagdag pa nito at nakipagkamay. Ngumiti rin ako kay Inspector at nakipagkamay. "Walang anuman. Nawa'y malutas na ninyo ang mga kasong nangyayari ngayon sa Asuncion. Ninanais kong sana'y maidestino ako sa lugar ninyo sa susunod na pagkakataon." saad niya saka humalakhak. Agad naman kaming lumabas ni Pakialamero ng presinto matapos naming makipag-usap. Seryoso ang mukha niyang naglalakad pabalik kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nang makarating ay agad na inilabas ni Pakialamero ang mga nakasilid sa envelope. "San Juan 1109 P.G. Almedras St. Miraveles." usal ko nang makita ang address. "Nadaanan natin 'yang Almendras St. kanina ah?" dagdag ko pa at napalingon naman sa akin si Pakialamero. "Tara na." sabi niya at nagmadaling umangkas sa motorsiklo sumunod naman agad ako at ang loko ay agad na nagpaharurot paalis. Napakapit ako sa magkabilang gilid ng damit niya dahil kung hindi ko iyon ginawa ay siguradong nasa ospital na ako ngayon . "Tao po?" Sigaw ko nang makita na namin ang bahay na nasa address. "Tao po!" sigaw ko ulit pero wala talagang sumasagot. Nagulat naman ako nang biglang buksan ni Pakialamero ang gate. "Hoi! Nababaliw ka na ba!" inis kong sabi at hinila siya palabas. "Bitawan mo ko Lee." seryoso niyang sabi at nagtuloy papasok. Sinundan ko siya at pilit na hinila palabas. "Ano ba Pakialamero, gusto mo bang makasuhan ng trespassing ha?!" sabi ko at pinamewangan pa siya. "Tss. Pulis ako Lee. At isa pa may itatanong ako sa kanila. Ikaw lang ang makakasuhan ng trespassing." sabi niya at nagtuloy sa paglalakad papunta sa mismong bahay. "Hoi! Police trainee ako!" sigaw ko at agad na sumunod sa kaniya. Salbahe nito. Amp! Kinatok niya ang pinto at nang walang sumagot ay mas nilakasan niya pa ang katok. "Ano ba naman 'yan Pakialamero. Hindi ka ba marunong mag 'Tao po?'. Aish! Ako na nga riyan!" inis kong sabi at pinaalis siya sa harap ng pintuan. "Tao po? May tao po ba riyan?" tanong ko habang patuloy sa pagkatok. Amp! Bakit kaya walang sumasagot? Baka wala nang nakatira rito. "Anong ginagawa ninyo rito?" halos mapatalon ako sa gulat nang may matandang magsalita sa likod namin. Kita ang nagkahalong pagtataka at galit sa mukha niya. Agad na may ipinakitang ID si Pakialamero na kinuha niya sa loob ng coat niya. "Pulis ako." sabi ni Pakialamero. Tumingin naman sa akin ang matanda na ikinagulat ko. "T-Trainee po ako hehe." sabi ko sabay tingin kay Pakialamero. Ano ba naman 'yan, bakit ba kasi wala akong ID? Huhuhu. Sisingilin ko mamaya si Inspector Will. Amp! Napaghihinalaan tuloy akong sinungaling. "Ano ang kailangan ninyo?" tanong ng matanda habang binubuksan ang naka lock na pinto ng bahay. Hindi ko alam kung galit ba siya o talagang ganoon lang ang boses niya. "Kung hinahanap ninyo ang asawa ko. Wala siya rito kaya makakaalis na kayo." sabi niya at sasarhan na sana ang pinto nang harangan ito ni Pakialamero ng kaniyang paa. Jusko! Wala talagang respeto ang isang ito. Nakita ko na unti-unting nagbago ang ekspresyon ng matanda. "Nasaan siya?" diretsong tanong ni Pakialamero. "Mayroon lang kaming itatanong tungkol sa nangyaring murder case, 7 years ago." dagdag pa ni Pakialamero. Nakita kong umigting yung panga ng matanda at galit na tinignan si Pakialamero. "Hindi ninyo siya makakausap dahil may sakit siya." sabi niya saka iniwas ang tingin sa amin. Huminga siya ng malalim bago magsalitang muli. "Pakiusap. Patahimikin niyo na ang asawa ko." dagdag pa niya at pabagsak na isinara ang pinto. ----- "Mayroon ho bang naka confine rito na Bienvenido Madrigal ang pangalan?" tanong ko sa front desk nang makarating kami sa pinakamalapit na ospital ng Miraveles. "Wait po." sabi nung nurse at may tinignan sa computer niya na nasa harap. "Bienvenido Madrigal po? Yes maam nakaconfine po siya rito for 10 months na po." sagot nung nurse at nagkatinginan naman kami ni Pakialamero. "Ano pong room number niya?" Tanong ko sa nurse. "Uhm pwede ko ho bang malaman muna kung kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong nung nurse. Nilingon ko si Pakialamero at ipinakita na naman niya yung ID niya kaya napanguso nalang ako. Waaaaa! Gusto ko na magka ID. "Pulis ako ng Asuncion Police Station at may mga itatanong lang kami sa kaniya." sabi ni Pakialamero saka binaba ang ID niya at ibinalik sa loob ng coat. "Uhm, I think hindi n'yo po siya makakausap sir. Na-stroke kasi yung pasyente at medyo naapektuhan ang utak niya." nahihiyang sabi nung nurse. "Kukunin nalang namin yung room number niya." sabi ni Pakialamero dun sa nurse at parang nagdadalawang isip pa siya na ibigay. "Room 201 po sir." sagot nung nurse at mabilis naman na naglakad paalis si Pakialamero. "A-ano ba ang gagawin mo dun? Diba sabi ng nurse hindi natin makakausap?" tanong ko kay Pakialamero habang hinahabol siyang maglakad. Ang bilis naman maglakad ng isang 'to. Aish! "Gusto ko lang makita para siguraduhing siya nga 'yung hinahanap natin." sagot ni Pakialamero. Hindi nalang ako sumagot pa at bumuntot lang sa kaniya. Nang makarating sa tapat ng Room 201 ay kinatok ko muna ang pinto bago ito dahan-dahang binuksan. "Sino kayo?" agad na tanong ng isang babaeng medyo matanda lang sa akin ng konti. Nakita kong kukunin na naman sana ni Pakialamero yung pinagyayabang niyang ID pero inunahan ko na. "Pulis kami." sagot ko at nakita kong sinamaan ako ng tingin ng walanghiya. Kanina pa ako naiinggit sa ID niya. Tsk Pwede naman kasing sabihin nalang. Talagang ipagyayabang niya talaga yung ID niya. Pag ako nagka ID who you kayong lahat sa akin. Tsk! Mabilis na tumayo 'yung babae at saka yumuko sa harap namin. "A-Ano ho ang kailangan ninyo?" nauutal niyang tanong. "Gusto lang naming makita si Sergeant Madrigal." sabi ko at saka sinulyapan ang isang hindi katandaang lalaki na natutulog sa hospital bed. May tubo pa ng oxygen na nakakabit sa ilong nito. "H-Hindi na siya pulis ngayon. B-Bale, ako nga pala ang anak niya, Felecity Madrigal." pagpapakilala niya at tinanguan ko lang siya. Feeling seryoso ako ngayon. Mwehehehe. "Taga Asuncion ba kayo?" tanong niya at mabilis naman na nagsalubong ang kilay ko. "Mind reader ka?" tanong ko at mamamangha na sana nang umiling siya. "Hindi, medyo pamilyar kasi yung mukha ninyo. Lalo na siya." sabi niya tukoy kay Pakialamero at mabilis naman akong napalingon kay Pakialamero na seryosong nakatitig kay Felecity. Topher Herrera's POV "Ano nga palang kailangan ninyo kay Dad?" taka nitong tanong sa amin. "May itatanong lang kami tungkol sa kasong iniimbestigahan niya 7 years ago." si Lee ang sumagot. "Yung muder case na nangyari rito sa Miraveles?" gulat niyang tanong at tumango naman si Lee. " I thought that case was already closed?" dagdag pa niya. "Yup. May nangyayari kasing ganoong kaso ngayon sa Asuncion. At base sa mga nakalap naming impormasyon ay may pagkakatulad ito sa nangyari rito noon." napatingin ako kay Lee at gusto kong matawa sa pag seseryoso niya. Hindi bagay. Tss. "Sabagay, mukhang hindi pa kasi nahahanap yung killer." sagot naman ni Felecity na ipinagtataka ko. "Bakit isinarado nila ang kaso kung hindi pa nahahanap yung killer?" hindi ko na matiis pa na hindi magtanong. "I don't know. Pero nung isara naman ang kaso ay natigil rin yung krimen." dagdag niya pa. "Si Dad lang yata ang makakasagot niyang mga tanong ninyo kaso, mukhang hindi pa kayo pinalad." iiling iling na sabi nito sabay sulyap sa Ama na nakahilata sa kama. Namuo ang katahimikan sa sa loob ng silid nang magsalita muli si Felecity. "Hindi mo ba ako naaalala?" tanong niya sa akin at kumunot naman ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung sino siya. Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Lee. "Bili muna ako ng pagkain sa labas. Kakagutom eh." biglang sabi niya at tumingin sa akin akin. "Papabili kayo?" tanong niya. "Kape nalang sa akin." sabi ko. "Sa akin rin. Hehe." sabi ni Felecity at nakita kong ngumiwi pa si Lee bago lumabas ng silid. "Kapatid ka ni Ash diba? Ashton Herrera?" tanong niya at muli naman akong napatingin sa kaniya. "Oo." walang gana kong sagot pero nandoon parin ang pagtataka sa mukha. "I'm a journalist. Ako yung laging kasama ni Ashton dati na pumunta ng Asuncion Police Station. I'm also Alter's fan. Hindi lang halata." sabi niya at saka tumawa. Alter's fan. Tch. "Sobrang nalungkot lang ako nung mabalitaan kong nasama siya sa car accident. I tried to stop him that time pero hindi siya nakinig. Alam mo yun? Sobrang nakonsensya ako. That's why, hindi ako nakapunta sa lamay niya." may lungkot sa tono ng boses na saad niya. "Hindi namin nakita ang bangkay niya." sagot ko at gulat naman siyang napatingin sa akin. Malakas ang kutob kong buhay ang kapatid ko. "What? Why? I thought nakita ang mga bangkay ng nasama sa car accident." nag-aalala niyang tanong. "Mga?" taka kong tanong. Bakit ang sabi sa akin nun ni Lee na isang bangkay lang ang nakita? Hindi iyon maaari. Kung nasama ang kapatid ko sa aksidente, nahanap ko na sana ang bangkay niya. Wala rin akong mahagilap na dokumentong makakapagpatunay na natagpuan ang bangkay niya. . "Yup, yun ang report na natanggap namin sa office nun. Isang katawan na nasa driver's seat at isa sa baggage. Bangkay ni Ash yung nasa baggage kasi palihim niyang sinundan si Alter nun. Nasa CCTV din nun na konting nakaawang ang lalagyan ng bagahe habang tumatakbo ang sasakyan ni Alter. Ang gulo nga eh. Iba't ibang info ang natanggap nun ng mga tao. May ibang station rin na ibinalitang walang bangkay na nakita. Nung nagpunta kasi ako ng crime scene, wala rin akong nadatnan. So, baka kinuha na nila. Nakakapagtaka nga ang mabilis nilang pagligpit sa aksidente." Fuck! Inis kong nasipa ang mini table na nasa harap. "Hindi iyon aksidente." may galit sa boses na dagdag ko at taka namang napatingin sa akin si Felecity. "Diba nawalan ng break yung sasakyan kaya nabangga sila sa isang poste na dahilan ng pagsabog?" sunod-sunod niyang tanong. "Sigurado akong hindi iyon aksidente. Alam kong may nagpasabog ng sasakyan nila. At alam kong buhay ang kapatid ko." Nagtiim ang bagang ko sa sinabi ko. Kieyrstine Lee's POV "Kape nalang sa akin." sagot ni Pakialamero. Nilingon ko naman si Felecity. "Sa akin rin. Hehe." sagot niya at napangiwi naman ako. Gaya-gaya. Amp! Inis akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa elevator para makababa ng ground floor. Kahit probinsya lang itong Miraveles nakakahanga na nakapagpatayo sila ng ganito kalaki at kagandang ospital. Pasakay palang ako ng elevator pababa nang mapansin kong hindi ko dala yung bag ko. Amp! Katangahan na naman. Anong plano mo Kieyrstine? Mangungutang ka? Jusko! Nagiging makakalimutin na yata siguro ako. Inis akong naglakad pabalik doon sa kwarto habang kakamot-kamot sa ulo at sinesermonan ang sarili. Nang makarating sa tapat ng pinto ay marahan ko itong binuksan. Kumunot ang noo ko at napangiwi nalang nang madatnang nag uusap sina Felecity at Pakialamero. Magkakilala nga kaya sila? Tch! Eh ano naman kung magkakilala sila Kieyrstine? Pakihanap naman ng paki mo oh! Magtutuloy na sana ako papasok sa loob at kunin yung bag nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Yup, yun ang report na natanggap namin sa office nun. Isang katawan na nasa driver's seat at isa sa baggage. Bangkay Ash yung nasa baggage kasi palihim niyang sinundan si Alter nun. Nasa CCTV din nun na konting nakaawang ang lalagyan ng bagahe habang tumatakbo ang sasakyan ni Alter. Ang gulo nga eh. Iba't ibang info ang natanggap nun ng mga tao. May ibang station rin na ibinalitang walang bangkay na nakita. Nung nagpunta kasi ako ng crime scene, wala rin akong nadatnan. So, baka kinuha na nila yung mga bangkay." M-Magkasama sina Kuya Alter at Ash sa nangyaring aksidente? Biglang pumasok sa isip ko yung ikinuwento ni Pakialamero tungkol sa kapatid niya. Bakit hindi ko naisip yun? At bakit naman hindi niya sinabi sa akin ang bagay na yun? A-anong dahilan niya para itago ito? Pero kung magkasama nga sila sa iisang aksidente. Bakit isang bangkay lang ang natagpuan? Yun ang nabasa ko dati sa case report na nasa kwarto nina Mom at Dad nung isang araw na niligpit ko ang mga iyon. "Hindi iyon aksidente." dinig na dinig ko ang galit sa boses ni Pakialamero nang sabihin iyon. A-Ano itonh mga pinagsasabi niya? "Diba nawalan ng break yung sasakyan kaya nabangga sila sa isang poste na dahilan ng pagsabog?" sunod-sunod na tanong ni Felecity at yun din ang gusto kong itanong kay Pakialamero. "Sigurado akong hindi iyon aksidente. Alam kong may nagpasabog ng sasakyan nila. At alam kong buhay ang kapatid ko." Mas lalo akong kinabahan at sunod-sunod na napalunok. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya pero ang ipinagtataka ko ay.. Ano itong mga nalalaman ni Pakialamero? "B-Buhay si Ash? Kung buhay siya.. Nasaan siya?" Tanong ni Felecity. "Tinatago ng mga Valler." Nanlaki ang mata ko sa isinagot ni Pakialamero. T-tinatago? Sina Mom at Dad ba ang tinutukoy niya? "What? Bakit naman nila gagawin 'yun? Anong makukuha nila sa pagtatago sa kapatid mo?" "Simple." Nakita kong sumandal si Pakialamero sa kinauupuan niya at ganoon parin ang seryoso niyang mukha na nakatitig kay Felecity. "Para maitago ang mga kapalpakang ginawa nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD