Kieyrstine Lee's POV "Clock Cipher." walang ganang sabi ni Black at naupo sa swiveled chair niya. Muli naman akong napatingin sa papel na ibinigay sa akin kanina ni Cindy. Ahh.. Clock cipher pala ang tawag dun. "Teka. Pwedeng pahiram ulit nung libro mo? Try ko lang i-decode hehe." sabi ko at nagpacute pa sa harap niya. Walang gana niya akong tinignan bago tumango. Napatalon naman ako sa tuwa at patakbong naupo sa sofa. Agad kong hinanap sa mga nakashelf na libro doon yung codes and cipher na ginamit ko dati. "Hmm. Clock cipher." sabi ko habang hinahanap yung cipher sa table of contents. Nang mahanap ko ito ay dali-dali kong inilipat ang pahina ng libro. A - AM B - 1 C - 2 D - 3 E - 4 F - 5 G - 6 H - 7 I - 8 J - 9 K - 10 L - 11 M - 12 N - 13 O - 14 P - 15 Q - 16

