Kasalukuyan nasa grocery sila Ian at ang mga barkada nito. Napag-utusan kasi si Ian ng mommy niya na bumili ng mga rekado, para sa lulutuin nitong chicken risotto. Nagkataong magkakasama sila ng mga barkada niya kaya sumama na ang mga ito. “Hanep ka talaga dude! So nakaisa ka na kay Ms. Castillo? Lodi ka talaga!” kantiyaw ni Arthur sa kaniya. Ngingiti-ngiti lang siya habang dumadampot ng mga pinabibili ng kaniyang ina. Nang matapos ay naglakad na sila patungo sa cashier upang bayaran ang mga pinamili niya. “Ano namang iyang ngiting iyan?” tanong naman ni Nathan. “Ngiting tagumpay!” si Kim na ang sumagot niyon. Nagtawanan at nag-appearan pa ang mga loko niyang kaibigan. Inakbayan naman siya ni Jaspher. “Huwag niyo nang asarin si Ian. Nagbibinata na nga eh,” nakangisi pa nitong turan sa

