Kasalukuyang nag-aabang ng taxi si Karen ng may humintong sasakyan sa kaniyang harapan. Hindi niya iyon pinansin, at nagpatuloy sa paglinga-linga sa mga sasakyang dumaraan. Bumaba naman ang may-ari ng sasakyan, na bahagya niyang ikinagulat nang makitang si Ian ang nagmamay-ari noon. ‘Anong ginagawa nito rito?’ gulat na tanong niya sa sarili. “Halika na, ihahatid na kita,” sabi nito sabay kuha ng mga pinamili niya. “Huyyy! Saan mo dadalhin iyan? Wala akong pambayad sa iyo ha!” Hindi siya nilingon ng binata, at dire-diretso lang itong naglakad palapit sa sasakyan nito. Mabilis na idiniposito nito ang mga pinamili niya sa likuran ng sasakyan nito. Nang matapos doon ay saka siya hinarap ni Ian. “Sakay na bulinggit! ‘Wag kang mag-alala, libre ang serbisyo ko para sa iyo.” Pinagbuksan p

