Naging abala ang mga sumunod na araw ni Ian. Kaya naman hindi na siya nakakapangulit kay Karen. Kaliwa’t kanan ang naging meetings niya sa mga clients nila. Idagdag pa na may nakakairitang babaeng gumugulo sa kaniya ngayon. “Come on Ian samahan mo na ako! Ngayon lang naman tayo nagkita ulit eh,” anang maarteng si Jena. Naiirita siya sa babaeng nakalingkis sa kaniyang braso. Kung hindi lang ito isa sa mga malalaking kliyente nila, baka naitapon na niya ito sa labas ng bintana ng kaniyang opisina. Napabuntong hininga siya bago bumaling sa dalaga. “Okay, but can we go later? May isa pa kasi akong meeting eh.” Pigil na pigil ang pagkairita sa boses niya. Agad namang umaliwalas ang mukha nito, at tuwang-tuwang tumango-tango sa kaniya. Hindi pa nakontento at hinalikan pa siya nito sa kani

