Magkasama sina Ian at Jaspher nang tumawag si Brix. Nagyaya itong magpunta kina Xandrie dahil gusto raw nitong makita ang dalaga. Kasalukuyan silang nasa opisina ni Jaspher ng mga oras na iyon. “Okay pare, we’re on our way sa restau-bar mo,” ani Jaspher bago ibinaba ang tawag. “Let’s go!” sabi pa nito sa kaniya. “Saan mo naman ako balak kaladkarin ng lagay na iyan?” tanong niya sa kaibigan. Sabay na silang tumayo at naglakad patungong pintuan ng opisina nito. “Sa lugar kung saan alam kong gustong-gusto mo,” nakangising sagot naman nito sa kaniya. “Saan? Kila Xandrie ba iyan?” nagniningning ang mga matang tanong niyang muli rito. “Oo, kaya bilisan mo ang pagkilos,” sagot naman nito sa kaniya. “Eto na nga oh! Teka, don’t tell me tatlong sasakyan pa ang dadalhin natin?” tanong niya r

