Lumabas ako sa dungeon dala ang isang bag kung saan naglalaman ang libo-libong pera na ibinigay sa akin ni Henry bilang kabayaran sa serbisyu ko sa kanila ngayong gabi, wala silang ibinigay na tip pero hindi na naman ako nag-expect pa dahil sobrang laki naman ng ibinayad nila sa akin. Nang buksan ko kanina ang bag na ibinigay ni Henry ay halos lumuwa ang aking mata habang tinitingnan kung totoo o fake ba ang pera at napangisi ako ng malamang totoong pera talaga ang ibinigay nila sa akin, hindi ko mapigilang magduda dahil sobrang laki talaga ng bayad nila at hindi ako sanay na may mga taong willing magbayad sa akin ng ganoon kalaki, pero ano pa nga ba ang dapat kong i-expect? Puro sila mayayaman at sigurado akong sa kanilang tatlo itong pera kaya kung iisipin ay barya lang sa kanila ito. B

