Denial -- "Pakihinto na lang po sa tabi, manong." Kaagad din namang huminto ang taxi na sinasakyan ko pagkatapos nitong makapag-park sa gilid. Inabot ko ' yung bayad sa kanya at nag-thank you, mabilis din itong umalis. Napatingin ako sa relong suot ko, 11pm na. Pinilig ko ang ulo dahil sa hilo. s**t. Mukhang tinamaan na talaga ako kay Pareng Empi. Napadami kasi ang inom, eh, hindi ko na namalayan. Buti na lang kinaya ko pang umuwi. Si Yuka naman hinatid ko pa sa room niya para matulog na. Mabuti nahatid ko pa siya kahit na nalabo na yung vision ko. Napatingin ako sa malaking bahay sa harap ko. "Sana tulog na si North." Dahan-dahan kong binuksan yung gate, may susi naman nila ako kaya hindi ako natatakot na matulog dito sa labas. s**t. Normal pa ba iniisip ko? Feeling ko magnanakaw a

