Stone's Dilemma -- "Jade!" Napaungol ako at napakunot ng noo. Ang aga-aga binubulabog ako ng babaeng 'to. Sinubukan kong idilat ang mata ko kaso masyadong mabigat ang talukap nito. Antok pa talaga ako, eh. "Yuka, ang aga pa." Reklamo ko at napahikab pa. "Mamaya na lang." "Pero—" Hindi ko na hinintay sumagot yung nasa kabilang linya at pinatay na agad ang tawag. Binitawan ko ang cellphone at nagtalukbong ng kumot. Ang dami kong inayos na mga school papers kahapon. Ang sakit ng ulo ko! Nakakainis pa na hindi man lang ako pinapansin ni South. Puro ka na lang South! Obsessed ka na ba? Napabuntong hininga ako. Hay. Siguro nga obsessed na ako. Masyado nang malakas tama ko sa bipolar na batang 'yon. Pumasok na naman sa isip ko yung mukha niya. Yung maganda niyang mukha—her blue eyes, yu

