Interpretation -- "Dahil gaganti ako." Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagkakasabi niya. Masyadong malapit sa tainga ko ang labi niya, kakaibang kilabot ang dala ng hininga nito sa pagkatao ko. Nakakakilabot. Parang nawala yung South na inosente. Pakiramdam ko maraming pumapasok at nagp-process sa isip niya na masyadong madilim at masalimuot. "South, anong—" Hindi ko na natapos ang sasabibin ko dahil bigla na lang siyang humiwalay sa'kin at iniwan ako pati na rin ang mga gamit niya. "South..." Napasandal ako at napabuntong-hininga. Ang hirap i-absorb ng nalaman ko. Napapaisip tuloy ako kung si South ba talaga ang kausap ko kanina. I'm pretty sure na siya 'yon, pero ibang-iba talaga ang side niya na 'yon. Napatingin ako sa sketch pad niya. Wala na, pangit na yung gawa niya dahi

