Black Glimpse -- "Maingay ka." Inirapan ko siya pero hindi na ako sumagot. Nagh-hum lang, maingay na agad. Tumikhim na lang ako at umayos ng upo. Pinapanood ko lang si South na mag-drawing. Hindi portrait ang ginagawa niya kung hindi isang lugar. Ewan ko nga lang kung ano. Maya-maya lang ay parang hindi na siya mapakali at tiningnan ako ng masama. Ano na naman ang problema niya? "Ganyan ka makatingin?" Kunot-noo kong tanong. "Ikaw kasi." "Ano?" Umiwas siya ng tingin. "Wala." Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil hindi ko siya ma-gets. Ang hirap niyang i-spell! Nilapit ko ang mukha ko doon sa canvass niya. Para naman siyang ewan na bigla namang napaatras. Hala, allergic na ba 'to sa'kin? Kanina pa 'to, eh. Umatras na lang ulit ako at umiwas na ng tingin. Hay, tinotopak na naman s

