Wala akong idea what happened to mama and to that man named Adi but base on what I've seen and heard kahapon, sigurado akong siya ang dahilan kung bakit kami lilipat ng Mindanao.
Nandito kami sa isa sa mga Hotel ng downtown sa Cagayan De Oro, bukas pa kami pupunta ng Bukidnon dahil may aasikasuhin daw muna si Mana. Hindi pa ako sure kung saan ako mag aaral, kakasimula pa lang ng summer kaya siguro May na ako mag dedesisyon.
"Riah, mauna ka ng kumain." tinignan ko si Mama na busyng busy at kaharap ang laptop niya. She's a Teacher. Bale online Teacher, yung mga estudyante niya taga ibang bansa at isa rin siyang private tutor.
Pagkatapos kumain nagpaalam ako kay Mama na pupuntahan ko lang ang garden na nasa rooftop.
The wind is so relaxing, hapon na kaya hindi masyadong mainit. Akala ko garden lang ang nandito pero nagulat ako ng may nakitang mga grupo ng babae na naka bikini lang, at doon ko lang napagtantong they have an outdoor swimming pool! Ang ganda, may mini bar pa pa kilid.
Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench dito, hindi kalayuan sa swimming pool. Tinatanaw ko ang mga babae, they look so happy. May sinabi yung isa pagkapos nag tawanan na silang lahat, I really don't have an idea what they are talking or even laughing about, pero nakitawa na rin ako. I imagined that I am one of them.
I pity myself, tinanong ako ni Mama kahapon kung hindi ba daw ako magpapaalam sa mga friends ko, I told her na wala naman akong friends. Well, of course my classmates knew me, we share answers, we talked, we laughed, we bond sometimes, pero Hindi ko naman sila itinuring na kaibigan. I have my own definition of the word friend.
I want to swim, pero hindi dito sa rooftop, may indoor swimming pool naman sila sa 4th floor kaya doon nalang ako. Tinignan ko ulit ang grupo ng mga babae na ngayon ay mas lalong umingay, dumating kase 'yong mga kasamahan nilang boys. Siguro mga boyfriend nila.
Nagtagal ang mga mata ko sa isang lalaking, seryoso. Bakit nasabi ko na seryoso? Kase hindi siya nakikitawa. All of his friends are throwing jokes and laughing very hard na halos rinig na ng buong rooftop pero seryoso pa rin yung mukha niya. Pero kahit seryoso, guwapo pa rin. I'm not fond of boys, wala akong naging boyfriend at hindi ako mahilig sa kpop, kdrama o ano pang kinahihiligan ng mga babae ngayon. Wala rin akong crush. Sabi nga ni April- one of my classmates, abnormal ba daw ako kase wala akong gusto. E' wala naman talaga akong nagugustuhan.
Dumeritso na ako sa elevator para makauwi na at magawa ko na yung planong pag swi-swimming mamaya pero laking gulat ko na lang na may kamay humarang para hindi matuluyang masirado ang elevator, at mas lalo pa akong nagulat ng makitang yung lalaking guwapo iyon! He stared at me for awhile pagkatapos ay pumasok na rin. Nasa kilid ko siya, pinindot niya ang G, meaning ground floor pinindot ko naman yung 9 dahil nasa 9th floor lang naman yung room namin. Uuwi na siya? His friends are enjoying there, hindi ba siya nag e-enjoy? If I have friends like his friends sasali ako lagi sa gala nila, kung pwede pa lang hindi na umuwi eh. O siguro introvert din ang isang 'to? He look introverted-extrovert. Pero pake ko ba sa kanya? Well, one of my habits is to observe people, pero wala akong pake sa kanila.
Biglang nag *ting!* hudyat na nasa 9th floor na kami hindi ko na siya tinignan at dumeristo na sa paglalakad.
"Mama, puwede ba akong mag swimming?" i asked a permission first. Oo at mag e-eighteen na ako pero lahat parin ng desisyon na kay Mama. I didn't complain though, kase alam kong walang desisyon niya ang magpapahamak sa akin.
"Sure, uwi ka lang agad." I smiled at her at dumeristo na sa kwarto para mag bihis ng rashguard, at kumuha ng towel.
My heart is so happy ng makitang walang tao ni isa dito sa pool! Makakapag relax ako! At dahil mag isa lang ako dito, my plan is to have a quick nap kahit 30 minutes lang dito sa sun lounger pagkatapos mag s-swimming na! Ugh I really love being alone! Sana naman walang epal.
______
Nagising ako dahil may walang modong bigla bigla nalang sumalpak sa swimming pool. Hindi kalayuan ang sun lounger sa swimming pool kaya basang basa ako! Agad akong napaahon dahil doon, nakita ko yung lalaking guwapo kanina. Hindi ba niya nakita na may natutulog dito? At hindi na siya guwapo ngayon, pangit na siya sa paningin ko! Bastos!
Tinignan ko siya ng masama, bigla naman siyang tumingin sa akin. Wala akong pake kung nakita ko yung mga irap ko sa kanya! Pinaka ayoko yung dinidisturbo yung pagtulog ko!
"Sorry miss. You've been sleeping for almost 3 hours-"
"Puwede mo naman akong gisingin ng maayos." tinignan ko siya ng masama at mas lalo akong nagalit ng tumawa sya.
"Why are you laughing? May nakakatawa ba?" I'm not rude talaga, Hindi ko alam kung bakit kumukulo yung dugo ko sa lalaking 'to!
"Ang maldita mo huh," he smirked kaya mas lalo akong nairita!
Ang guwapo niya, pero ngayon hindi na!
"You can wake me up, in a nice way. Saan ka ba nag aaral? Mag gmrc ba doon? Or you don't even know what gmrc means?" this is my first time na may binastos. My classmates always adore me because of my kindness, hindi nila alam na may kademonyohan din ako. I'm also human. I'm not angel nor devil. Tao ako. Agathokakological.
"Good morals and right conduct? Oo meron naman." gusto ko siyang lunurin sa swimming pool ng gumisi siya lalo. Kairita!
"Next time miss, sa kuwarto ka matulog. Huwag dito." Pota- okay relax Riah, that curse is so malutong. Relax.
"Parang kasalan ko pa huh? Sige sorry. Sorry kase dito ako natulog. Sorry kase na disturbo ko yung s-swimming mo. Sorry ha? Sorry." bakas sa tono ng boses ko na sarcastic iyon, you son of a b***h, I'm not sorry! And here we go again in his exasperating laugh. Tawang demonyo. Aalis na sana ako, kahit hindi natuloy yung swimming ko bahala na. Kahit anemic ako, parang tataas yung dugo ko sa lalaking ito!
Kinuha ko yung towel at didiretso na sana ako sa pinto ng biglang nagdadatingan yung mga grupo ng babae at lalaki kanina. Aalis na talaga ako. They are so loud, pinaka ayoko pa naman yung maingay.
"Reg, you're here lang pala." tinignan ko sila ng isa isa silang dumeritso dun sa lalaki na hanggang ngayon naka ngisi pa rin at titig na titig sa akin.
Satanas, Reg pala pangalan ng anak mo?