bc

The Truth Between The Gap

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Naniniwala ka bang si Kupido ang dahilan kung bakit tayo nag mamahalan?

Naniniwala ka bang si Kupido ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan?

Naniniwala ka ba sa second chance?

Anong gagawin mo kung mubalik yung taong gustong gusto mo?

Yung taong minahal mo na noon, mahal mo pa rin hanggang ngayon.

Tapos akala mo, okay na.

Akala mo, puwede na.

Akala mo panahon na ninyong dalawa.

Akala mo, kayo talaga yung naka tadhana.

Akala mo, posible na.

Akala mo lang pala.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
You really believe in second chances, huh?" I really don't have an idea what's Tito Eric and Mama talks about, pero gusto kong makinig. Busy ako sa pagluluto pero half ng attention ko nasa kanila. "Eric, baka naman ngayon diba. Pwede na," I was stunned when I heard those words and I literally stopped chopping the bangus. Gulat na gulat ako. Did I heard it, right? Sino tinutukoy nila? Does mama had a lover when she was high school or college? Ba't hindi ko alam? She looks rude and mean, even my friends takot sa kanya. She has the looks like mata palang parang kinakausap kana. I remember when I was a kid, when those eyebrows of hers raised, sobrang kaba na ang nararamdaman ng mga kalaro ko. Kaya I can't imagine Mama na may boyfriend noon. Nararamdaman siguro nila na nakikinig ako kaya hindi na nagsalita si Mama at Tito Eric. "It's your decision, siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak si Zechariah sa kadesperadahan mo," napatingin ako kay Tito Eric ng banggitin niya ang pangalan ko, he smiled a bit at pumunta na sa sala. "Pagkatapos nating kumain pack your things na anak, maaga pa tayo bukas." Si mama habang tahimik na naglalagay ng mga plato sa mesa. Gusto kong mag protesta, I want to ask her bakit lilipat kami ng Bukidnon. We're peacefully living here in Manila for almost 18 years, Hindi ko alam kung kaya ko bang mag adjust sa ibang lugar. To be honest, I really don't want to go with Mama. Okay lang naman sa'kin na dito ako while nasa Bukidnon si Mama, and besides malaki na ako, I can take care of myself na. Wala nga lang akong pera. "Riah, pakitawag yung Tito mo, kakain na tayo." pumunta ako ng sala pero ni anino ni Tito hindi ko nakita. Kaya dumeritso ako sa labas at hindi ako nagkakamali, nadoon si Tito sa may duyan. Kinuha ko yung monoblock chair na nasa kilid ko para tabihan si Tito. Mainit panaman yung niluto ko kaya makipag chismis muna ako kay Tito, and I want to ask him something. "Tito," nilagay ko yung monoblock chair sa kilid niya at umupo doon. "Riah, tapos ka ng magluto?" tanong niya, tumango lang ako at ngumiti. "Tito, do you have an idea bakit lilipat kami ni Mama sa Mindanao?" I asked him directly! Ilang gabi na rin itong bumagabag sa isip ko, alam kong hindi masasagot ni Mama ang tanong na ito and I'm hoping that Tito Eric will answer it. Just please, give me some peace of mind! "Bukidnon is a nice place, bukid at syudad ang mararamdaman mo doon." hindi ako nagsalita, I'm waiting for him to talk more and besides it's not the answer of my question. Naramdaman niya sigurong curious ako kaya ngumiti lang siya at tumayo. "Riah, ask your Mama, siya lang ang makakasagot sa tanong na iyan. Let's go back na baka lumamig na yung niluto mo." Tumayo na rin ako, "I will surely miss your sinigang." Tito pinched my cheeks kaya natawa ako. Eventhough Mama Ezha and Tito Eric are not my real parents, I'm still thankful that my Mama Marie gave me to them. Simula pagka bata hindi ko naramdamang may kulang sa'ken dahil lahat ng pagmamahal, pag aalaga at pagsusuporta, naibigay nila. "Sana naman may sobra yung sinigang para mabigyan ko din si Blue," salubong ang kilay ng tinignan ko sya, halos batukan ko si Tito Eric sa sinabi nya. Mahal na mahal niya si Blue, naalala ko pa nung may meeting si Tito tapos nagmamadali siyang umuwi at nag drive thru pa talaga sa sikat na fast food chain para sa aso niyang si blue. He laughed at my reaction kaya ngumiti na rin ako. Alam ko namang joke lang niya 'yon, he really love my sinigang, that whenever he comes here request niya talaga sa akin na ipagluto siya ng sinigang. Nasa gitna si Mama at nasa kilid kami ni Tito Eric. While eating, Tito share some funny moments of him and his new girlfriends. Oo with S kase marami. Every week ata may bagong babae. Well hindi niya naman kino-confirm kung girlfriend niya ba talaga pero parang ganun na rin iyon. I really don't know why he always convince himself na magkakagusto sa babae, Tito Eric is a gay. Yes he is. The way he talk, dress or even walk. Halatang halata. Siya lang yung baklang chicks boy na kilala ko. "Kaya ikaw, ireto nalang kita sa mga knows ko na mga yummy model, kung gusto mo send ko sayo yung list at pictures para makapili ka at isang click mo lang sayo na agad." I laughed with Tito while mama is serious. Isang click mo lang sayo na agad, parang bumili ka lang online. "or kung gusto mo meet mo talaga sila sa personal. Ang tanda mo na Girl, galaw galaw baka mapunta ka na ng langit hindi mo man lang naranasan ang langit 2.0 dito sa lupa." agad naman akong napainom ng tubig dahil sa sinabi ni Tito, geez we're eating! "Manahimik ka dyan Jericho, kung ayaw mong isaksak ko sayo 'tong tinidor." si mama habang may hawak na tinidor, tumawa lang si Tito kaya tumawa na rin ako. "Oh Riah, ba't ka tumatawa? Gets mo yung joke ng Tito mo?" tumaas ang kilay ni Mama habang nakangisi lang si Tito. "Ano ka ba Ez, 17 na yan syempre knows nya na yung mga ganyan. Kayo nga 16 noon daig pa ang p****k sa kalandian ninyo ni Marie!" nakinig lang ako, while they reminisce their highschool moments. I really love when when they talk about it, dahil feeling ko mas nakilala ko si Mama Marie. "Hoy mas maraming lalaki yung si Marie! Isa lang Kaya yung akin noh," depensya ni Mama. "Isa lang ba? Hindi ba counted yung gwapong basketball player na halos mawala na yung boses mo sa kakasigaw nung naglaro sila nung intrams? At hoy Gaga! Hindi ko makakalimutan sa senior high ka kumampi at nag cheer nun, trydor!" tumawa lang ako dahil parang highschool pa rin sila mag asaran. Dito sa bahay talaga, uso ang sumigaw kaysa sa magsalita. "Hoy sinong tinutukoy mo? Si Dmitri? Jusmiyo, ang pangit nun tapos tanga tanga pa! Hindi ko nga alam kung buhay pa yun ngayon eh. Kumampi ako sa senior high kase nga chine-cheer ko si Edrian, itong si Marie kase dinadamay ako sa kalandian niya." "Hoy rin, wag kang nagsalita ng hindi maganda kay Marie, baka multuhin ka non!" pananakot ni Tito. Napatigil si Mama sa pagsalita, natahimik din si Tito Eric. They really missed my mom, base sa kwento nila sa akin noong bata pa ako sobrang ganda daw ni Mama, habulin ng lalaki at isang tunay na kaibigan. Eventhough mom is not here anymore, they will always talk about her, reminiscing their highschool moments, yung mga kalokohan at kadramahan nila. I adore their friendship, sana may ganyang kaibigan rin ako. Yung kahit marami ang nangyari na pagsubok, at hanggang sa pagtanda karamay pa rin ang isa't isa. I wish I can find some real friends in Cagayan De Oro. Ilang sandali pa ng tumayo si Mama at pasimpleng pinunasan ang luha niya, ganun din si Tito Eric. "Hoy ikaw yung maghuhugas. Mag iimpake pa si Riah" tinulungan ko si Tito na ilagay sa sink yung mga pinagkainan namin at pagkatapos dumeristo na sa kwarto para mag impake. Seryoso ba talaga? Lilipat kami? Dalawang maleta lang yung dadalhin ko, wala naman akong masyadong damit, puro pj lang. Hindi naman ako fashionista at wala akong alam sa mga magagandang damit, Mama always brought me some whole dress, shorts at yung mga tops na uso daw ngayon, and whenever I used those, feeling ko para akong suman. Nilagay ko sa sala yung maleta at bag na dadalhin ko bukas. Wala si Tito at Mama dito kaya dahan dahan akong pumunta ng kusina, at hindi nga talaga ako nagkakamali, nandoon sila nag uusap. Hindi ko alam kung chismosa ba si Mama Marie, pero kung chismosa siya, siguro nagmana ako sa kanya. Nagtago ako malapit sa may kabinet, sakto lang para marinig ko sila. "Who's your source by the way? Ba't parang sure na sure ka?" si Tito Eric. "I saw Tita Allia's post sa f*******:! 2 months na iyon. Yung caption 'Rest in peace Jane. If you see my son there in heaven, please send my regards to him. We love you' sinong Jane lang ba yung kilala natin? Yung asawa niya! Nakita ko sa comment section, breasts cancer daw yung ikinamatay at may mga pictures talaga kaya sure akong si Miss. Jane iyon. " this is the first time I saw my mama crying at parang sinasaksak yung puso ko, ang sakit makitang umiiyak si Mama, hindi ko man lang alam ang dahilan. Sino ba ang namatay? Sino si Jane? "So, Kaya ka pupunta ng Bukidnon dahil wala na ang asawa niya? Na ngayon pwede na kayo? Naniniwala ka pa rin na kayo talaga yung nakatadhana? Mahal mo pa rin si Adi?" tanong ni Tito Eric. Hindi nagsalita si Mama at patuloy lang sya sa pag iyak. Who's Adi? * Lots of grammatical error hehe.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
713.8K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.1K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
864.3K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.3K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.2K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.7K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook