('VINCE's POV') "Musta, Bro? Tagal mo rin sa aming 'di nagpakita ah?" sabi ni Kenneth Nadito kami ngayon sa Bar ni James at oo, tama si Kenneth na ngayon lang uli ako lumabas at nakipagkita sa kanila. Naging busy na rin kasi ako sa aking mag ina eh. lalo na ngayong masilan ang pagbubuntis ni Marie, saka minsan ang hirap spelling'in ng ugali nito, paiba iba ng mood, sabi na lang ni Mom kailangan ko lang talagang habaan pa ang aking pasensya, dahil kung hindi, ako lang din daw ang talo, aminado naman ako don eh, lagi akong talo pagdating sa aking mahal. "Ngayon lang ako nagkaron ng time eh, alam n'yo naman ngayon ang sitwasyon ni Marie, medyo masilan ang pagbubuntis." sagot ko. "Kaya ingatan mo, Bro. 'Wag mong pasasamain ang loob, baka mamaya n'yan hindi maganda ang pagkakahulma dahil la

