('MARIE JHOY') ONE MONTH LATER... "Ang laki mo na anak, sa susunod na buwan isang taon ka na, habang lumalaki ka, lalo kang nagiging kamukha na 'yong tatay, halos wala ka nga yata Baby nakuha kay Nanay eh, pero ok lang, basta ampogi pogi at ang cute cute naman Baby ko na 'yan. Mahal na mahal ka ni Nanay." usal ko sa aking anak, nadito kasi kami sa labas ng bahay nakaupo, hinihintay namin si Myra kasi nag aakit itong pumanta ng mall excited bumili ng damit para daw sa birthday ni Baby Von next month. "Ta-ta! Ta-ta!" usal ng aking anak sabay ng paghigikhik! Nagulat naman ako sa binigkas nito, napatawa ako at saka ko 'to pinanggigilan ng halik kaya lalo lamang itong humagikhik. "Ayy! Inggit naman ako, pahalik din si Tita Ninang ganda, Baby Von. Akin na nga 'yan, ako na magdadala sa pogi n

