('MARIE JHOY's POV') "Bes, ano plano mo ngayon? Nakapag disisyon ka na ba? Dalawang buwan na rin ang lumipas simula ng magising na si Kuya Daved," tanong ni Myra, "–Ay s'ya nga pala, nagkita kami ni Victor sa Hospital sa Makati nung lumuwas ako, nalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo, hindi ko sana kakausapin kasi naiinis ako sa unggoy na 'yon kaso ayon nakita n'ya na ako, kinumusta ko na rin si Kuya Daved, at ayon nga two months din pala sumailalin sa therapy session si Kuya Daved, kasi hindi pala agad nakalakad," Napatigil ako sa aking ginagawa saka ako napalingon dito. "Ganun ba talaga kalaki ang naging pinsala sa kanya?" tanong ko. "Ay siguro naman, Bes, 'di ba? Kasi 'di naman s'ya dadaan sa session na 'yon kung after magising s'ya ay ok na agad s'ya, 'di ba?" sagot naman nito na inir

