Ilang sandali pa at natapos na rin ang mga amo namin sa pananghalian, ganon na rin kaming tatlo nina Manang Fe at Aileen, nilinis na namin ang mga kalat at nang matapos binalikan ko na rin ang natitira pang basket na mga nilabhan ko, tinulongan na akong dalhin ni Aileen ang isa pa na basket para raw 'di na ako uli bumalik pa, dahil totoo nga naman na nakakapagod mag-akyat baba sa mataas na hagdanan. Nang matapos kami ni Aileen ay bumaba na uli kami, pero ng mapadaan kami sa sala ay tinawag ako ni Maam Shiela at si Aileen naman ay inutosan na tawagin si Manang Fe. Nang makaalis si Aileen ay kinausap na ako ni Maam Shiela, narito kasi sila sa sala at nagkukwentohan, maliban kay Maam Leizle na bumalik na rin sa silid nito at narinig ko kanina na may lakad pa raw. "Kumusta naman Hija ang 'yo

