***MARIE JHOY*** "Hoy babae! Bakit ang tagal mo namaa yata maglinis ng silid ng Baby Vince mo? Siguro nag pagulong gulong ka pa sa kama n'ya 'no? Habang yakap yakap mo pa ang kanyang unan, umamin ka nga! Tama ako 'di ba?" panunukso ni Aileen ng makita ako na pumasok sa kusina bitbit ang mga pinagpalitang sapin ng higaan ni Sir Vince, dumiritso na lang ako sa likod kung nasaan ang laundry area para dalhin doon ang mga labahin at kunin ang mga natapos ng mga damit na isinalang ko kanina bago ako magsimula ng trabaho. "Hoy babae ka talaga! Ngayon naman nagbibingi bingihan ka at kunwari walang nakitang maganda at sexy na aileen dito sa mansyon," muli pa nitong sabi na bahagya ko pa na ikinagulat, 'di ko kasi alam na sumunod pa pala talaga 'to sa akin hanggang dito. "Ano ka ba, Aileen, magtr

