KINAGABIHAN, nakarating na ako sa bar ni James, pagpasok ko pa lang ay kita ko na ang paghanga at pagtitig ng mga babae sa akin, at ang iba naman ay pa-simple pang humahaplos sa aking dibdib o balikat sa tuwing madadaanan ko ang mga 'to. Saglit pa natanaw ko na ang tropa at kita ko pa na kumaway si Kenneth kaya lumapit na ako sa mga ito at binalewa na ang mga babae na harap harapang nagpapakita ng mga motibo. Paglapit ko naman ay agad akong inabutan ni kenneth ng isang bote ng alak, tinanggap ko naman ito saka tinungga, napatingin naman sa akin ang dalawa, si James at Kenneth, dahil sila pa lang ang narito ngayon at kulang pa kami ng dalawa pa, si Jeff at Carlo, college pa lang kami ay magkakaibigan na rin kami, pero sa aming lima si Kenneth at ako ang mas malapit sa isat isa, para ko na

