{'MARIE JHOY's POV'} "Miss na miss na kita, Sir Vince." mahina kong sabi habang nakatingala sa langit, napa buntonghininga na lang ako at inayos ko na ang aking sarili saka ako tumayo at nag disisyong pumasok na sa loob ng mansyon, halos isang oras rin akong nanatili sa labas, buti na lang at mga tulog na rin ang mga tao rito wala ng makakapansin pa sa akin. Pero bakit parang pakiramdam ko may nakatingin sa akin, umiral na naman siguro ang ugali ko na pakiramdan ay laging may nakatingin sa akin. Nang makapasok na ako sa aming silid ni aileen ay maingat akong 'wag makagawa ng ingay dahil baka magising ito at maalimpungatan, sigurado akong 'di na naman ako nito titigalan sa pangungulit, bago ako lumabas kanina ay sinilip ko muna ito at ng makita kong malalim na ang paghinga ay saka ako main

