***VINCE*** Nakatulala lang ako sa pader ng Hospital habang naghihintay sa paglabas ng Doktor mula sa Emergency Room. Maya maya ay tumayo ako at sumilip kaso pinigilan ako ng isang Nurse na papasok sa loob ng Emergency Room, kinabahan naman ako sa ginawa ng Nurse, ngunit wala na rin lang nagawa at napatingin na lang ako sa pinto ng sumara na ito. "F**k! Bakit ang tagal nila lumabas?" bulong ko habang pabalik balik ng paglalakad sa harap ng pintuan ng Emergency Room. "Hijo, maupo ka muna, ayos lang naman siguro si Marie, ipanatag mo ang 'yong loob," mahinanong sabi ni Manang Fe, marahil ay napansin nito ang aking pagka tuliro. Maya maya pa ay lumabas na ang Doktor at ang ibang Nurse. "Mr. Montemayor, 'wala naman ho kayong dapat ipag-alala kay Mrs. Montemayor, wal naman pong malaking p

