"Kumain na ho muna kayo Mang Kardo pagkatapos ay magpahinga na rin ho muna kayo, dahil maya maya lang ho ay babalik na uli tayo sa Hospital, may importante lang ho akong tatawagan at ipapahanda ko na rin ho kay Aileen ang ilang gamit ni Marie na dadalhin natin sa Hospital," sabi ko kay Mang Kardo nang makarating kami sa mansyon. "Sige, Hijo, tawagin mo na lang ako kung kailangan na rin nating bumalik sa Hospital." tumango naman ako rito saka tiningnan ang oras, "Alas tres na rin pala ng hapon, kailangan makabalik ako roon ng alas sais." bulong ko sa aking isip. Naglakad na ako papasok ng mansyon at sakto naman na kasalubong ko di Aileen. "Sir Vince, kumusta na po si Marie? Ano po ang sabi ng Doktor? Bakit daw po sya nawalan ng malay? Ayos lang po ba s'ya?" sunod sunod na tanung ni Ailee

