***VINCE**** Umalis ako sa mansyon at umuwi sa aking condo pagkatapos ng umagang 'yon, plano ko sanang mag jogging kaya kumuha ako ng tubig sa kusina, hindi ko naman inaasahan na sa umagang 'yon ay makikita ko si Marie, masyado ko ng nasasaktan si Marie, kumuha ako ng alak sa ref saka bumalik sa sala at don uminom. Habang umiinom mag isa ay muli kong naalala ang nangyari kanina sa tagpo nila ni Marie, ang pag iyak nito maging ang mga salitang lumabas sa bibig nito na parang kutsilyong utay utay humihiwa sa aking puso dahil sa awa at habag na aking nararamdaman para sa babaeng aking minamahal, mahal na mahal ko si Marie, pero kailangan ko muna itong layuan dahil lalo pang lumalala ang problema aking problema. Awang awa ako rito, gusto ko itong harapin para yakapin at punasan ang mga luhang

