Pagkapasok ko sa aming silid ay agad akong humiga sa aking kama at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng aking loob, sakit at bigat na aking nararamdaman. Bakit ba kailangan nila ng antas ng pamumuhay para lang masabi mong ikaw ang nararapat o hindi nararapat para mahalin at magmahal, nagmahal din naman sila ah, at alam nila ang pakiramdam ng totoong nagmamahal at totoong minamahal, pero bakit pagdating sa klase ng pagmamahal na ibinibigay ko ay hindi sila masaya o hindi sila sang-ayon, kundi para sa kanila ay isang pagkakamali, at walang halagang pagmamahal. "Ang sakitttt!!! Bakit hindi n'yo kayang unawain at tanggapin kung ano ang totoo kong nararamdaman? Bakit kailangan n'yong sukatin at kuwestyonin ang pagmamahal na ibinibigay ko, bakit kayo ganyan? Wala ba talagang karapatan magmahal

