(MARIE JHOY's POV) "Anak, halika muna rito sa labas, nadito si Myra!" sigaw ni Nanay mula sa labas, pangatlog araw ko na ngayon dito sa bahay namin simula ng umalis ako sa mansyon ng gabing 'yon, kahit papaano medyo gumaan gaan naman ang aking pakiramdam, dahil kung nasa mansyon pa rin ako ngayon ay oras oras ko lang maiisip, at oras oras kong aasamin na makita si Vince, nakatulong din higit ang presensya ng aking pamilya sa kabila ng aking problema, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanila kung ano'ng problema ko, hindi dahil sa ayaw kong sabihin kundi hindi pa lang talaga ako handa, siguro bago ako bumalik sa mansyon masasabi ko na rin sa kanila. Lumabas ako ng bahay, nakita kong nagwawalis si Nanay ng bakuran, laking pasalamat ko nablang talaga sa panginoon at binigyan pa ul

