Chapter 1
Cristail's POV
"Nandiyan na si Sir. Bumalik na kayo sa mga upuan nyo" sabi ni Axel na class president namin at the same time kaibigan din.
Nagsunudan naman sila lahat, who wouldn't anyway? Meron kasing aura si Axel na mapapasunod ka sa kanya kahit ayaw mo.
Kahit sa aming mag kakaibigan sya yung tinuturing naming leader dahil magaling talaga ito sa mga bagay bagay.
Umupo na si Sandy sa kanan ko at sa kaliwa ko naman si Angelo at Alexa. Sa likod naman namin sila Jane, Carl, Axel at Vince.
Nagturo lang si Sir. Carlos hanggang sa mag break time.
"Ahhh finally, natapos din." humihikab na sabi ni Carl sa likod.
"Kala mo naman talaga nakinig ka sa lesson ni Sir. Natulog ka nga lang eh." sabat naman ni Sandy.
"Inggit ka? Sana natulog ka din HAHAHAHA." pang aasar naman ni Carl.
"Guys, tara na sa cafeteria, gutom na ako." napatingin naman ako kay Vince, mukhang gutom na gutom na nga hahahhaha.
"Hoy Angelo, tama na yang kakalagay mo ng kung ano ano sa mukha, kakain lang tayo hindi tayo pupunta sa party." sabi naman ni Jane na kanina pa naiinip.
"Inggit ka lang sa beauty ko sis. Ako ang nag iisang dyosa dito sa room kaya dapat proud ka kasi kaibigan mo ako, atsaka Angela ang pangalan ko hindi Angelo." sabi nito sa babaeng boses.
"Sinong maiinggit sayo? Kahit anong gawin mo may bayag ka pa rin." ganti namn ni Jane.
Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Jane.
"Woooaah. K.O si Angelo HAHAHAHA." natatawang sabi ni Alexa.
"Whatever, tara na nga bago ko pa masampal ang babaeng ito at magalusan pa ang mala dyosa kung kamay." umiirap sa sabi ni Angelo habang nauna na maglakad palabas ng room.
Sumunod naman kami habang tumatawa pa rin.
(At Cafeteria)
Pagpasok namin sa cafeteria nagtinginan sa amin ang mga estudyante. Sikat din kasi kami sa University, lalo na ang mga boys dahil sa mga angking kagwapuhan ng mga ito.
"Girls, pumunta na kayo sa table natin kami na lang mga boys ang mag oorder ng pagkain natin." sabi ni Axel.
Paalis na sana kami ng biglang magsalita si Carl.
"At saan ka pupunta Angelo?." napatigil naman sa paghakbang si Angelo.
"What? Sabi nyo pumunta na kami sa table?." nagtatakang tanong nito.
"Ang sabi ni Axel tayong mga boys ang mag oorder." ulit naman ni Vince sa sinabi ni axel kanina.
"Exactly, sa ganda kung ito mukha ba akong lalake sayo" nakataas na kilay na sambit nito.
Natatawa naman naming pinapanood nila Sandy, Alexa at Jane ang nangyayari.
"Masyado mo naman pinanindigan ang pag kababae mo eh may bayag ka naman." sabi ni Axel ng seryoso.
Doon na kami humagalpak ng tawa sa sinabi ni Axel, pinagtitinginan na din kami ng ibang estudyante.
"Noooo, don't say that curse word Axel. Fine, sasama na ako sa inyo." sumusukong sabi nito.
Pumunta na kaming mga girls sa gilid ng cafeteria kasi ayaw namin ng masyadong attention sa ibang estudyante habang kumakain.
Pag kaupo namin di pa rin namin maiwasang tumawa dahil kay Angelo.
" Wala talagang kupas ang kaartehan nyan ni Angelo hahahahha"
"Dinaig pa tayong mga babae talaga hahhahaa"
"Well, di pa ba tayo masasanay dun hahahahha wala naman palag yun kela Axel eh hahhahaha." sabi ko at nagtawanan na naman kami.
"Tingnan nyo maglakad ang bakla hahhahaa." napatingin naman kami sa sinabi ni Alexa.
"Kumekembot kembot pa ang balakang hahahaha." sabi naman ni Sandy habang nakatingin kay Angelo.
"Pag natapon yang pagkain natin dahil sa ginagawa nya, lagot talaga siya kay Axel" sabi naman ni Jane habang umiiling.
Hindi talaga papaawat sa kalokohan si Angelo hahahahha.
"Here's our foods sisters." maarteng sabi ni Angelo. Habang kasunod sila Axel.
"Okay, kumain na tayo."
Jane's POV
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Alexa.
"Guys, 1 week na lang sembreak na, anong plano natin?."
Every sembreak kasi nagpaplano kami ng lugar na mapagbabakasyunan
"How about beach?." suggestion ni Sandy.
"Again? Nag beach na tayo bago mag start ang school year na ito." tutol ni Carl.
"Then, out of the country?." sabi naman ni Vince.
"Nah, nagbakasyon na ilang sa atin sa iba't ibang bansa, so no." ito hirap pag halos lahat ginawa nyo na.
"How about camping?." napatingin naman kami lahat kay Axel.
As expected.
"Good idea, hindi pa natin nasusubukan yun." masayang sabi ni Cristail.
"Ok it is set. Camping tayo next week, pero mag search na kayo ng lugar kung saan tayo."
"Okay, sa susunod na mga araw na lang natin ulit pag usapan, let's go it's time already." nagsitayuan na kami sa table at bumalik na sa classroom.
Habang nagtuturo si Sir. Max sa harapan, nilibot ko naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko.
Si Sandy, nakatingin sa harap pero parang malayo ang iniisip, paniguradong tungkol sa mga gamit na dadalhin nya sa camping ang nasa isip nyan, sya kasi lagi excited sa mga bakasyon namin.
Si Angelo naman, ano pa ba aasahan namin dito tsk tsk. Nag lalagay na naman ng kung ano ano sa mukha at pinupuri ang sarili.
Si Cristail naman, focus sa pag take notes sa mga sinasabi ni Sir ito lang talaga at si Axel at Vince ang masipag mag aral sa amin eh.
Napatingin naman ako sa likod at nakita kung natutulog na naman sa Carl, ginagawa talaga nitong bahay nila ang University.
Si Alexa naman may pinagkakaabalahan sa notebook pero sure ako na nag dra drawing lang yan isa kasi sa hobby nya yan.
Si Axel at Vince naman seryosong nakikinig sa lesson ni Sir.
Natigil naman ako sa pagmamasid ng may kumalabit sa akin.
"Sis, pahiram nga ng lipstick mo na red." napairap naman ako ito talagang bakla na ito wala ng ibang magawa, buti hindi sya napapansin ng mga professors namin simula kanina.
Well, kahit naman siguro mahuli to ng professor walang pakialam eh.
"Ayoko, dahil sa naaalala ko hindi mo na naibalik sa akin noong last time na humiram ka." pagtanggi ko.
Hindi marunong magbalik ng gamit ito eh kung may maibalik man halos wala ka na magamit.
"Ang ganda kasi sis, promise ibabalik ko din agad" nagmanakaawang tingin nito.
"Ang pula pula na ng labi mo dadagdagan mo pa? Gusto mo na bang maging clown?."
"Ayyy grabe ka sis, sayo na nga yang lipstick mo."
At siya pa ang galit. Whatever.
Hanggang sa matapos ang klase sa buong hapon, walang ginawa si Angelo kung di irapan ako.
"Bye guys, see you tomorrow."
"Paano nga yung research na ipapasa this week?." tanong ni Carl.
"Yan ang napapala ng puro tulog lang alam sa klase."
"Come on, ang boring kaya." pangangatwiran ni Carl.
"About sa sikat na mga businesses sa buong mundo, then gagawan mo ng summary, conclusion at suggestion yung company na napili mo." sabi ni Vince.
"Thanks bro."
Nag kanya kanya na kami ng uwi ng nagsidatingan na yung mga sundo namin.
Ano kaya ang gagawin ko?
Kailangan matapos ko na agad yung research para magkapaghanda na ako ng mga dadalhin namin sa camping.
Sa kakaisip ko, di ko namalayang nakarating na pala ako sa bahay.