Ate..." rinig kong sabi ng kapatid ko habang marahan akong niyuyugyog para magising.
"Ate bangon na dyan, may pupuntahan pa tayo ngayon biba"
Agad akong napabalikwas sa bangon. Oo nga pala, mamimili kami ng gamit para sa school ngayon.
Habang nag-aalmusal, panay ang bilin nya sa kapatid ko na hindi daw dapat ako maaalis sa apaningin nya. Ganon din sa'kin na panay ang bilin na huwag daw akong lalayo sa kapatid ko, baka daw kasi mawala ako eh hindi ko daw kasi kabisado ang lugar dito.
Ibinilin rin ni nanay na limitado lang ang pamimili ng gamit apara sa school.Pero sabi rin niya na kapag marami pa raw barya, ibili nalang daw namin ng mga damit ko.
"Bakit kailangan ko ppa po bumili ng damit? Yung mga damit ko po noon nasaan na?"
" Ah,ano kasi. Nalumaan mo na kasi,kaya bumili ka na ng bago mong damit para naman may mga bago kang susuotin sa school."
Tumango nalang ako.
Nang matapos kumain, napag-usapan naming magkapatid na ako ang magliligpit ng pinagkainan at si Cess naman ang mag-uurong.
"Yung mga ibinilin ko sa inyo ha."
"Opo, ma" sabay naming sabi.
" Princess, yang kaapatid mo, bantayan mo. "
" Opo ma. "
" Marikit, yung ibinilin ko rin sa'yo ha. Huwag lalayo, dapat lagi kayong magkatabi ng kaapatid mo, ha? "
" Opo ma. "
"Yung mga binilin ko ha." nagkatinginan kami ng kapatid ko at saka tumawa dahil paulit-ulit lang si mama sa mga sinasabi nya.
"Ma, opo. Tatandaan po namin lahat ng ibinilin ninyo. Kaya ngayon po, lumakad na po kayo ni papa at baka ma-late po kayo sa pupuntahan ninyo.
"Tara na. Kaya na nila yan." sabi naman ni papa, habang hila-hila ang pulsuhan ni mama.
Nang kami nalang ang naiwan ni Cess, agad kaming pumunta sa silid namin at pumili ng susuotin.
Natagalan kaming nagbihis dahil sa kakulitan ng kapatid ko. Ipinipilit kasi nyang isuot saakin yung craptap daw na damit, eh nakikita naman ang pusod ko kaya tinanggihan ko kaagad. Andami pa niyang ipinilit ipasuot saakin na damit pero ang revealing kaya.
Sa bandang huli, isinuot ko ang simpleng shirt at pantalon.
"Alam mo ate, sayang ka."
"Sayang? Sa alin?"
" Tingnan mo nga yang sarili mo. Ang ganda mo. Ang kinis ng kutis mo. Ang puti mo pa. Idagdag mo pa yang height mong 5'7, tapos magpapaka-conservative."
" Hindi naman sa ganoon.Hindi lang kasi ako komportable."
" Oo na, ate. " sabi nya ng medyo natatawa pa.
Halos kalahating oras ang byahe namin. Nang makarating kami sa bayan,halos manlaki ang mata ko dahil sa dami ng tao.
"Masanay ka na ate. Marami talagang tao dito,dumoble nga lang ang dami ngayon kasi mamimili din sila ng mga gamit para sa school."
Habang naglalakad,hindi ko maiwasan ang mairita dahil marami ang nakikita kong nakatingin sa amin habang naglalakad kami.
"Ate,tara doon.Mas orig tinda nilang gamit doon." tumango nalang ako.
Para kaming mga bata dito na tawa nang tawa.Paano ba naman kasi itong si Cess,kung ano-ano ang pinagpipiling notebook.
Dora, Paw Patrol, Miraculous ladybug.
Yang mga yan ang mga sinasabi nyang kunin ko na notebooks.
Alam kong nawala ang maraming ala-ala ko,pero alam ko rin na bata lang ang gumagamit ng mga yan.
Sa bandang huli plain colored notebooks lang ang nabili namin. At nang matapos na rin naming mabili yung iba pang gamit na gagamitin,pumunta na kami sa cashier para magbayad.
"Barya niyo po ma'am" nakangiting sabi nung cashier.
"Thank you"
May natira pa na 4,550 sa pera namin.Kaya naman pumunta kami sa pamilihan ng damit.
Simpleng shop lang ang punasukan namin, para mumurahin ang tinda.
Puro plain shirts lang ang binili ko at onting leggings at pantallon na din.Pero nung nadaanan namin sa may mga section ng mga bestida, panay ang hila ng kaapatid ko saakin na maningin daw kami ng babagay saakin.
"Eto ate oh! Ang ganda,siguradong bagay to sa'yo." parang sya pa ang excited na isukat sakin yung simpleng black dress na hawak nya.
"Tara na nga,hindi ko din lang magagamit yan.Sayang lang sa pera."
"Hindi ate.Si mama na rin naman ang nagsabing yung barya ibibili ng damit mo."
"Eh kung sa'yo nalang kaya iyan.Mas bagay mo pa ata eh."
"Marami na akong bestida doon ate. Yung sa'yo ang bilhin mo wag mo akong alalahanin."
Tinanggap ko nalang iyong bestida kasi kahit anong pilit ko naman dito sa kapatid ko,talo nanaman ako.
Nang isukat ko,akala ko hindi magkakasya kasi parang ang sikip tingnan, pero sakto lang pala sa akin.
Pagkalabas mo, halos manlaki ang mata nya nang makita ako. Grabe naman to.
"Wow..." sabi nya habang ako naman ay abala sa pagbababa ng laylayan ng bestida dahil hanggang taas ng tuhod iyon, hindi ako komportable.
"Magpalit na ako, pwede ba. Napaka-ikli naman nito Cess.Balak mo ba akong hubaran ha!?"
"Ate, ang ganda mo...Ang ganda ganda ganda mo."
"Ikaw ang overrated mo ha. Ang pangit nga oh,ang ikli,tapos ang sikip pa." reklamo ko.
" Ang ganda nga oh, kita yung shape mong mala coca-cola."
" Ayoko neto. Tara na, uwi na tayo."
Akmang magpapalit na ako nang biglang nagsalita ang kapatid ko
" Kukunin ko po yan, at eto, at eto, at eto po...at eto din po. Thank you." pagturo nya sa limang magaganda pero simpleng mga bestida. Dalawang white, isang brown at dalawang black,kasama na din yung suot ko.
"Huy, kukunin mo lahat yan?!"
"Oo, bakit naman hindi. Ano ka ba ate, if you're worried about the cash, don't worry, mumurahin naman mga tinda nila dito. Baka nga may barya pa yun eh." mabilis na sabi nya sabay tapik sa balikat ko.
At tama nga siya, may barya pa at sobra pa iyon na pamasahe namin pauwi.
"Oh diba. Sabi sa'yo eh. Minsan kasi ate, you need to trust the expert." mayabang na sabi nya habang itinataas-taas pa ang magkabilang kilay.
"Oo na po. Ikaw na po magaling" sabi ko habang natatawa.
"Ano ate, lezzgow na. Hapon na oh."
"Tara."
Nang makasakay kami sa tricycle, hindi ko alam pero halos lumabas na sa dibdib ko yung puso ko dahil sa kaba. Dahil siguro sa first time ko makasakay dito kasi nga wala akong maalalang experience ko na makasakay sa ganito, pero aparang hindi eh.
Sa tuwing pumitingin ako sa driver, may kung ano sa akin na gustong bumaba na sa sasakyang ito. Parang hindi kasi safe, ganoon.
Pinilit kong hindi nalang pansinin itong kung ano man itong nararamdaman ko ngayon. Lumingon ako dito sa katabi ko, tulog na, napagod siguro.
Ilang minuto na rin kaming nakasakay,at si Cess tulog pa din.
Saka ko unti-unting napansin na hindi ito ang daan na dinaanan namin kanina. Saang lugar to?
Saan kami dinadala ng mamang ito!!?!"
Agad kong niyugyog ang kapatid ko. Agad naman niyang iminulat ang mata dahil nagulat sa biglaang paggising ko sa kanya.
"Bakit ate? May problema ba?"
"Itong d-daan." uutal-utal na sabi ko .
"Anong problema sa da..." agad syang napatigil nang maintindihan ang ibig kong sabihin.
"A-asan tayo?..Ate asan tayo?!" nagpapanic na rin na sabi ni Cess.
Halos maiyak na ako nnang itigil nung driver yung tricycle niya.Pagkababa nya sa may motor, pumunta sya sa may entrance nung sidecar at saka kami sapilitang hinila, dahilan para mahulog lahat ng gamit sa shoulder bag ko.
" A-ano pong gagawin n-nyo!" nanginginig na sabi ko habang pinipilit kumawala sa pagkakahawak nya.
" Shh. Tumahimik nalang kayo. "
" TULONG!!"
" MAY TAO BA RIYAN! TULONG PO!! "
" Magaganda nga kayo, makikitid naman ang utak. Kita niyong walang tao oh. Kahit mailuwa nyo pa yang mga lalamunan ninyo kasisigaw, walang tutulong sa inyo."
Hindi pa masyadong matanda ang mama kaya malakas pa sya. Pero hindi naging madali para sa kanyang itali ang kapatid ko habang hawak nya ako. Kaya ang ginawa nya, sinuntok nya ang kapatid ko sa may bandang tiyan nya.
"PRINCESS!" lalo kong nilakasan ang paghila sa sarili. Ngumit bago pa man ako makawala, nakatanggap ako ng isang suntok doon din sa may tiyan ko, sobrang sakit non.
" Labag man sa kalooban kong saktan kayo, wala akong magagawa, maiingay kayo eh. Kung tumahimik nalang sana kayo, sarap lang sana ang mararamdaman niyo." sabi nya habang tumawa ng kaunti.
"N-nakakadiri ka!" kahit nahihirapang magsalita, sinigawan ko parin siya.
Nang naitali nya na ang kapatid ko, ako naman ay nasa sahig at sapo-sapo ang tiyan. Bigla siyang nagalakad palapit saakin. Sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit pa rin ng tiyan ko, kaya ang hinawa ko ay gumapang ako upang makalayo sa salbaheng mama na ito.
Pero agad parin nya akong naaubutan.
"At saan ka pupunta?" habang hinahaplos ang aking mukha gamit ang kanang palad, kaya iniiwas ko naman ang mukha ko.
"P-pakawalan mo na kami. Parang-awa mo na. "
Hindi siya sumagot, sa halip ay unilapit nya ang mukha nya sa leeg ko.
" Ang bango mo..."
"Ate!...Layuan mo ang ate ko! Hayop ka!"
"Lumayo ka sa akin!" pilit ko siyang inilalayo mula sa akin pero mas malakas talaga siya.
Sinimulan niya nang halikan ang leeg ko pero wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak at sumisigaw ng tulong kahit na alam akong walang makakarinig sa akin.
Para akong nabunutan ng malaking tinik nang may makitang isang lalaking papalapit. Naka-itim sya na shirt at naka shorts.Medyo madilim na kaya di ko mamulahan. Parang magkaedad lang sila nitong masamang driver.
Pero labis nalang ang pagkabigong naramdaman ko nang hawakan niya namana ng kapatid ko.
Kasama siya nitong driver.
"Tulong!...Lumayo ka!" pilit lumalaban ang kapatid ko pero parang wala lang iyon sa lalaki.
Pilit kong sinasampal ang mamang driver na humahalik sa akin at minsan natatamaan ko siya na lalo niya lang ikinagagalit.
Isang sampal ang ibinigay nya sa akin.Napaka-sakit non. Maliban sa malaki ang kamay niya, makapal malalakas pa iyon.
"Tama na, please." nanghihina nang sabi ko.
Pero laking gulat ko nang bigla nalang may sumuntok sa ulo nung mamang driver na dahilan ng pagkawala ng malay nya.
Nang tumayo yung isa pang driver para sugudin ito, madali lang niyang nasuntok ang mukha niya dahil sa mas mahaba ang mga kamay nung binata.
Nawalan rin ng malay yung kasamahan nung driver.
Lumapit sya sa akin at tinulungan makatayo. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo.
Pilit kong sinisilip ang mukha niya, pero nakatago iyon dahil may kahabaan ang buhok niya. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang matangos niyang ilong. Napakatangkad rin niya. Hanggang leeg niya lang ako.
Kahit hindi ko gaanong makita ang mukha niya, masasabi kong guwapo siya.
Agad ko siyang binitawan nang maalala ko ang kapatid ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya upang tinganan kung ayos lang ba siya.
"Ayos ka lang?"
"Ok na ako ate."
"Kaya mo bang maglakad?"
"Oo, kaya ko ata."
Ang problema namin ngayon ay kung paano kami makakauwi. Wala kaming masasakyan.
At saka ko lang rin na-realize na wala na yung tumulong sa amin.
" Nasan na yung lalaki, ate?" tanong nung kapatid ko.
" Hindi ko alam. Baka umalis na."
" Sayang naman, hindi man lang tayo nakapag-thank you."
Pinulot ko na lahat ng gamit na nahulog ko kanina.Nang sinimulan naming maglakada,natullala nalang ako nang may humaintong tricycle at bumaba mula.soon si paapa
Nang makauwi, panay ang tanong nila mama kung kamusta kami ng kapatid ko.Naka-ilang tanong na rin sya kung sinaktan ba kami, pero panay ang tanggi naming magkapatid.Ayaw kong lalo silang mag-alala.
Nang makahiga kaming dalawa ng kapatid ko, hindi ko maiwasang isipin...
Sino ang lalaking tumulong saamin?
Malalim na ang tulog ko hanggang sa managinip ako.
.
.
.
Mabilis nagdaan ang mga araw. Matagal tagal na rin mula nang mangyari ang insidente at ang wierd na panaginip na iyon.
"Ate..." napukaw ng kapatid ko ang aking atensiyon ng tinawag niya ako.
"Hmm?"
"Ayos na lahat ng gamit mo?"
"Oo, ayos ko na lahat. "
Bukas kasi, pasukan na namin. Hindi naman ako masyadong kinakabahan kasi kinabukasan mula ng gabing iyon, nag-advance reading na ako sa internet tungkol sa mga lessons namin.
Buti nalang meron si Princess na tumulong at magturo sa akin kung paano gamitin ng maayos ang internet. Mabilis lang naman akong natuto, at habang patagal nga nang patagal ang paggamit ko, ako na rin minsan ang nagtuturo sa sarili ko.
Hindi ko alam kung daapat ba akong ma-excite o kabahan. Madaming mangyayari simula bukas.
Maaga akong nagising. Nasanay na rin siguro akong ginigising ng kapatid ko ng maaga kaya madalas kusa nalang akong nagigising sa tamang oras. Minsan nga ako na ang gumigising sa babaeng to, kagaya nalang ngayon...
"Prinsesa, bangon riyan. May pasok tayo ngayon kung nakakalimutan mo."
Agad naman siyang bumangon. Sabay naming ginawa lahat ng mga rutina namin tuwing umaga. Maghilamos, magtoothbrush pari nga maligo sabay na din.
Habang pataga nang patagal lalo kaming nagiging close na dalawa. Nawawala na yung awkwardness minsan. Nalaman ko rin na pareho pala kaming takot sa palaka.
Pero sarap na sarap naman sa tuwing nakakahuli si papa ng ahas at aadobohin yun.
Nagiging parang magbest friends na nga kami eh.
"Good morning ma, pa." sabay namin bati.
"Good morning" nakangiti namang sabi ni mama, ganon din si papa.
Habang nasa hapag, panay ang bilin ni mama sa amin na lagi daw kaming mag-iingat, gagalingan daw dapat namin, magapakabait daw at iba pa.
"Opo ma. Hindi na po kami bata, alam na po namin yon.Diba ate?"
" Huh? Opo."
" May iniisip ka ba? Lumilipad nanaman isip ng panganay namin ah." sabi ni mama.
"Wala naman po. Hindi ko lang po talaga matanggal sa isip ko yung lalaking tumulaong sa amin ni prinsesa noon."
" Hay naku, ma. Ganyan talaga yang si ate. Konti na nga lang iisipin kong crush niya yung tumulong sa amin dahil sa kaiisip niya dun eh" agad nagsalubong yung kilay ko sa narinig.
"Anong crush sinasabi mo jan. Hindi noh. Hindi lnang kasi ako nakapag-thank you sa kanya sa pagtulong sa atin."
" Gusto lang daw mag-thank you. Nakita nga kita nung isang gabi, may drino-drawing ka, tapos kinabukasan tiningnan ko, mysterious guy pala.Crush mo noh,crush mo noh...Yiehh si ate dalaga na." pang-aasar niya sa akin. At hindi naman siya nabibigo.Sa tingin ko na nga talent niya na ang pang-aasar sa akin eh, ang galing sobra.
"Drawing? Patingingin nga ako." agad namang tumayo yung prinsesa at pumasok sa silid namin,pagbalik niya, may hawak na siyang bond paper.
Yung drawing ko!
" Eto oh, ma.Tingnan mo dali, dali, dali!!" excited na excited pang ipatingin kay mama.
Agad namang kinuha ni mama yung sketch at tinignang mabuti.
" Aba, ang guwapo nito ah. Kahit hindi masyado malinaw yung mukha, matangos ang ilong." komento ni mama sa drawing ko.
" Oh ate, nakuha mo na basbas ni mama hahaha" grabe.Tawang-tawa siya sa sinabi niya.
Sa wakas ay natapos na ang almusal na yun.Ako nasa-hot seat eh.Itong bunganga kasi nitong kapatid ko, walang preno.
Nang maiayos na namin lahat ng gamit namin, binigayna ni mama ang baon namin.
150.00
Si papa na ang magbabayad sa tricycle na sasakyan namin sa tuwing ihahatid niya kami sa may pilahan ng mga tricycle.
Nang makararing kami sa school. Panay ang tingin sa amin ng mga estudyante.Siguro dahil sa transfered students kami.
Ganoon nalang ang gulat ko nang may biglang naka-bunggo sa akin. More like, bumunggo sa akin.
Grabe, sa entrance palang ganito na, pano kaya kung sa classroom namin.
This is going to be a tough day.
Good luck self.