Pagpasok ko sa building, agad kong napansin na parang lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Hindi naman iyong tipong lantaran, pero may mga bulungan, mga ngiti, mga tingin na parang may bagong kapansin-pansin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Nakita kaya nila si Brixton? Binigyan ba nila ng kahulugan ang ginawa niyang pagdamay sa akin kanina? Hindi ba puwedeng friends lang kami? Napalunok ako, kasi tila ba mas kinukumbinsi ko pa ang sarili kong maniwala sa naiisip ko. But I just ignored them. Wala naman akong ginawang masama kaya wala akong dapat ikabahala. “Uy, Trish!” bati ni Dr. Faye habang naglalakad ako papasok ng nurse station. “Wow, blooming, ah. Sino’ng nagpapasaya sa iyo bigla? Mukhang okay ka na.” Napakunot noo ako, “Ha? Hindi ah. Pagod nga ako, oh.” “Pagod? Eh, ang ngiti

