Habang naghihintay kami ng order, napansin kong pinapanood lang ako ni Brixton. Hindi iyong bastos na titig, kundi iyong parang gusto lang niyang siguraduhing ayos ako. Bawat galaw ko, sinusundan niya ng tingin, at sa bawat pagtatagpo ng mga mata naming ay ako iyong unang umiwas. “Kalma lang, Trish. Kalma.” Saway at utos ko sa aking sarili. Pagbalik ng waiter ay dala na nito ang mga pagkain. At ang amoy pa lang ng grilled salmon ay nakakatakam at nakakakalam na ng sikmura. Itinulak ni Brixton ang plato palapit sa akin. “Eat first. No arguments,” sabi niya habang umiinom ng tubig. At habang kumakain ako, tahimik lang siya. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Paminsan-minsan lang siyang nagsasalita. “Mas okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Tumang

