Siniguro kong naka-lock ang banyo para hindi siya makapasok. Ngayon ko lang naramdaman na nanginginig ako. Tiningnan ko ang mga kamay ko at malakas ang panginginig ng mga iyon. Tumingin ako sa salamin. My face was sad and truly exhausted. Sumampa ako sa bathtub at naupo roon. Itinakip ko ang dalawang palad sa mukha at tuluyang nang umiyak. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang diring-diri ako sa nais gawin sa akin ni Randall? “Muntik na…” mahina kong usal habang unti-unti kong sinasapo ang noo ko. “Bakit parang… nandidiri ako sa gusto niyang mangyari?” For two years, ito iyong inasam ko. Na maramdaman ulit na babae ako sa paningin ng asawa ko. Na mahalin niya ako kahit sandali lang. Pero ngayon na siya na mismo ang lumapit… bakit parang gusto kong tumakbo palayo? Nasa malalim

