Pagbalik ni Randall sa kotse niya, pinunasan pa niya ang noo at ngumiti. “Sorry, that was one of the investors from Macau,” sabi niya, habang muli ay inaayos ang seatbelt niya. Tumango lang ako. “It’s fine.” “Where were we?” tanong niya, pilit binabalik iyong malambing na tono niya kanina. “You were saying something about the view earlier, right?” Ngumiti ako, pero hindi na ako nakasagot. Tumingin lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw, poste, puno at iba’t ibang gusaling nadadaanan namin. Lalo ko lang napatunayan na hindi na talaga magbabago si Randall. He will always lie to me about Lilian. Kaya naman palalayain ko na siya para hindi na siya mahirapan pa at patuloy na magsinungaling. He always loved that woman, then they must be really meant for each other. Sa panlabas, mu

