By the time na natanggal ko ang gloves ko for the last time today, para na akong hihimatayin sa sobrang pagod. I checked my phone. It’s already 8:57 PM. Shit! Dapat 6:00 PM pa ako off duty. Ibig sabihin kanina pa naghihintay si Brixton sa parking lot! “Oh, Lord!” mas binilisan ko ang kilos at halos takbuhin ko na palabas ng locker. Paglabas ko ng Residents’ Office, saglit akong sumandal sa pader para lang huminga. Pero bago pa ako makahinga nang maayos… “Trishna.” Napatingin ako agad. Nandoon na si Brixton, nakatayo sa hallway na parang hindi bagay sa fluorescent lights ng ospital. Nakasuot siya ng off white polo, nakatupi ang manggas pero mukha pa rin siyang hinugot mula sa magazine. Kahit yata bihisan ng pampulubi ang lalaking ito ay napakaguwapo pa rin. Bigla ko tuloy nakalimut

