Chapter 47 Thoughtful

2523 Words

Trishna’s POV Hindi ko alam kung paano ako naupo nang maayos sa harap ng mesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapayapa ang t***k ng puso ko. Ang bango pa ng buong kusina… humahalimuyak talaga iyong freshly brewed coffee, toasted bread, creamy scrambled eggs, garlic butter mushrooms, salmon strips, at fruit bowl. “Ang dami mo namang inihanda. Mauubos ba nating lahat ito?” nagtatakang tanong ko. Ngumiti lang siya. “You are so thin… kailangan mong kumain nang marami. I don’t like thin girls. Mas gusto ko iyong malaman,” makahulugang saad niya kaya tumaas ang kilay ko. “At pakialam ko naman kung ano ang gusto mong katawan ng babae, ano?” umingos ako. Naningkit naman ang mga mata niya na parang may kalokohang iniisip. “Masyado ka na yatang nagiging mataray, ngayon? You used to be sweet

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD