Chapter 39 Her Home

2244 Words

Inalalayan ako ni Brixton na makatayo nang maayos. Pero napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa mga hita ko. “Kailangan mo siyang idemanda, Trishna. This is also the fastest way to annul your marriage,” giit pa niya na ikinagulat ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang tumingin sa kaniya. “P-Paano mo nalaman ang tungkol diyan? I don’t remember telling you about the annulment?” nagtatakang tanong ko. Wala pang ibang nakaaalam nito maliban sa pamilya ni Randall at sa mga kaibigan ko. Kaya paano ito nalaman ni Brixton? Nasabi ko kaya noong nalasing ako? Pero hindi siya nakasagot agad at umiwas ng tingin. “Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Ang gusto ko lang ay mabigyan ng hustisya ang ginawa sa iyo ni Randall.” Dumilim na naman ang mukha niya. Pero umiling ako at huminga nang mal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD