Trishna’s POV “Randall, tama na, please…” buong lakas kong pagpupumiglas, habang pilit kong tinutulak iyong bigat ng katawan niya sa ibabaw ko. Bakas ang pinaghalong galit at pagnanasa sa bawat dampi ng mga labi niya sa balat ko. Para naman iyong lason na nagpapatindig ng mga balahibo ko sa pagkahindik. Maging ang mga kamay niya ay nanginginig pero mapangahas na pumipigil at humihimas sa iba’t ibang bahagi* ng katawan ko. “Hindi na kita palalayain, Trish,” mariin niyang sabi, saka bahagyang umangat ang katawan at marahas nang sinira ang pang-ibabang suot ko. Napasigaw ako at sinubukan siyang sipain. Pero hinawakan niya ang mga hita ko at sinuntok. “Ahh!” napasigaw ako sa sakit ng suntok na tumama sa hita ko. Pilit niyang ibinubuka iyon ngunit hindi ako pumayag. Kahit patayin pa niya

