CHAPTER 1 Conscience

2293 Words
Pagpasok ko ng gate ng mansion namin ni Randall, halos manghina lalo ang mga tuhod ko. Mabigat pa rin ang dibdib ko, parang pinupunit sa sobrang bigat ng usig ng konsensya at hiya. Pero pilit kong pinunasan ang mga mata ko, baka kasi makita ng mga kasambahay na umuwi akong magulo ang hitsura. Pagbukas ng pintuan, sasalubong sana ako kay Manang Heidie, ang pinakamatagal na kasambahay ng pamilya ni Randall maliban kay Lola. Napatigil siya, halatang nagulat. “Ma’am Trish…? Hinagod pa niya ako ng tingin kaya napalunok ako. Tumango ako at pilit inayos ang hitsura ko. “Ang Sir mo?” agad kong tanong. “Ho? Wala pa po, Ma’am. Akala po namin kasama niyo kagabi si Sir Randall.” Natigilan ako. “Ha?” mahina kong sagot, pilit na pinakakalma ang boses ko. “Anong… ibig mong sabihin?” Lumapit si Manang, hawak pa iyong basahan niya. “Eh, kasi po, hindi rin po umuwi si Sir Randall kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo since birthday party ng kaibigan niya ang dinaluhan niyo, ’di po ba?” Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam ko hanggang sa tainga. “A-ako lang… ako lang ang umuwi,” pilit kong sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Randall… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?” Umiling si Manang Heidie, kita ko iyong pag-aalala sa mukha niya. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pang tawag, wala ring message. Akala nga po talaga namin ay magkasama po kayo.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung hindi ko kasama si Randall kagabi… tapos hindi siya iyong nasa kama kanina paggising ko… ibig sabihin… Lalong nanginig ang mga kamay ko. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na hinuhugot ang hininga na parang ayaw lumabas. Diyos ko… ano bang nangyari kagabi? “Ma’am, gusto niyo po bang kumain muna? Mukhang pagod na pagod kayo.” Pagpapatuloy pa ni Manang, halatang nagtataka sa magulo kong hitsura. Hindi pa rin kasi sapat kahit nag-ayos ako nang kaunti kanina bago bumaba ng taxi. Umiling ako. “Hindi… hindi po muna. Gusto ko lang magpahinga.” Mabilis akong umakyat ng kuwarto namin ni Randall. Bawat hakbang ko, parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko. Ang dami kong tanong na lalo lang nadaragdagan, pero wala kahit isa ang may kasagutan. Pagkasara ko ng pintuan ng kuwarto, doon na ako napatakip sa bibig ko para pigilan ang paghikbi. Pero hindi ko na rin kinaya. Napaupo ako sa sahig, umiiyak nang tahimik, yakap ang sarili kong braso na parang gusto kong burahin lahat ng nangyari. Ngunit alam kong hindi puwede. Kung hindi ko kasama si Randall buong magdamag… at ang huling alaala ko ay ang party ng kaibigan niyang si Brixton Morris… Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sigaw ng pagkasuklam at hiya sa sarili. Ayaw kong paniwalaan. Ayaw kong tanggapin. Pero ang sakit ng katawan ko, ang mga labi kong namamaga, at ang imahe ng mukha ni Brixton na huli kong nakita bago ako tumakbo palabas ng kuwarto na iyon kanina… lahat iyon, hindi ko kayang burahin. At ngayon, mas lalo akong natakot. Dahil kung totoo nga… paano ko haharapin ang asawa ko? Nagtaksil ako sa kaniya at ipinagkaloob ang sarili ko sa ibang lalaki… at ang masakit pa ay sa sarili niyang kaibigan. Pumasok agad ako sa banyo, halos madapa pa ako sa pagmamadali. Pagtingin ko sa salamin, talagang napaurong ako. Hindi ko halos makilala ang sarili ko… magulo ang buhok, maputla ang mukha, at namumugto ang mga mata sa kakaiyak. At doon ko lang napansin ang mga mapupulang marka sa leeg ko… sa braso… hanggang sa dibdib. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang shower knob. Bumuhos ang malamig na tubig, pero pakiramdam ko hindi iyon sapat para linisin ang dumi na bumabalot sa balat ko. Dinampot ko ang sabon at body scrub saka sinimulang kuskusin ang bawat parte ng katawan ko, halos gasgasin na ang balat sa sobrang diin. “Please… go away… mawawala ka rin…” paulit-ulit kong bulong, pilit kong iniisip na baka kapag mas lalo kong kinuskos, mabubura rin ang lahat ng nangyari. Pero habang ginagawa ko iyon, mas lalo kong nakikita ang mga marka at pamumula sa balat ko. Mga ebidensya na hindi ko kayang itanggi – may iba talagang nakakuha ng puri ko. Pagdampi ng kamay ko sa dibdib ko, napaigtad ako sa kirot. Maging ang mga n*****s ko ay tila namamaga. Ang bigat ng pakiramdam, para bang may nakadagan pa rin doon. Ang mga labi ko, masakit pa rin tuwing nasasagi ng daliri. Hindi ko mapigilan ang malakas na paghikbi na kanina ko pa pinipigil. Brixton Morris. Ang pangalan niya ay umaalingawngaw sa utak ko, parang latigong humahampas sa kaluluwa ko. Hindi ko matanggap. Bakit siya? Paano nangyari? At higit sa lahat… bakit ako? Napaluhod ako sa malamig na sahig ng banyo, habang patuloy ang agos ng tubig mula sa shower. Doon ako tuluyang umiyak nang malakas, wala akong pakialam kung marinig man ng mga kasambahay. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Nakakadiri. Nandidiri ako sa sarili ko. Para akong binaboy, at ang mas masakit pa hindi ko alam kung paano ko haharapin ang asawa ko. O kung paano ipapaliwanag na wala akong matandaan man lang sa nangyari. Para akong isang maruming babae na nagbenta ng katawan, kahit alam kong wala akong ginusto sa nangyari kagabi. Pero paano ko ipapaliwanag? Paano kung isipin ni Randall na gusto ko iyon? Bandang hapon, narinig ko ang malakas na busina sa labas. Napabalikwas ako mula sa kama. Ramdam ko ang kaba, parang gusto kong sumuka. Dumating na siya. Dumating na yata si Randall. Hindi ko nga rin namalayang nakatulog na pala ako sa kaiiyak. Nag-unahan ang mga katulong sa pagbukas ng gate. Mula sa bintana, tanaw ko ang pamilyar na kotse. Bumaba si Randall, maayos ang suot, parang walang nangyari, parang normal lang ang lahat. Nakangiti pa siya nang magbaba ng sunglasses. “Nasaan si Trish?” agad niyang tanong kay Manang Fe, habang tinatanggal ang coat niya. “Sir, nandoon po sa taas, nagpapahinga. Kanina pa po siya dumating,” sagot ni Manang. Tumango si Randall, halatang pagod pero excited. “Good. I miss her. Tawagin mo siya, gusto ko siyang makita.” Doon na ako lalong napaiyak nang tahimik. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kuwarto namin, pinapakinggan siya habang nagsasalita sa baba. Paano ko siya haharapin? He missed me? Is he finally falling for me? Tapos ganito pa ang nangyari. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa guilt. Gusto kong bumaba, gusto kong yakapin siya, pero nanginginig ang mga tuhod ko. Natatakot akong makita niya ang mga pasa ko. Natatakot akong tumingin nang diretso sa mga mata niya at makita ang bagong sikreto na pilit kong itinatago. Sa dami ng iniisip ko, para akong nakulong sa sariling katawan. Gusto kong sumigaw, gusto kong magsabi ng totoo, pero mas nangingibabaw iyong takot… ang pangamba na baka mawalan ako ng asawa, takot na baka isipin niyang niloko ko siya. At sa sandaling narinig ko na umaakyat na siya sa hagdan, mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko, wala akong maitatago pa, at darating ang oras na kailangan kong pumili – magsabi ng totoo o itago ang lahat habang buhay. Narinig ko ang bawat yabag niya sa hagdan, mabigat, pamilyar, pero ngayon parang bawat tunog ay tinatamaan ang puso ko ng matalim na bato. Humigpit ang kapit ko sa kumot, halos mawalan ng kulay ang kamao ko sa higpit ng pagkakahawak dito. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kaya ko ito. Normal lang. Wala siyang dapat mahalata. Pagbukas ng pinto, bumungad ang mukha ni Randall. Maayos pa rin siya, mabango ang hitsura, walang bahid ng pagod na parang galing sa inuman o party kagabi. Ang ngiti niya ay pilit kong binasa… pero alam ko, hindi iyon para sa akin. “Trish,” mahina niyang tawag. “Nagising ka na pala. How are you?” Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang pamamaga ng mga labi ko. “Oo… kararating mo lang?” Tumango siya, tinanggal ang relo at inilapag iyon sa mesa. Para bang walang problema, parang wala man lang balak magpaliwanag kung bakit hindi kami magkasamang umuwi. Hindi ko na napigilan. Mabilis ko siyang tinanong, halos pabulong pero puno ng kaba. “Randall… nasaan ka ba kagabi? Bakit hindi ka umuwi? I mean, bakit hindi tayo sabay na umuwi?” Natigilan siya, tumingin saglit sa akin, tapos parang wala lang bago sumagot. “Si Lilian. May sakit siya kagabi. Tinawagan ako. Medyo boring na iyong party, so I just stayed with her. Magdamag.” Parang may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. Napasinghap ako pero agad kong tinakpan ng peke at mapait na ngiti ang reaksyon ko. Si Lilian. Palagi na lang si Lilian. Lagi itong handang puntahan at alagaan ni Randall. Pero sa akin, laging nawawala kapag kailangan ko siya. “Ni hindi mo man lang naisip na naiwan ako roon, Randall? Hindi mo man lang…” Gusto kong isigaw sa kaniya… Habang inaalagaan mo siya, alam mo ba kung anong nangyayari sa akin? Habang pinipili mo siya, bakit ako napunta sa kama ng kaibigan mo? Pero wala akong nasabi. Nilulon ko ang lahat ng pait at pilit na ikinubli ang sakit. Ito ay dahil alam ko na ang isasagot niya kung sakaling sumbatan ko siya. “Ah… ganun ba,” mahina kong sagot, may bikig ang lalamunan. “Mabuti naman at… napuntahan mo siya.” Ngumisi siya, pero malamig. “Of course. Alam mo namang hindi ko matitiis ang babaeng mahal ko, hindi ba?” Muli ay naramdaman ko na naman ang pagkadurog ng puso ko. Sinasadya niya talaga ito para ako na mismo ang makipaghiwalay sa kaniya. Matagal ko nang alam na hindi niya ako minahal. Hindi niya ako tinitingnan gaya ng pagtitig niya kay Lilian. Para sa kaniya, ako lang ang babaeng napilitan niyang pakasalan, isang obligasyon na iginawad ng pamilya niya sa kaniya. Tumalikod siya sandali para magpalit ng damit, at doon ko tinakpan ang bibig ko ng kamay ko, pinigilang marinig niya ang mga hikbi ko. Kasalanan ko ito dahil pinilit ko siyang pakasalan ako, kahit hindi naman talaga ako ang gusto niya. Hindi ko puwedeng ipagtapat ang nangyari kagabi… kung paanong gumuho ang lahat sa pagkawala ng dignidad ko sa tabi ng kaibigan at business partner niya. Lalo lang siyang magkakaroon ng dahilan para hiwalayan ako. Kaya pinili ko na lang ang manahimik. Dala ko ang bigat, ang sakit, at ang sikreto. Sa loob-loob ko, sinisisi ko siya. Kung minahal niya lang ako kahit kaunti, kung pinili niya lang ako kahit isang beses… hindi sana ako napunta sa sitwasyong iyon. Pero tumahimik ako. Lagi namang gano’n. At sa katahimikan ko, doon nagsimula ang bangungot na hindi ko alam kung paano ko matatakasan. Kinabukasan, maaga pa lang, narinig ko na ang ingay sa sala. Mabigat pa rin ang katawan ko, pero bumangon ako dahil parang may kakaibang kaba na dumapo sa dibdib ko. Pagbaba ko ng hagdan, muntik na akong mapamura sa nakita ko. Si Lilian. Nakaupo siya sa sofa na para bang siya ang may-ari ng bahay. Halos nakabilad na ang katawan, naka-nightgown pa, may kasamang maliit na overnight bag. Mukhang bagong gising pero may effort pa ring mag-ayos kasi naka-lip balm, konting blush on, at siyempre iyong tingin na puno ng kumpiyansa. “Good morning, Trish,” sarkastikong bati niya, halatang nananadya. “Pasensya na, ha, but I’ll be staying here for a while. Hindi ko na kayang mag-isa sa condo ko, lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko.” Nanlaki ang mga mata ko, at bago ko pa napigilan, lumabas na ang matagal ko nang itinatagong galit sa babaeng ito. “Lilian, ang kapal din talaga ng mukha mo, ano? Dito pa talaga sa bahay namin? Sa harap ko pa?” Ngumisi siya, parang alam niyang matatalo ako kahit ako pa ang legal na asawa. “Randall loves me, Trish. Alam mo naman iyan. Kaya wag ka na ring magpanggap na masakit ito para sa iyo. Ikaw ang intruder dito, hindi ako. You forced my boyfriend to marry him! Ginamit mo ang paawa effect mo sa mga lolo at lola niya!” Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Ako ang asawa, pero ako ang tinawag niyang intruder. Nakakabaliw. Sobrang nakakabaliw. Pero hindi ako magpapatalo. “At the end of the day, hindi ikaw ang asawa. Hindi ikaw ang pinakasalan,” mariin kong sagot, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko. “Ako. Ako ang may karapatan dito, Lilian. Kung may dapat lumayo, ikaw iyon.” Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto. dumating si Randall. Pawisan pa at halatang galing sa pagja-jogging. At sa isang iglap, nawala ang kaunting lakas ng loob ko… pero hindi rin ako umatras. “Randall,” lumapit agad si Lilian sa kaniya, parang siya ang asawa rito at hindi ako. “I told Trishna na dito na muna ako. I hope it’s okay.” Hindi ko na napigilan ang sumigaw. “Okay? Ano ba, Randall? Naririnig mo ba ang kahibangan ng babaeng ‘yan? Papayagan mong dito tumira ang …” Naputol ang boses ko sa sobrang galit at sakit. “Ang babae mo? Sa mismong bahay natin?” Tumitig siya sa akin, malamig ang mga mata. Walang ni katiting na usig ng konsensya. “Trish, if you can’t handle this situation anymore, then maybe you should talk to my grandparents and request for annulment.” Natulos ako sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko na lalong nagpahapdi roon. Ang dali lang para sa kaniya ang sabihin iyon. Para bang hinihintay lang niya talaga ang pagkakataon na sabihin ito sa harap ko mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD