Chapter 4 The Visitor

2597 Words
Trishna’s POV Nagsimula na ang almusal, medyo tinanghali na kasi naparami ang inihanda namin para lang ma-justify na espesyal nga ang kainang ito. Natatamaan pa ng pahapyaw na sinag ng araw ang mga pinggan na puno ng masasarap na pagkain… omelette, tapa, garlic rice, croissants, at mga sariwang prutas. Tahimik akong nagsalin ng kape para kay Lola Carmela, pilit inaalo ang sarili matapos ang mabigat na pag-uusap namin ni Randall kanina. Wala siyang pakialam kahit masaktan ako, basta ang mahalaga sa kaniya ay ang maipagtanggol ang babaeng iyon. “Ang ganda ng umagang ito, hindi ba, hija?” bungad ni Lola Carmela habang inaabot ang tasa ng kape mula sa akin. “Mas masarap lalo ang almusal kapag kumpleto ang pamilya.” “We should have invited Rezty and Leticia,” sang-ayon naman ni Lolo Ernesto. Sina Daddy Rezty and Mommy Leticia ay ang mga magulang ni Randall. Ang dalawang nakatatandang kapatid na babae naman niya ay sina Ate Soledad at Ate Rosario. Napangiti ako, kahit sa loob-loob ko ay parang may tinik na nakabaon sa dibdib. Kumpleto raw. Pero paano magiging buo kung ako mismo, pinaparamdam sa akin ni Randall na hindi Talaga ako kabilang dito? “Opo, Lola,” sagot ko na lang, pinipilit gawing magaan ang tono ng boses ko. “Nakagagaan po ng pakiramdam kapag magkakasama po tayo pati sina Mommy at Daddy, gano’n din po si Lola Rose.” “Good girl,” sambit ni Lolo Ernesto na abala sa paglalagay ng ulam sa plato ko. “Kumain ka nang marami, Trishna. Hindi ka pwedeng laging stress sa trabaho, pag-aaral at sa pag-aasikaso sa bahay. Bata ka pa, dapat inaalagaan mo rin ang sarili mo. Aba, naghihintay na ako ng apo sa tuhod.” Napakagat ako sa labi. Kung alam lang nila kung gaano kabigat ang pasan ko. Kung alam lang nila na bawat araw, sinusubukan kong unawain si Randall kahit paulit-ulit niya akong itinutulak palayo. Pero ngumiti lang ako at marahang tumango. “Opo, Lolo. Salamat po.” Sa gilid ng mata ko, nahuli ko si Randall na walang imik, nakayuko habang sinusundot ng tinidor ang bacon sa plato niya. Wala man siyang sinasabi, ramdam ko ang init ng galit niya mula pa kanina. Ang sakit pa ring naririnig sa tainga ko ang boses niyang galit na galit, inaakusahan akong sinadya kong tawagin ang grandparents niya para ipahiya siya at ang kerida niya. Hindi ko alam kung paano ko naitago nang maayos ang sugat na iyon sa loob. Kaya ngayon, pinili ko na lang ang magpanggap na masaya. “Randall, hijo, bakit hindi mo inalalayan si Trishna kanina?” tanong ni Lola Carmela, bahagyang nakakunot ang noo. “You should learn to take care of your wife, lalo na sa harap ng ibang tao.” Nag-angat siya ng tingin, at saglit nagtagpo ang aming mga mata. Mabilis akong umiwas. Siya naman, isang tipid na ngiti lang ang tugon, halatang napipilitan lang. “Yes, Lola.” Yes, Lola. Ganoon na lang. Walang sincerity, walang tunay na malasakit. Pinilit kong ngumiti, sinubukang gawing normal ang lahat. “Okay lang po ako, Lola Carmela. Hindi ko po talaga in-expect na bibisita kayo ngayon, kaya medyo natagalan din akong makapaghanda nang maayos.” “Hindi naman kailangan ng engrandeng pagkain, hija,” sagot ni Don Ernesto, sabay tawa. “Ang importante, masaya tayo habang kumakain.” Tumango ako, at sinubukan kong ituon ang atensyon sa pagkain sa harap ko. Bawat subo, pilit kong nilulunok ang pait na nararamdaman. Sa labas, mukha akong masaya, attentive, grateful na asawa sa harap nila. Pero sa loob-loob ko, wasak at sugatan ako. Bakit ba ang hirap mahalin ni Randall? Bakit kahit ibigay ko ang lahat, wala pa ring halaga sa kaniya? Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti muli, nakikipag-usap kay Lola Carmela tungkol sa mga plano ko sa career, habang si Randall ay nanatiling tahimik lang. Muling bumalik sa gunita ko ang masayang araw na sinorpresa nila ako. Pagkatapos ng graduation rites, bitbit ko pa rin iyong medal ko at parang hindi pa rin ako makapaniwala. Magna c*m Laude. Ako, apo ng isang maid, apo ng isang matandang nagbabanat ng buto para may pampaaral sa akin… nakatayo sa entablado, tinanggap ang medalya ko at pumalakpak. Sa isip ko, sapat na iyon. Napasaya ko ang lola ko… ang natitirang pamilyang mayroon ako. Pagdating ko sa bahay ng mga Cartier, nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at may mga lobo, banderitas, at maaliwalas na tugtog ang bumungad. “Sorprise!” sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa loob. Natigilan ako, hawak-hawak ang medal ko. Doon ko nakita sina Don Ernesto at Doña Carmela, nakangiti habang nakatayo sa gitna, halatang proud na proud sa akin na para bang apo nila ako. Nandoon din ang parents ni Randall, sina Senyor Rezty at Senyora Leticia, na parehong nakangiti nang maluwang, sabay palakpak. Maging si Randall ay masaya ang mga ngiti habang nakatitig sa akin. At siyempre, si Lola Rosemarie, nangingilid ang mga luha habang hawak ang panyo niya. “Lola…” bulong ko habang papalapit ako, at bago pa ako makapagsalita, mahigpit niya akong niyakap. “Apo,” umiiyak siya habang nanginginig ang boses, “napakabait mong bata. Kung nasaan man ang mama at papa mo ngayon, tiyak na tuwang-tuwa sila sa iyo dahil sa narating mo. Sobrang proud ako sa iyo, Trishna.” Ramdam ko ang init ng yakap niya, at sa sobrang bugso ng emosyon, napaiyak na rin ako. Lumapit si Doña Carmela, Maganda ang ayos ng buhok at may suot na pearl necklace na kumikislap kapag natatamaan ng ilaw. “Trishna, hija, this is your moment. We are so proud of you. You worked so hard, and now… you shine.” Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti, iyong ngiti na parang tunay akong parte ng pamilya. “Salamat po, Doña Carmela,” mahina kong sagot, nanginginig pa rin ang boses. “Hindi na ‘Doña,’ hija,” singit ni Don Ernesto, malakas at buo ang tono. “From now on, we are your family. Ang lola mo, ay pamilya na rin namin. Tandaan mo iyan. This is just the beginning of a brighter future for you.” “Tama, hija… from now on, you call us Lolo and Lola,” madamdaming sang-ayon ni Doña Carmela. Umalingawngaw ang palakpakan at may mga kaibigan pang dumating, pero ang pinaka tumatak sa akin ay ang mga mata ng mga tao sa paligid ko… lahat puno ng tuwa at pagmamalaki. Napatingin ako kay Randall. Nakatayo siya sa likod, nakahalukipkip, at nakangiti pa rin. Hindi siya nagsalita, pero nakita ko sa mga mata niya iyong proud look na hindi ko malilimutan. At para sa akin, sapat na iyon para lalo pang tumibay iyong nararamdaman ko para sa kaniya. Maya-maya ay dumating na rin ang mga best friends at classmates ko mula noong high school. Magkakaiba man ang kinuha naming kurso, hindi nabuwag ang friendship namin. “Hello to our girl na sobrang sipag mag-aral!” bati ni Kim sa akin. “Yeah! Imagine after having a certificate in cosmetology while studying medicine? Grabe ang braincells mo, besh, hindi ko kinakaya…” napapailing na sabi ni Aubree habang yumayakap sa akin. “We’re here, too!” bulalas naman ng bagong dating na sina Lyssa at Jane. Parehong CPA ang tinapos na kurso ng mga ito at balak maging abogado. Habang lumalalim ang gabi ay tuloy ang pagkain namin ng masasarap na pagkain, may mga speeches at tawanan, at bawat sandali ay ramdam ko iyong saya ng tagumpay ko. Lalo akong ginaganahan mag-aral at soon, magiging si Dra. Trishna Decennia ako. isang successful na dermatologist. Sa tabi ko, tahimik na muling nagsalita si Lola Rosemarie, nakangiti habang pinupunasan ang luha. “Apo, ito na ang bunga ng lahat ng paghihirap mo. Masaya ako kasi hindi ka bumitaw sa pangarap mo.” Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. “La, hindi ako bibitiw. Lalo na ngayon, mas mahirap na laban ang kailangan kong ipagpatuloy.” At sa loob-loob ko, may isa pang rason kung bakit hindi ako bibitaw… si Randall Cartier. Kailangan kong maging successful para maging karapat-dapat din ako sa kaniya. Pagkatapos ng masaganang hapunan at tawanan, unti-unting nag-relax ang lahat. Ang mga bisita ay nagsimula nang magkuwentuhan sa maliliit na grupo; sina Don Ernesto at Doña Carmela nasa veranda, enjoying wine habang nakikipag-usap sa ilang business friends. Si Lola naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasambahay na proud na proud talaga. Ako, tahimik lang, nakaupo sa isang sulok ng garden, hawak-hawak ang medal ko. Hindi ko mapigilang isipin… paano ba ako nakarating dito? Parang kahapon lang, naglilinis kami ni Lola sa mansyon, at ngayon may sariling celebration ako sa mismong bahay ng mga Cartier. Napapangiti pa ako dahil naririnig ko ang maingay na tawanan ng mga kaibigan ko. mukhang nalasing na naman ang mga iyon. “Congratulations, Trishna.” Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Paglingon ko ay si Randall pala… nakasuot pa rin ng puting polo pero nakabukas ang unang dalawang butones, hawak ang baso ng juice. Medyo nagulo ang buhok niya, parang bagong ligo o baka dahil sa laro kanina. “Salamat,” mahina kong sagot. Hindi ko alam kung saan ako titingin kaya bumaba ako ng tingin sa medalya ko. Umupo siya sa tabi ko, medyo malapit, kaya ramdam ko ang biglang pagwawala ng puso ko. “You really did well, Trish. Magna c*m Laude? That’s not a joke. Alam mo, hindi lahat nagkakaroon ng ganiyang achievement.” Ngumiti ako ng tipid. “Kung hindi dahil sa tulong at suporta ng lolo at lola ninyo, pati nina Sir Rezty at Ma’am Leticia… at kay Lola Rosemarie, siguro hindi ko ito makakamit.” “Hindi,” iling niya, medyo malalim ang tono pero may halong lambing. “It’s all you. Ikaw ang nagsikap. Sila, they just gave you the tools. Pero kung hindi mo trinabaho, wala ring mangyayari. Don’t forget to give yourself credit.” Napangiti ako, para akong maiiyak. Hindi kasi ako sanay na may nagsasabi ng ganoon sa akin… na kaya ko, na may halaga ako sa sarili kong pagsusumikap. Tapos sa kaniya pa nanggaling. “Salamat, Randall,” bulong ko, at hindi ko namalayang medyo namumula na pala ang mga pisngi ko. Tumingin siya saglit sa akin, tapos ngumiti… iyong genuine na ngiti na hindi ko madalas makita sa kaniya kasi madalas seryoso siya. “You know, Trish, you’re going to be someone big one day. I can see it. And when that happens, I’ll be proud to say, I know her.” Parang biglang huminto ang oras. Hindi iyon sweet talk, hindi iyon confession, pero ramdam ko ang bigat ng sincerity sa boses niya. Sa puso ko, parang may nagbukas na pintuan para sa damdaming pinipigilan kong umalpas. Bago pa ako makasagot, tumayo na siya at bahagyang tinapik ang balikat ko. “Enjoy the night, you deserve it.” Tapos naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay. Nanatili akong nakaupo, hawak-hawak pa rin ang medalya, pero iba na ang t***k ng puso ko. Iyong simpleng atensyon at respeto na binigay niya sa akin… iyon ang nagpatibay ng damdamin ko. Hindi siya perfect, at hindi rin siya laging present sa buhay ko, pero sa mga maliliit na pagkakataon na ganito… siya iyong dahilan kung bakit naniniwala akong worth it siyang mahalin. At doon, sa mismong gabing iyon, mas lalo akong nangarap. Humiling na sana balang araw, hindi lang medalya ang maipagmamalaki ko… kundi pati puso niya. Back to present time…. Pagkatapos ng almusal, nagpresinta si Randall na siya na ang maghahatid kina Lolo Ernesto at Lola Carmela pabalik sa kanilang bahay. I almost insisted na ako na lang ang sasama, pero mabilis siyang tumanggi. “Stay home, Trishna. Magpahinga ka,” malamig niyang sabi bago niya isinara ang pinto ng kotse at inutusan ang driver na paandarin iyon. At naiwan akong mag-isa sa malaki at tahimik na mansion. Tahimik na nakaupo ako sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Tinitigan ko ang halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak na paulit-ulit bumabalik sa mga sinabi ni Randall kanina. Ang bigat pa rin ng dibdib ko, pero pinipilit kong huminga nang maayos. Hanggang sa may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas ng gate. Sa una ay inisip kong baka si Randall, baka mabilis lang niyang naihatid ang mga lolo’t lola niya. Pero nang bumukas ang malaking gate at makita kong isang itim na sportscar ang pumasok, halos mahulog ang tasa sa kamay ko. hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumigil ang kotse sa mismong harap ng mansion, at bumukas ang pinto. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad at may dominanteng awra ng isang lalaki. Si Brixton Morris. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan ko, at ang puso ko? Para itong gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa pinaghalong emosyon na hindi ko na kayang pangalanan. Basta ang alam ko, hindi ako makahinga. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa main door. Nakasuot siya ng black polo shirt na nakatupi ang manggas, dark jeans, mamahaling relo… he looked devastatingly intimidating. Para akong nanonood ng Hollywood film kung saan naglalakad ang isang mafia boss o presidente ng isang korporasyon. His presence was overpowering, the kind that swallowed the air in the room kahit nasa labas pa lang siya. Naglakad siya papasok, bawat hakbang ay ramdam ko sa dibdib ko. Napalunok ako, pilit pinipigilan ang pagnginig ng mga kamay ko. Pinapasok na siya ng katulong bago pa ako makahuma sa pagdating niya. “Where is Randall?” narinig kong tanong niya. “Umalis po, Sir… inihatid nag mga lolo at lola niya,” magalang na sagot ni Gigi. Nakahinga ako nang maluwag dahil siguradong aalis na ito dahil wala naman dito si Randall. Pero nagkamali ako. “It’s alright. Call the Lady of the house. I need to talk to her…” utos nito sa katulong. Simple lang ang pagkakasabi niya pero halatang napapasunod agad ang kausap. “Sige po, Sir. Maupo po muna kayo,” alok ni Gigi at iniwan na ito. Lalong umalagwa ang labog ng dibdib ko at gusto ko na lang mawalan ng malay sa tindi ng nerbiyos. “Ma’am, nandito po ang kaibigan ni Sir, hinahanap po kayo,” pagbibigay-alam ni Gigi sa akin. Gusto ko nang maiyak sa takot pero nagawa ko pa ring magmukhang kalmado sa harap niya. “O-Okay… pakidala na sa kusina itong kape. Malamig na, kaya hindi ko na mauubos. Please prepare a snack for the visitor,” utos ko. Napapikit din ako kasi hindi ko na dapat sinabi iyon. Ang goal ko dapat ay mapaalis agad ang lalaking iyon. “Good morning,” he greeted casually when he saw me. Pero hindi nakaligtas sa akin na may kakaibang bigat sa tono ng boses niya. His graying blue eyes landed on me… intense, unblinking. Para bang nahuhubaran na ako sa tingin pa lang niya. Napaatras ako nang kaunti, halos hindi lumabas ang boses ko. “B-Brixton… what are you doing here?” Ngumiti siya, ngunit hindi iyon nakakapagpakalma sa nagwawala kong puso. Mas lalo pa nga akong kinabahan. “I came to see you.” Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Sa dami ng tanong na nag-uunahan sa utak ko… Bakit siya nandito? Alam ba niya? May alam ba siya sa nangyari kagabi? Pero wala akong masabi. Nanatili lang akong nakatayo, ramdam ang pawis na bumabasa sa mga palad ko kahit malamig ang hangin sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD