Chapter 5 Threatened

1302 Words
Naramdaman ko ang mga kasambahay na nagmamasid mula sa malayo, nagtataka kung sino ang bisita. Sina Manang Fe at Gigi lang ang nakakakilala kay Brixton. Pinilit kong magsalita, kahit nanginginig ang boses ko. “You… you can’t just come here. This is Randall’s house.” Tumigil siya sa harap ko, sapat lang ang layo para maramdaman ko ang init ng presensya niya. “I know.” Bahagya siyang yumuko, ang mga mata niya ay matamang nakatitig nang diretso sa akin. “Pero hindi siya ang pakay ko. Ikaw, Trishna.” At doon, halos tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. “Ano’ng sinabi mo… ako?” mahina kong tanong, halos hindi lumalabas ang boses ko. Pakiramdam ko, ilang sandali pa at bibigay na talaga ang sistema ko. Ngumisi si Brixton, hindi iyong tipong nakakaaliw, kundi nakakatindig-balahibo. “Huwag kang magpanggap na parang hindi mo alam kung bakit ako naririto, Trishna. You think you can just slip away like that? Walk out of my house as if nothing happened?” Nanlamig ang mga kamay ko at napalunok. Agad akong napaatras, sapo ang dibdib ko na parang sinusubukang pigilan ang mabilis na pintig ng puso ko. “Please… stop. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo. Wala akong alam–” “Really?” tumaas ang mga kilay niya sabay lapit sa akin, halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko, at para akong ipinako sa kinatatayuan ko. “Kasi kung gusto mo, pwede kong sabihin lahat kay Randall. Lahat ng nangyari kagabi.” Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Napakapit ako sa gilid ng mesa para hindi tuluyang manghina ang mga tuhod ko. “No… please, huwag mo… huwag mong gagawin ‘yan.” “Bakit?” Umangat ang isang kilay niya saka nakakalokong tumingin sa akin. “Bakit ayaw mong malaman niya? Asawa mo naman siya, hindi ba? Dapat wala kang itinatago sa kaniya.” “Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko alam ang nangyari! Ni hindi ko alam kung paano ako napunta sa kuwartong iyon!” nagtatagis ang mga ngiping asik ko sa kaniya. Sinikap kong gawing mahina ang boses ko para siya lang ang makarinig ng sinasabi ko. “Ow? What an excuse,” bahagya siyang tumayo nang diretso pero hindi nag-aalis ng tingin sa akin. “You were the one who entered my room and started seducing me!” Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling. “That’s not true! I’m not a w***e!” Hindi ko na napigilan pa ang pangingilid ng mga luha ko. Tila lumambot ng bahagya ang mukha niya nang makita ang pagluha ko. “I did not say you are a whore.” “Umalis ka na! Kalimutan mo na ang nangyari at–” “Kalimutan?” pagak siyang tumawa kaya napasinghap ako. “Mahirap kalimutan ang isang bagay na gaya no’n. I was even surprised that you’re still a virgin after two years of being married… why?” Nagbaba ako ng tingin. Paano ko ba sasagutin iyon? Paano ko ba sasabihin na ni minsan, hindi tumabi sa akin si Randall sa pagtulog. Na kahit nasa iisang kuwarto kami, lumilipat siya sa ibang silid kapag tulog na ang mga katulong. O kaya naman, madalas siyang wala sa bahay at nagdadahilan ng mga business trip o late night meetings, dinner conference, or whatsoever. But I can’t tell him that… walang puwedeng makaalam ng tunay na estado namin ni Randall. Hindi ko kailangang magmukhang kawawa sa harap ng ibang tao. “Bakit hindi ka makasagot? Cannot find any excuse to explain your–” “Wala kang pakialam sa buhay ko!” putol ko sa kaniya… “Parang awa mo na. M-Maawa ka naman. Huwag… huwag mong sirain ang buhay ko. Please.” Tahimik siyang tumingin sa akin nang ilang segundo. Ang titig niyang iyon ay parang matalim na kutsilyo na tumatagos sa kaluluwa ko. At nang magsalita siya, halos gumuho ang mundo ko. “May isang kondisyon,” aniya, mababa ang boses pero puno ng pang-aakit at pananakot. “Kung gusto mong manahimik ako, you’ll do what I want.” Parang may humigpit sa sikmura ko, kasabay ng halos pamamanhid ng katawan ko. “A-ano? Ano bang gusto mo sa akin?” Ngumisi siya nang nangingislap ang kakaibang kaaliwan sa mga mata, walang bahid ng hiya o pagdadalawang-isip. He leaned closer, and I could feel the intensity in that stare. “What I want…” saglit siyang tumigil, saka bumaba ang boses na halos anas na lang. “Is you, Trishna.” Para akong nawalan ng hangin sa baga. Nanginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa takot, galit, o sa isang damdaming hindi ko matukoy. Ang utak ko ay sumisigaw ng ‘hindi puwede, imposible’, pero ang katawan ko ay tila nagyelo sa puwesto ko. “Hindi mo ako puwedeng paglaruan ng ganito,” pilit kong sagot, kahit nanginginig ang boses ko. “Mali ito, Brixton. Walang kang karapatan–” “Walang karapatan?” tumawa siya, malamig at mapanganib. “Ako ang may hawak ng sikreto mo, sweetheart. At kung ayaw mong masira ka sa harap ng asawa mong walang kuwenta…” Yumuko siya, halos madikit ang labi niya sa tainga ko. “Then you’ll be mine. Whether you like it or not.” Ramdam ko ang pag-ikot ng tiyan ko, para bang lubhang nanikip ang dibdib ko. Ngunit higit pa sa galit, mas matindi ang takot… takot na baka nga gawin niya kung ano ang banta niya. At sa unang pagkakataon, kahit gaano ko gustong tumakbo, hindi ako makagalaw. “Brixton, please… huwag ganito. Huwag mo naman akong ipitin nang ganito. Hindi ko kayang pagtaksilan ang asawa ko. Mahal ko siya…” lumuluhang pakiusap ko. Hindi ko alam kung bakit lalong tumalim ang mga mata niya sa huling sinabi ko pero lalong naging malamig ang awra niya. “Oh, but you already did… you gave yourself to me, and you can never undo that.” Nakipagtagisan siya ng titig sa akin, habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Humalukipkip siya bago muling nagsalita. “Randall will be in Macau for the whole week for the planning of our newest project. I will have my driver pick you up by then,” seryoso at pinal na saad niya. “Brix–” “It’s your choice, Trishna. Do as I say, or Randall and his family will know everything about us! You decide. Bye!” Malakas ko siyang naitulak nang bigla niya akong nakawan ng halik sa mga labi. Napatingin ako sa paligid kasi baka may nakakita ng ginawa niya. “You cannot do that! May CCTV ang buong bahay namin!” asik ko sa kaniya. Pero ngumisi lang siya at pinadaan pa ang dila sa mga labi niya. “Don’t worry, sweetheart, I can handle that… for now, I will have to go. Kasi kung hindi pa ako aalis, baka hindi na ako makapagpigil pa.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi sa mapang-akit na paraan saka ako hinagod ng tingin. Hindi ako puwedeng magkamali, matinding pagnanasa ang nakikita ko sa mga mata niya. Kaya naman llao akong nanlamig. Parang babaliktad ang sikmura ko. Kumindat pa siya bago tuluyang tumalikod at parang haring naglakad palabas ng mansyon. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay doon lang bumigay ang mga tuhod ko. Pasalampak akong bumagsak sa sahig. My whole body is trembling, and my heart is thumping really hard, making it almost impossible for me to breathe normally. I cried… I really do not know what to do at this moment. Nahahati ako sa dalawa. Pero siguradong mas pipiliin kong itago ang nakakahiyang sikretong ito. Hindi ko puwedeng sirain ang pangalan ko sa harap ng asawa ko at ng pamilya niyang buong-buo ang pagtitiwala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD