University of Santo Tomas, Main Building Grounds
Ang araw ng pagtatapos ko noon sa kursong medisina. Ang unang hakbang para sa pangarap kong maging isang dermatologist.
Maalinsangan ang hangin ng hapong iyon noon, pero wala akong pakialam. Nakatayo ako sa gitna ng mga kapwa ko mag-aaral na nakasuot ng puting toga, habang ang malalaking kampana ng UST Main Building ay unti-unting tumutunog sa background.
Sa likod ng lahat ng hirap, puyat, at pagod –heto na, sa wakas, matutupad ko rin ang pangarap kong maging dermatologist in the future.
“Ladies and gentlemen, please welcome, Magna c*m Laude, Ms. Trishna Garcia Decennia!”
Ang sigawan ng mga kaklase ko ay umalingawngaw sa buong open grounds. Hindi ko alam kung saan ako titingin… sa entablado, sa langit, o sa mga matang halos maluha sa audience section.
Nandoon si Lola Rosemarie, umiiyak habang hawak ang panyo. Nandoon din sina Don Ernesto at Doña Carmela Cartier, parehong nakangiti nang buong pagmamalaki, at sa tabi nila, sina Rezty at Leticia, ang mga magulang ni Randall, na palakpak nang palakpak.
Pero higit sa lahat, nandoon si Randall, nakasuot ng simpleng white polo at dark slacks, may dalang boquet ng puting rosas at baby’s breath.
At nang magtagpo ang mga mata namin, parang saglit na tumigil ang oras. Kumabog ang puso ko lalo na nang makita ang proud na ngiti sa mukha niya. Ganito rin ang ngiti niya noong makuha ko ang cosmetology certificate ko.
Umakyat ako sa entablado, tinanggap ang medal, at nang iabot sa akin ng dean ang certificate, parang ang lahat ng sakit at hirap ng nakalipas na mga taon ay biglang napawi.
Pagbaba ko, tinawag ako ng emcee, “Ms. Decennia, batch Magna c*m Laude will now give her inspiring words of wisdom! Let’s give her a resounding applause, please!”
Kinakabahan man ay kumpiyansa akong tumayo. Umakyat akong muli sa stage bitbit ang script na isang luinggo kong isinulat bago lubusang nabuo.
Kinuha ko ang mic, nanginginig pa ang kamay ko, pero pilit kong pinakalma ang boses ko.
“Good afternoon po sa lahat,” panimula ko, sabay ngiti. “Originally, I want my speech to be delivered in English. Pero alam ko po na, mas maiintindihan ng lola ko, kung ita-Tagalog ko na lang po. Please bear with me,” panimula ko.
Dahil doon ay isang masigabong palakpakan ang tinamo ko. Tumango-tango ang karamihan at maging ang mga magulang na naroroon ay masayang-masaya rin.
“Kung tutuusin, hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Pero siguro, gusto ko lang magpasalamat. Hindi lang dahil sa diploma o sa medalya na ito, kundi dahil sa mga taong tumulong sa akin para makarating ako rito.”
Tumigil ako sandali, hinanap sa crowd ang mukha ni Lola. “Una, sa aking Lola Rosemarie, na kahit matanda na, hindi ako pinabayaan. Salamat po, La, sa pagbangon ng maaga para ipagluto ako, sa mga sermon mo tuwing gabi, at sa mga panalangin mo sa tuwing may exam ako. Ito po ay para sa inyo.”
Nakita kong humikbi si Lola, sabay punas ng luha gamit ang panyo. Kaya maging ako ay agad na naging emosyonal. Ngunit nagpatuloy ako.
“Pangalawa,” tumingin ako sa direksyon ng Cartier family, “sa pamilya Cartier – kina Don Ernesto at Doña Carmela, kina Sir Rezty at Ma’am Leticia… salamat po sa tiwala, sa pag-sponsor ng pag-aaral ko, at sa pagtrato sa akin na parang kapamilya na ninyo. Hindi ko po makakalimutan ang kabutihan ninyo sa akin, sa amin ng lola ko.”
Ngumiti sina Doña Carmela at nag-thumbs up pa si Don Ernesto. Panay ang pahid ko ng mga luhang hindi ko mapigilan sa pagdaloy. Pansin kong maging ang mga nasa audience, maging ang mga kaklase ko at mga ka-batch ay lumuluha rin habang nakikinig sa akin.
“At siyempre…” huminga ako nang malalim bago ngumiti ulit, bahagyang nakatingin kay Randall. “Kay Randall… salamat sa inspirasyon, sa pag-aalala kahit sa maliliit na bagay, at sa paniniwala mong kaya ko kahit minsan hindi ko na kayang paniwalaan ang sarili ko. You’re a big part of why I made it here.”
Marahan siyang ngumiti, bahagyang tumango, at tinapik ang dibdib niya bilang sagot.
Natawa ako nang bahagya, pero hindi ko pa rin napigilan ang pagluha. “Para sa akin, ang tagumpay na ito ay hindi lang diploma. Isa itong paalala na kahit gaano kahirap, basta may mga taong naniniwala sa ‘yo, kaya mong abutin ang kahit anong imposible. Sa pagpupursige at pagtitiis ay may nakaabang na tagumpay. Sa mga kaklase ko, guys, finally!”
Naghiyawan at nagpalakpakan sila. Panay din ang punas nila ng kanilang mga luha. Nang muling tumahimik ay ipinagpatuloy ko ang huling bahagi ng speech ko.
“Pagkatapos nito, medical internship naman ang kailangan nating paghandaan. Good luck to us. And may God continue to guide our path and achieve our dreams!”
Muling umalingawngaw ang masigabong palakpakan. Habang bumababa ako ng entablado, sinalubong ako ni Randall na may hawak na bouquet.
“For you,” sabi niya, iniabot sa akin ang mga bulaklak.
“Salamat,” sagot ko, mahina ang boses pero ramdam ko ang init sa dibdib. “Ang ganda.”
“Congratulations, Dr. Decennia,” biro niya, habang nakangiti. “UST’s pride, huh?”
Natawa ako. “Hindi pa naman ako doktor, Randall. Pero soon.”
“Soon,” ulit niya, seryoso ang mga mata. “And when that happens, don’t forget this day.”
Ngumiti ako, tinanggap ang bouquet at tiningnan ang paligid. Ang mga taong nagmamahal sa akin lahat ay masaya. Ang araw, unti-unting lumulubog sa likod ng main building.
At sa sandaling iyon, naisip ko… ito siguro iyung pakiramdam ng tunay na kaligayahan.
Hindi ko alam kung kailan muling mangyayari ito. Pero alam ko, habang buhay ko itong dadalhin.
The next night after my graduation was all glitter and laughter.
Nasa loob kami ng The Back Room, isa sa mga private speakeasy bars sa Shangri-La The Fort, at ramdam ko pa rin ang energy ng buong araw.
The golden lights reflected on the glossy marble counter, and the live jazz playing in the background made the entire place feel like something out of a movie… sophisticated, intimate, and expensive.
Ayaw ko nga sana kasi alam kong magastos dito. Pero sabi ng mga kaibigan ko minsan lang naman daw. Malay daw ba namin kung makabingwit kami ng bilyonaryo rito.
Kababasa nila ng mga nobela sa Dreame at Yugto App, kaya hanggang ngayon mga wala pang jowa. Ang hinahanap ba naman ay iyong mga bida sa story nina, Miss Ingrid De la Torre Extrangheras, Miss Thinz at iba pang mga authors na sinusubaybayan nila, eh, imposibleng mayroong ganoon sa totoong buhay.
Kaming lima nina Lyssa Zoe Cojuangco, Jane Denice Montemayor, Kim Lorraine Cruz, at Aubree Salazar ay nakaupo sa plush leather couch sa VIP corner at napapaligiran ng mga cocktail na iyong iba ay hindi ko kilala.
Puno rin ng tawanan at hindi matapos-tapos na kuwentuhan ang mesa namin. We are also enjoying that air of success that only comes when you’ve finally made it through years of sleepless nights and sacrifices.
“Cheers, ladies!” sigaw ni Kim, sabay taas ng kaniyang champagne flute na may tila gintong kumikinang pa sa loob. “To new beginnings, to hard work, and to our well-deserved wins!”
“Cheers!” sabay-sabay naming sagot, saka nagdikit ang mga baso namin.
Si Lyssa ay palaging pa-demure ang datingan, naka-all white suit at may pearl earrings. Ngumiti siya habang nilalaro ang baso niya. “Hindi ko pa rin ma-process, ha. Tapos na talaga tayo. Grabe, four years sa law school, Jane!”
“Girl, Bar review for Bar exam is waving,” natatawang sagot ni Jane, habang inaalis ang clip sa buhok niya. “Akala ko nga lalagpas ako sa deadline ng bar exam application, eh. Pero look at us now… future attorneys, baby!”
Nagpalakpakan kami nang sabay-sabay. Ako naman, hindi ko maiwasang mapangiti. “You both survived something I could never handle… memorizing laws? No, thanks! I’ll stick with skincare and dermal therapies.”
“What? Mas mahirap mag-memorize ng medical terms, ano!” kontra ni Lyssa.
“Agreed! I’d rather read endless republic acts and join debates that memorizing medical jargons. Hindi lang dudugo ang utak ko, masisiraan ako ng ulo,” napapailing pang sang-ayon ni Jane.
“Please,” sabad pa ni Kim, inikot ang straw sa cocktail niya. “Ikaw kaya ang Magna c*m Laude sa UST, Trishna. If that’s not impressive, ewan ko na lang.”
Napangiti ako, medyo nahiya. “Hindi naman. I just… worked hard like all of you. I wanted to make my family proud, lalo na si Lola.”
“Aw, here she goes being humble again!” biro ni Aubree, na bagong gupit ang buhok… short bob, chic style, parang news anchor na talaga. “Trish, come on. You deserve to brag a little! You’re going to be a dermatologist, and soon you’ll have your own clinic, right?”
“Hopefully,” sagot ko. “Pero kailangan ko pa ng residency training. Maybe sa St. Luke’s or UST Hospital. I’m still figuring it out.”
“Wow, grabe. Look at us!” dagdag ni Kim, proud na proud ang tono. “From broke college girls na nagtitipid sa milk tea, to this… celebrating sa Shangri-La The Fort. Ganiyan talaga kapag may pangarap!”
“And yet… we’re all single and virgin! Marami sa mga ka-batch natin noong high school dalawa o tatlo na ang anak. Samantalang tayo, nganga pa rin!” reklamo ni Kim kaya natawa kaming lahat.
“True!” sang-ayon naman ni Jane. “Ang hirap naman kasing humanap ng mala-Wolfe na lalaki.”
“Gaga, wala talaga no’n! pero kahit mga Guillard Asher Aguilar lang ang datingan puwede na sa akin,” kinikilig na saad naman ni Lyssa.
“Iyan! Sobrang kaadikan ninyo sa Dreame at Yugto kaya ang tataas ng mga standards nyo.” Napapailing na lang ako.
“Wow, Trishna… ikaw nga inlababo sa childhood crush mo na iba naman ang bet!” pang-aasar sa akin ni Aubree. Muntik na akong masamid.
“Trish, what if akitin mo si Randall. Pasukin mo sa kuwarto. O kaya, haluan mo ng aphrodisiac ang inumin at pagkain niya tapos gahasain mo para pakasalan ka!” suhestyon ni Kim.
“Mahal ko si Randall, pero hindi pa naman ako gano’n kadesperada, ano!” angil ko naman, kaya nagkatawanan na naman ang lahat.
“Sabagay, guwapo naman kasi si Randall. Mayaman at mabait pa. Iyon nga lang, mas gusto ang mukhang pokpok kesa sa matinong babae,” komento ni Aubree. Hindi na ako nagsalita pa dahil masisira lang ang gabi ko kapag nilamon na naman ng selos ang puso ko.
Nagtuloy-tuloy lang ang mga kuwentuhan at tawanan. Para kaming mga batang matagal na hindi nakapaglaro. Finally, we are free from all the weight of school, expectations, and survival.
“Speaking of dreams,” pag-iiba ni Aubree, sabay lingon sa amin. “Guess what, girls? Starting next month, officially part na ako ng MBS News Channel.”
“What?!” sabay-sabay naming sigaw, halos sabay-sabay pumailanlang ang mga tawa namin.
“No way!” sigaw ni Lyssa. “As in the MBS? The biggest network in the country now?”
Aubree grinned, her eyes were sparkling. “Yup. Anchor position! And guess who I’ll be working closely with? Ayanna Aguilar Castriano herself!”
“Oh, my God!” halos pasigaw na reaksyon ni Kim, sabay yakap sa kaniya. “Girl, you’re literally living my dream! Female CEO, female anchor, both killing it in media. Iconic!”
Napangiti ako nang maluwang at tinitigan sila isa-isa. Sa harap ko, puro kababaihang nagpursige, nagsakripisyo, at ngayon ay nakatayo sa sarili nilang tagumpay. This is what empowerment looks like, naisip ko.
“Ang saya-saya ko talaga para sa ating lahat,” sabi ko, medyo emosyonal. “We’ve all come so far. Remember no’ng first year tayo, sabay-sabay pa tayong umiiyak sa dorm kasi akala natin ‘di natin kakayanin?”
“Yup!” sang-ayon ni Jane, sabay turo kay Kim. “Tapos si Kim pa iyong unang umiyak kasi naubusan ng budget for fabric samples!”
“Oy, excuse me!” protesta ni Kim, pero natawa rin. “Kung hindi dahil doon, wala sana akong Kimmie Fashion Trends ngayon! Look at me now… sold out iyong summer collection ko two days ago!”
“Ang galing mo, Kim,” taos-pusong papuri ko. “You really built something amazing.”
She smiled softly. “We all did, babe. We all did.”
Tumahimik kami sandali, sabay sabay naming tinignan ang mga ilaw na tila bituin ng Bonifacio Global City sa labas ng floor-to-ceiling glass wall.
The world below us was alive… cars, laughter, and music. And for the first time, I felt like nothing really is impossible in life.
“Girls,” untag ni Lyssa, binasag ang katahimikan. “Promise me one thing: let’s never lose touch. Kahit gaano tayo ka-busy, kahit gaano kalayo ang marating natin, let’s always find time to celebrate each other.”
“Promise,” sabay-sabay naming tugon, saka tumagay ulit.
Habang tinitingnan ko silang nagkakatuwaan, napangiti na naman ako nang tahimik. That night, sa gitna ng halakhakan at karangyaan ng Shangri-La, ramdam ko ang tunay na kasiyahan… isang sandaling walang katumbas na halaga.