Back to Present Time…
Trishna’s POV
Mag-aalas onse na ng gabi nang marinig ko ang sunod-sunod na busina sa labas ng gate. Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit sa sala at napakunot ang noo.
Ilang segundo pa, bumukas ang pinto at halos mabitawan ko ang hawak kong baso nang makita ko si Randall, nakasandal sa gilid ng pinto, amoy alak at mukhang hindi na halos makalakad nang maayos sa kalasingan.
“R-Randall?” mabilis akong lumapit at inalalayan ko siya bago pa tuluyang matumba. “My God, saan ka galing? Bakit ka naglasing nang ganito?”
Hindi siya sumagot. Amoy whiskey at sigarilyo ang hininga niya, at ang mga mata niya ay mapupula, parang matagal na nakadilat sa malakas na hangin.
Nakahawak ako sa braso niya habang halos hilain ko na siya paupo sa couch. Mabigat siya, pero sinikap kong kayanin.
“Gigi!” tawag ko sa isang maid sa medyo malakas na boses. Lumitaw naman agad ito na nakasuot na ng pantulog.
“Pakidalhan nga ako ng mainit na tubig at tuwalya. Dalian mo, please.”
“Yes, Ma’am!” sagot ni Gigi mula sa kusina saka agad na kumaripas ng takbo.
Bumaling akong muli kay Randall, kinapa ko ang noo niya. Mainit. “Bakit ka ba uminom nang ganito, ha?” mahina kong sita na parang ang kausap ay isang batang naligaw. “You know your tolerance isn’t even that high.”
Umungol lang siya nang mahina, parang nag-aalangan kung sasagot. “I just… needed to breathe.”
“Breathe?” napabuntong-hininga ako. “You could’ve just gone for a walk, Randall. Hindi mo kailangang lunurin ang sarili mo sa alak.”
Tumawa siya nang mahina, iyong tipikal na tawa ng lasing na walang direksyon. “Ang kulit mo talaga.” Tapos, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.
For a second, nagtagpo ang mga tingin namin. He smiled tenderly at me.
“I’m really sorry, Trishna. I know what I did was wrong… but I had no choice,” mahinang usal niya. Napalabi naman ako.
“Naku, Randall… kung hindi lang kita mahal talaga, eh!” kunwa’y nagtatampong sagot ko. pero ang totoo, napapangiti ako kasi ang lambing niyang makipag-usap ngayon sa akin. hindi gaya ng dati na malamig siya sa akin.
“I’m really sorry… I shouldn’t have done it to you… I just needed that project,”
Hindi ko gaanong naiintindihan ang mga sinasabi niya.
“Ano? Project? Sobrang kalasingan naman iyan kung ano-ano na pinagsasasabi mo,” napapailing na sabi ko.
“I just needed to prove myself to my parents, and to my grandparents, kaya ko iyon nagawa sa iyo. I’m so sorry, Trishna… I am really sorry…” namamaos pa ang boses niya pero parang kinakain din niya ang mga sinasabi niya kaya hindi ko talaga nage-gets.
“Okay na… sige na, palalampasin ko na itong paglalasing mo,” sabi ko na lang. Kaya siguro sorry nang sorry dahil ngayon lang talaga siya naglasing nang ganito.
Oh, wait… pangalawang beses na pala. Ang una ay noong ikasal kami. Talagang ipinakita niya sa akin na masamang-masama ang loob niya na sa akin siya nakasal. Ngayon ay muli kong tinitigan ang hitsura niya.
Magulo ang buhok niya, nakabukas ang dalawang butones ng polo, at may bahagyang pamumula ang pisngi niya. Pero kahit ganoon, kahit lasing, kahit amoy alak… he still looked maddeningly handsome to me. Napangiti na naman tuloy ako.
Nag-iwas ako ng tingin, pilit kong iniayos ang gusot na polo niya. “You should sleep,” sabi ko. “Mamaya, siguradong sasakit iyang ulo mo paggising mo.”
Pero bago ko pa maayos ang collar niya, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Hey,” bulong niya saka mapungay ang mga matang ngumiti sa akin. lasing na lasing siya pero malinaw ang pagkakasabi niya ng, “You’re beautiful, Trish.”
Parang biglang may nagliparang kulisap sa dibdib ko. Napatitig ako sa kaniya at biglang nablangko ang utak ko. Sa isang iglap, lahat ng pagod ko, lahat ng tampo at sakit sa mga sinabi niya dati… parang biglang nabura.
“Randall…” may bikig ang lalamunang usal ko… hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak.
Ngumiti siya. The kind of smile that I rarely see. Genuine. Walang halong panunuya o sarkasmo. Tapos marahan niyang hinila ang kamay ko papalapit sa kaniya, hanggang halos magdikit na ang mga mukha namin.
“Don’t… don’t look at me like that,” dagdag niya, halos pabulong.
“Look at you like what?” tanong ko, pero bago pa siya makasagot, unti-unti niyang kinabig ang ulo ko palapit sa kaniya.
I gasped a little as my heart began to beat faster. Ramdam ko ang init ng hininga niya, at kung paanong dahan-dahan siyang lumalapit para halikan ako.
I closed my eyes and waited for that kiss but…
“Ma’am! Heto na po iyong mainit na tubig!” biglang bulalas ni Gigi, saka ibinaba ang basin sa center table.
Agad akong napaatras at hindi ipinahalata ang gulat, habang si Randall naman ay napapikit na lang at huminga nang malalim, parang napagod bigla.
“Thank you, Gigi,” sabi ko habang pinakakalma ang mabilis na t***k ng puso ko. “Pwede ka nang magpahinga. Gabing-gabi na.”
“Opo, Ma’am. Good night po.” Tumalikod si Gigi kahit bahagyang nag-aalangan, halatang ramdam niya ang tensyon sa paligid. Alam kasi nila ang totoong pagtrato sa akin ni Randall.
Ilang beses ko na rin silang nahuli na nag-uusap-usap kung paano ko raw natitiis ang ugali ni Randall. Samantalang maganda naman daw ako at edukada kaya maraming lalaki ang magkakandarapa na mapangasawa ako.
Ang hindi nila naiintindihan, mahal ko si Randall. Naiintindihan ko nag coldness niya kasi pinilit siyang pakasalan ako kahit may ibang babae naman talaga siyang gusto.
Umiling ako at inalis ang mga isiping iyon sa utak ko. Lumuhod ako sa tabi ni Randall at piniga ang tuwalya mula sa palanggana. Dahan-dahan kong ipinatong ang mainit na tuwalya sa batok niya.
Bahagya siyang dumilat at huminga nang malalim. “Hmm… feels good,” mahina niyang sabi.
“Masakit pa ang ulo mo?” tanong ko, pero napapangiti. Mas maganda pa pala kapag lasing siya kasi malambing siya sa akin.
“Hindi na masyado.” Saglit na naghari ang katahimikan. “Salamat, Trishna.”
Ngumiti ako. “Wala iyon. I am your wife and it’s normal for me to take care of you.”
Hindi na siya sumagot. Ilang sandali pa, tuluyan na siyang nakatulog nang mahimbing sa couch… parang isang inosenteng bata.
Tinitigan ko siya nang matagal, gusto kong kabisaduhin ang bawat linya ng mukha niya habang payapa siyang natutulog.
Gumaan ang pakiramdam ko kasi nag-sorry siya, kaya naman ang nakikita ko pa rin ay ang lalaking patuloy kong minahal.
At kahit ilang beses na niya akong sinaktan, kahit ilang gabi na akong umiyak dahil sa kaniya, he still had this strange hold over me.
Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makabitiw.
Marahan na hinaplos ko ang buhok niya, saka bumuntong-hininga. “Goodnight, Randall,” mahina kong sabi, bago ako tumayo at iniwan siyang mahimbing sa ilalim ng malamlam na liwanag ng lampshade.
Kumuha ako ng kumot at ipinatong sa katawan niya. nilagyan ko rin siya ng mas malambot na unan para hindi sumakit ang leeg niya kinabukasan.
Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Mabigat pa ang mga mata ko… dalawang oras lang yata ang tulog ko kasi mino-monitor ko si Randall.
Gayunpaman, pinilit kong ibangon ang katawan ko. At kahit gaano pa ang pagod at puyat ko, gusto kong ako palagi ang naghahanda ng pagkain ni Randall. Bihira ko iyong iniaasa sa mga katulong.
Makalipas ang mahigit isang oras, naghain ako ng almusal: bacon, garlic rice, at scrambled eggs paborito niya sa umaga. Nagsalin na rin ako ng kape sa paborito niyang mug – iyong may tatak ng Hong Kong skyline na binili niya sa isang business trip niya dati.
Tahimik pa ang buong bahay, tanging tunog ng orasan at amoy ng bagong pritong pagkain ang humahalimuyak sa kusina. Sinulyapan ko ang orasan, 7:25. Alam kong gising na siya niyon, pero hindi pa bumababa.
Pansin ko kasing bumangon na siya kanina at umakyat sa kuwarto namin. Siguro ay para maligo at magbihis.
Ilang sandali pa, narinig ko na ang mga yabag niya mula sa itaas. Mabagal pero may bigat ang bawat hakbang.
Nang lumitaw siya sa may hagdan, bagong ligo na nga pero nakapambahay pa rin siya.
“Good morning,” nakangiting bati ko, laman pa rin ng isip ko ang paglalambing niya kagabi.
“Morning,” malamig niyang sagot. Hindi man lang ako tiningnan, dumiretso lang sa dining table. Umupo siya at kinuha ang kape, saka sumimsim nang parang wala ako sa paligid.
Ilang segundo akong natigilan, pero pilit kong pinanatiling parang normal lang ang lahat. “Naghanda na ako ng breakfast. I remember you said you wanted light meals ‘pag may meetings ka. May bacon at eggs din.”
Walang emosyon siyang tumango. “Thanks.”
Nagsimula na kaming kumain nang tahimik. Walang nagsasalita. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig.
Pinagmamasdan ko siya mula sa kabilang upuan… paano kaya na ang isang taong napakalambing lang kagabi ay kayang magbago ng ugali kinaumagahan?
Kagabi ay sinabihan pa niya akong maganda, at gusto pa nga niyang halikan. Kagabi, parang ibang Randall ang nakita ko… soft, sincere and fragile. Pero ngayon, parang hindi na niya maalala iyon.
“Uh…” sinubukan kong magsimula ng usapan. “Do you have meetings today?”
Hindi siya tumingin. “I’m flying out tonight. Conference in Macau. One week.”
Natigilan ako, pero agad kong tinakpan ng ngiti ang kaba sa loob ko. “Oh, really? I didn’t know.”
Sinungaling.
Alam ko. Alam kong may business trip siya, dahil sinabi na ni Brixton. Hanggang ngayon, iyon ang ikinatatakot ko. hindi ko alam kung anong balak sa akin ng lalaking iyon at iniipit niya ako sa sitwasyong hindi ko naman ginustong mangyari.
“Yeah,” patuloy niya. “It’s a company summit. Brixton’s hosting it. MMC Group’s involved, too, so expect lots of press.”
Napalunok ako. Ang pangalan ni Brixton ay parang malamig na hangin na dumampi sa batok ko. Agad kong ibinaba ang tingin ko sa mesa, nagkunwaring busy sa pag-aayos ng tissue. “That’s nice. You should… you should have fun, too. You’ve been working so hard.”
Ngumiti siya nang kaunti, pero walang init sa ngiting iyon. “Fun? I’m not going there to have fun, Trish. I’m going there to work. Alam mo namang hindi ako katulad ng iba.”
Tumango ako, kahit gusto kong sumagot. Hindi katulad ng iba? Kung alam mo lang kung anong ginawa ng ‘iba’ mong kaibigan sa akin, Randall.
Kung alam mo lang kung paanong sa isang iglap, nawala sa akin ang bagay na matagal kong pinakaingatan para ialay sa iyo.
Pero wala akong karapatang magsalita. Hindi ako puwedeng umamin. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang masira ang pagsasama namin dahil sa pagkakamali kong iyon.
“I’ll have my assistant send you some documents later,” dagdag niya nang tumayo. “And please, huwag mo nang papasukin ang lola ko sa mga personal na isyu natin. She doesn’t need to know everything.”
Napatitig ako sa kaniya, pero hindi na siya lumingon. Umakyat siya pabalik sa kuwarto at iniwan akong nakatulala sa mesa… kasama ko ang malamig na kape at mabigat na sakit sa dibdib ko.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, napahawak ako sa ulo habang bahagyang napayuko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nanginginig kong kamay.
What does Brixton really want from me?
Iyon ang isa pang dahilan kaya hindi ako makatulog. Kagabi pa gumugulo sa utak ko ang mga sinabi niya. You’ll do what I want.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin kung sakaling tumanggi ako. Pero ang alam ko lang… kung sasabihin niya kay Randall ang nangyari, baka tuluyang gumuho ang lahat ng pinaghirapan ko.
Bumuntong-hininga ako saka sinubukang aluin ang sarili. Ni wala akong mapagsabihan ng problema kong ito… not even my friends.
“Maging matatag ka, Trish,” bulong ko sa sarili. “Hindi pa ito ang katapusan ng mundo.”
Pero habang pinagmamasdan ko ang kumikinang na wedding ring ko sa daliri, hindi ko maiwasang isipin… baka nga hindi talaga ako kayang mahalin ni Randall, at ako lang ang ayaw umamin.