ST 21
ARA’s pov
Monday na nga hindi pa siya bumabalik ng dorm. Sobrang pag-eenjoy naman yun. May mikababes pang nalalaman e.
“baka gusto mong galawin yang pagkain mo Ara?”pansin sa akin ni Kim.
“wala akong gana…”inilayo ko yung plato at nagpangalumbaba.
Angweird na ng pakiramdam ko. OO. Sobrang nawiwearduhan na ako. Kung crush ba, nakakaramdam ka ng ganito katinding insecurities?
Magkasama sila ng kababata niya na HINDI MAN LANG NIYA NAIKWENTO kung sino yun. Peo kailangan pa ba niyang sabihin ang bagay na yung sa akin? ano to? Tanong ko sagot ko lang?
Grrr.
“gusto mo ng kape?”alok sa akin ni Cam.
Umiling ako.”nakakatamad…”
“bilisan mo na… mamaya darating na si mika e…”
“si baks?”
Umismid si cienne.”porke mika, si bakulaw agad? Pwedeng si cutie muna?”
Cutie nga pala ang tawag niya kay rence kasi angcute daw nito pag ngumingiti. Ewan ko sa kanya. Si Mika pa rin mas cute.hahah.angkorni ko.
Minsan narinig ko ang ilang schoolamates naming na nagkukwentuhan tungkol kay baks.
“grabe sis… I can go gay whenever I stare at her…”
“her eyes are mesmerizing… kahit buong araw ko siyang titigan girl…”
“pramis bestfriend… liligawan ko yun.hahaha”
Anglakas ng mga loob nila. Buti nga sila kaya nilang isigaw sa buong mundo na gusto nila ay kapwa nila babae. Bakit ba anghirap sa part ko?
Nakakatakot naman kasi, baka itakwil ako ng pamilya ko. kahit minsan binibiro nila ako ng baka tomboy daw ako at ipakilala ko na daw ang gf ko nakakatakot pa rin pag seryosohang usapan na.
Dumating na nga ang tatlong masusugid na tagasundo ng kambal. Kung may attendance nga lang ang dorm e walang palya ang tatlong to e.
“ready na?”bungad ni Den pagbukas ng pinto.
Agad kinuha ni Cienne ang bag niya.”cams tara na rin…”
“sasabay ka na sa amin?”tanong ni Camille sa akin.
“hindi….”
“hihintayin na lang kita…”alok ni rence.
“huwag na… mamaya tamarin pa akong pumasok madadamay ka pa…”
“oh de mas maganda…mas makakasama kita ng matagal…”ngiti pa nito.
Siya na ang persistent. Hindi naman sa tinataboy ko siya no? hindi naman ako ganung tao e kaso lang hindi ko gusto yung pakiramdam na kasama ko siya pero ibang mika naman ang nasa isip ko.
“uhm ARa…samahan mo nga ako kay coach may sasabihin ako e…”pagyayaya sa akin ni Kim paglabas niya ng pinto.
“ahy may pupuntahan pala kayo..gusto mong samahan ko na lang kayo? We can use my car…”alok na naman ni Rence
“ah thanks na lang Rence…”sagot ni Ate Kim.”saka confidential yun e…”nakababa na rin siya at kaharap na namin.
“pwede namang sa kotse na lang ako e..”pamimilit pa nito.
“matuto kayong lumugar.”tiim bagang niyang sinabi kay Rence saka lumabas ng dorm.”tara na Ara…”
Natahimik lahat pari si Cienne ay hindi nagawang tablahin si Ate Kim.
Tahimik lang ito habang naglalakad kami.
“ok ka lang?”tanong ko sa kanya.
Tumango ito.”don’t worry…”
“grabe? Akala ko sasapakin mo na e..”biro ko sa kanya.
“darating rin tayo diyan..”ngiti nito
Eee? May plano talang sapakin?
“san ba si coach te?”usisa ko sa kanya dahil sa kakalakad naming nalampasan na naming ang gym kung saan madalas tumambay si coach.
“e wala naman siya dito..nasa seminar.hahaahah”
“ah? E bakit sabi mo pupuntahan natin?”
“naku Ara…slow mo naman..halata namang ayaw mong makasabay yung si rence e…dapat nga magpasalamat ka sa akin e…”
AHY ganun pala yun/. Pero san na kami tutungo nito? E parang wala rin siyang balak pumasok.
Nakalabas na nga kami ng univ at wala kaming patutunguhan. OO AS IN WALANG PLANO KUNG SAAN KAMI PUPUNTA. I WILL JUST PRAY NA LAM NI ATE KIM ANG GINAGAWA NIYANG PAG-SKIP SA KLASE.
Hanggang sa natigil kami sa tapat ng dorm nina Fiona. >__<
“sorry bansot ha…busy lang talaga this weekend…”
Tumango lang ako. “angbigat ng braso mo baks…”mahina kong sabi para lang mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.
Tinanggal niya iyon pero hinawakan naman niya ako sa kaliwang kamay.”anong gusto mo? holding hands at mapagkamalan tayong magshota or akbay na nabibigatan ka?”
[HOLDING HANDS na lang para KAHIT SA TINGIN LANG NILA E NAGMAMAHALAN TAYO. KAHIT HINDI NAMAN.. HAHAHAHA…]
ibinalik ko ang pagkakaakbay niya sa akin. “kahiya naman sayo namiss mo ko e..hahaha”biro ko sa kanya.
“Bus tayo Kim…”sabi ni Fiona.”dun sa terminal para makapili tayo ng mauupuan…”
Nag-trike kami papunta sa terminal ng bus. Pinili ni Fiona yung tigdalawahang upuan. Tinuro niya yung sa likuran ng uupuan nila.”diyan na lang kayo…”
Wala naman kaming magagawa noh? Pinauna niya ako.”arte mo naman baks…mainit dito mamaya e…”
“mas maigi na yan kesa naman masagi-sagi ka ng mga pasahero mamaya…lalo siguradong marami ang standing maya-maya dito..peek hours pa naman oh…”
Pinipigilan ko na ang pagngiti ko.tumingin na lang ako sa labas para hindi niya Makita ang pagbablush ko. kung magpakilig ka baks e. kainis a. nagiging 70-30 na ang identity crisis ko sayo e. psssh.
Napahikab ako ng wala sa oras.
“hindi ka natutulog ng maaga pag wala ako noh?”pang-aara niya.
[HINDI AKO MAKATULOG DAHIL NAIISIP KONG NAG-EENJOY KA SA COMPANY NG IBA]
“hindi naman… nagkataon lang na trip kong magmovie marathon kagabi”
Umayos siya nang pagkakaupo”game…”sabi niya.
“anong game?”pagtataka ko naman dito.
“VEGA M is about an hour from here… isama mo na ang traffic…”sumenyas siya sa balikat niya.”huwag ka nang mahiya… sandal ka na… gigisingin kita pag malapit na tayo dun…”
“eee?”hindi lang ako basta nahihiya noh. Sobrang nahihiyan niya.
“ayaw mo?”inayos niya yung bagpack niya sa lap niya na parang unan. Tinapik tapik niya ito.”uhm isandig mo na lang ito ang ulo mo… baka nga pala isipin nilang shota kita pag sa balikat e..hehe.sorry..”hinawakan niya ako sa may balikat at ginawa ko naman ang utos niya.
Antok na antok lang rin talaga ko. hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. kainis ka Mika hindi ko mapawi ang ngiti sa mga labi ko buti at hindi niya nakikita. Then inilagay niya sa tainga ko yung isang earphone.
Puro slow songs ang mga iyon. Mostly ay mga 90s songs na madalas niyang kantahin pag nabobored na siya at nagpapaantok na.
Hinawi niya yung buhok ko. showing my right cheek. Patagilid kasi ang pagsandal ko sa bag niya. ”paalis na tayo bansot… tulog ka muna..sweetdreams…”narining kong sinabi ni Mika.
Tumango lang ako.”thank you…”
Then she drew a heart on my cheek.
Gees…shivers…goodnight Mika. I felt her hand holding on my shoulder. Huwag mo sana akong bitawan kahi anong mangyari.