ST 19
ARA’s POV
December na. angbilis lumipas ng araw. Yehey.
Napapansin ko lang pagiging mainitin ng ulo ni Mika nitong mga nakaraang araw. Buti at hindi na lumaki pa yung gulo. Kung hindi siguradong mapapagalitan siya ni coach.
Aral-training konting gala.ganun lang naman ang naging routine namin ng ilang linggo. Nanalo pala kami kahapon kaya ito relax relax rin pag may time.
Tumatambay kami sa rooftop kasama nina Rence. Kahit papano sinusubukang makisama ni Baks kahit labag sa loob niya.
Nakasandal kami ni Mika sa may pader. Angtahimik na naman niya.
“bored ka na?”
Umiling lang ito.
“diba dapat masaya ka kasi hindi pa tayo natatalo kahit minsan?’
Bahagya siyang nangiti.”paano tayo matatalo e anggaling natin…”
Pitik ko ang braso niya.”mayabang ka naman baks…”
“hehe.may maipagyayabang naman…”
“ui lapit nga kayo dito…napakaloner niyong dalawa ah..”tawag sa amin ni CEinne.”ikaw Mika… sinasarili mo si Ara… ishare mo naman sa amin…”
Hindi na naimik si Mika. Minsan na kasi siyang napagsabihan nito at medyo nagkaroon sila ng sagutan. Baka daw kasi may gusto sa akin tong si Mika kaya nagigign possessive siya.
The truth is? Hinihintay kong sumagot siya noon pero parang uminit pa ang ulo niya at nagkasagutan sila.
Madali naman rin silang nagkaayos. Mabait naman kasi to e pikon lang. naupo kami sa tabi Ni Cienne. Dala-dala ni Den yung gitara niya. Kantahan lang ang trip nilang tatlo e. pero si Rence hindi kumakanta. Baka nga daw kasi umulan.
“bakit ayaw mong kumanta?”tanong ni Camille.
“wala… baka kasi umulan e…hehehe”
“OO….nung huling kumanta yan umulan e.hahahaha”pang-aasar ni Vio.
Pinandilatan siya ni Rence.
“oh away na guys….”pumagitna si Cienne. Lumipat ito sa tabi ni Vio.”aawayin niyo pa tong bodyguard ko e.hehehe”
Ah oo… pinanindigan nga ni Vio ang pagiging bodyguard nitong si CIenne. Na lalong ikinaseselos ni Ate Kim. Pero lately naman parang sanay na si Kim e. may pinopormahan na yata. Haha.nakakabilib. SOBRA.
“San pala si Kim?”tanong ni Camille.
“ewan ko… e tumatambay yata dun sa com arts e… baka may chic.hahaha”sagot ni Mika.
“weh? May papatol dun?hahaha”komento ni Cienne.
“LUUHH… wala kang bilib? Haha.makikita mo… lakas kaya ng appeal nun… kagabi nga halos hindi na nakatulog kasi panay ang tawag sa kanya nung babae…”pagmamalaki ni Mika.
“ah so kasama ka sa labas ng dorm ha?”usig ko dito.”kaya pala angtagal mong pumasok ng kwarto bakulaw…nakiki-chics ka rin…”
“oh??ano naman diba? Hindi naman masama yun…”sagot ni Rence.”all is fair in love and war.hahaha”
Eee? Ok lang naman.pero wala naman kasing nababanggit tong si Mika na may crush siyang babae e.
“ui mika. Yun totoo? May pinopormahan ka na rin?”paglilinaw ni Camille,”ikaw ha..hindi mo sinasabi…”
Sumubo ng chips si Mika,”hayaan mo pag meron na..sasabihin ko sa inyo.hehe”
“bakit? Legal ka ba sa inyo?”sabat ni Den.
Natahimik si Mika.
So hindi alam sa kanila na may tendency siyang magkagusto sa babae?
Saka naman ito ngumiti.”wala ka na dun dre.”sarkastikong sagot nito.
“uhm..guys..invite ko kayo pala…”said Rence.”sa JMR resort… bukas…”
“talaga? As in JMR? Wow..angmahal kaya dun…”bulalas ni Cienne.
Ngumiti lang si Rence.”hehe… ok lang..libre naman e..ako nag-invite diba? Saka parang thank you na rin sa inyo dahil tinanggap niyo ako…kami…”
“tsss.drama…”narinig kong komento ni Mika.
Siniko ko siya.
“pwedeng isama ang team?”excited na tanong ni Cienne.
“oo naman... “
“wooow…”tuwang tuwa na naman si Cienne.”kambal two piece tayo ha?”
“oo na lang..”said Camille.
“ano Mika sama ka ha?”baling ni cienne kay baks na mukhang malalim ang iniisip.
“may lakad ako bukas e… hindi ako makakasama…”
“ahy sayang naman….”
“sama ka Ara ha?”baling sa akin ni Rence.
Sasama ba ako? Ee Mika? Sasama ako? Napatingin ako kay mika.
“oh dapat magpapaalam?”komento ni Cienne.”girlfriend?”
“sige na… sama ka na… wala ka ring kasama sa Dorm bukas..sige ka may multo dun.hehe”biro pa sa akin ni Mika.
---
At 7eleven. Trip daw ni baks ng Ice cream e. dito na rind aw naming kakainin. Angselfish ng Mika na to. Napapakaway na lang rin kami sa mga kakilala naming na napapadaan.
“may lakad ka ba talaga bukas?”
Tumango ito.”kung wala akong lakad sasama naman ako e.”
“ok…uhm… ok na ba sayo na kaibigan natin si Rence?”
“wala naman akong magagawa diba?”
“e ibig sabihin ayaw mo pa rin sa kanya?”
Tumango ito.”kinakaibigan ko lang siya dahil sayo… dahil gusto mo… “
“anglakas ko talaga sayo no?hehe”
Ngumiti ito.”oo..huwag mong abusuhin…”
“hoooh.ikaw nga itong inaabuso ako e..ako na lang lagi ang nagluluto…”
“e atleast napapractice ka na para maging mabuting asawa.hahahaha”
Inirapan ko siya.”asawa agad?pwedeng boyfriend muna?”
Ngumisi siya at umiling.”GELPREN VICTONARA.hahaha”
Habang nagkukwentuhan kami at dumating sina Kim at isang new girl sa paningin ko. maganda ito, ang-ikli ng shorts naka-sleeveless. Eee? Chic niya to? Di nga? Gondo. Siya yata yung ms. Mhei zhou last year e.
“ui nice to see you here…”bungad ni Kim sa amin.
Wow?englisera teh?
Nag-wave hi sa amin yung babae.
“ah siya nga pala …this is Fiona…”pagpapakilala niya dun sa babae.”sina Mika and Ara..friends ko…”
Nakipagkamay ako sa kanya.
Ito naman si Mika may nalalaman pang pagpapagpag ng kamay bago makipag-shake hands e. arte lang.”maupo ka Fiona…”tinuro niya yung upuan sa tabi niya.
Dun nga naupo si Fiona. Bumili naman ng doughnuts si Kim at coke.
“matagal ko na kayong gustong makilala.”said Fiona.”madalas kasi kayong maikwento ni si Kim e…”
Napakamot sa ulo si Mika. Flirt mo baks. Namumula ka na naman.”hehe..puro siguro negatives ang sinasabi niyan…”
“ui di naman… sabi nga niya angbait niyo daw e…“
Nagkataong pareho sila ng interes ni Mika sa music kaya sila lang ang nagkakaintindihan. OP naman ako oh. Ano ba to.
Kahit nung dumating si Kim ay tuloy lang ang kwentuhan nila. Getting to know each other na ba to? Akala ko ba si Kim ang pumoporma dito? Bakit parang si Bakulaw na?
“UI ara ok ka lang diyan?”sa wakas napansin ako. Kailangan pala tumahimik ako no.
Tumango lang ako.”medyo antok lang..”
“uhm uwi na tayo?”pagyayaya ni Kim.
“uhm ok lang… sabado naman bukas e…”alangan sabihin kong oo. Kahiya naman dito kay Fiona.
“oh naman pala… mamaya muna… dito pa tayo…”tuwang-tuwa naman tong si Mika. Psh. Hate you mika. Hindi mo ba ramdam na nabobored na ako dito? Pssh.
Siguro mga thirty minutes pa kaming nagkwentuhan e. tawanan lang sila .para hindi ako mabored naglaro na lang ako sac p ko. malolobat na ako hindi pa tapos tong mga to.
“hatid na natin si Fiona… diyan lang naman ang dorm nila e..”said Kim.
“sige..”sang-ayon ni Mika.
May magagawa pa ba ako? NIlakad naming papunta sa dorm nina Fiona. Kahit kasabay kong naglalakad si Mika panay pa rin ang komento niya at lingon naman si Fiona.
---
Sa dorm na namin.
“grabe ate Kim…gondo nung chic mo…”sabi ni Mika.ewan kung pinaparinig nito kay cienne na nanonood kasama si Camille.
Naupo si Kim sa tabi ni Camille.”ui cams hows ur day?”
“oks lang..ikaw? di ka naming nakita maghapon ah…”
Sumandal ito at kinuha yung through pillow.”e ganun talaga… enjoy enjoy rin pag may time…”
“grabe cams… ganda ni Fiona.. angbait pa…”dagdag ni Mika.
So dapat ulit-ulitin? Kahit nasa Kusina ako ay rinig ko ang pagbibida nina Mika tungkol kay Fiona. Na alam naman na ng buong campus dahil ng sikat ito.
Nakakarindi na ah.
“ARA…DIBA MABAIT NAMAN SI FIONA?”sigaw pa niya.
Sa inis ko pumunta na lang ako sa kwarto at binalibag ang pinto. Hay naku. Nakakatorete siya. Natotorete ako sa kaka-fiona niya. Oh de siya na si SHREK. Bagay pa sila. Pssh. Bakit ba ako ganito ako magreact. Bueset.
Nakakainis ah. Mula 7eleven hanggang dito Fiona pa rin? Musta naman yung Fiona fever? Psh.
Sunod-sunod na katok sa pinto ni Mika sabay tawag sa pangalan ko.
“Ara pabukas naman… antok na ako oh…”
Kainis. Akalain mong pinagbuksan ko pa rin siya? Ibinukas ko lang yung pinto tapos saka na ako humiga ulit.
“bakit ka ba nagdadabog?”
“wala… antok na ako… “
“kanina pa yang antok ah? Bakit ba angweird mo?”
Hinarap ko na siya.”mika..pwedeng pass muna sa pagpapaliwanag? Ngayon kung hindi ka pa pagod…makipaglandian ka dun kay ms.campus crush… nang makatulog ka ng mahimbing…”
“hahaha.”sarkastikong pagtawa nito”nagseselos ka bansot noh?hahaha”
Walang patutunguhan to.”hindi..matutulog na ako..bahala ka diyan…”
“LUUUH? Nagseselos nga.hahaha.ui si bansot marunong magselos…”
“ewan ko sayo…magsama kayo ni Fiona… matutulog na ako… kahiya naman kay rence kung maghihintay nang matagal bukas…”
“naman pala e..you have rence…I have Fiona…so quits lang…”matiim niyang sabi.
“you have Fiona? Diba si ate Kim ang pumoporma dun?”
Umiling ito at ngumisi,”nirereto lang ni ate Kim yun sa akin…kanina ko lang na-meet personally..”
“ah…okei…”
Psssh. Humiga na lang ako at nagkumot. Tinabihan pala niya ako. Pinitik niya ang tainga ko.”bansot…joke lang… hindi ko yun pinopormahan…”
Hindi ko siya pinapansin. Pinapalo ko ang kamay niya na parang isang lamok.
“bansot naman e… joke lang yun..pramis…”
Naupo ako,”alam mo Baks? Kahit naman hindi yun Joke ok lang e… ano naman kung pormahan mo siya..e mukhang sasagutin ka nun agad e…”
“e ikaw ba kung liligawan ka ni Rence sasagutin mo?”
Hala? Panong napasok sa usapan si Rence?
“ano?siguro sasagutin mo noh?”
Nakakairita siya. Pramis. Yung tipong ano bang gusto niyang marinig mula sa akin?
Tumayo na lang ako at lalabas muna ng kwarto. Peo tumakbo siya sa tapat ng pinto.”answer me… do you like her?”
SPELL ASSUMING? Kanina lang nagtatanong kung sasagutin ko yung tao if ever nanligaw tapos ngayon naman tatanungin kong gusto ko siya? Nasasapian yata ng masamang espiritu tong si mika e.
“baks… ok ka lang? wala akong gusto dun sa tao… tigil-tigilan mo ako sa kaweirduhan mo… pati ako naguguluhan na e…”
“bati na tayo?”
“oo na…pwedeng umalis ka diyan? Nauuhaw na ako e…”
Umiling siya. Iginiya niya ako paupo sa kama ko,”diyan ka lang..ako na kukuha ng tubig mo…”
---
Kinaumagahan. Anglakas ng trip nina cienne. 5am pa lang gising na sila. Bihis na at ready na ang mga dadalhin sa swimming.
“ang-aga naman nito cienneloo…”reklamo ni Camille.
“e mabuti na to noh… hahahaha”anghyper niya naman kasi.
Tulog pa nga pala si Mika dahil hindi naman daw ganun kaaga ang lakad niya. Ok na lahat ang gamit ko. bandang 6:30 nang dumating sina Rence.
Niyugyog ko si Mika.”baks… aalis na kami… “
“uhmmmm…sige…”yun lang tugon niya.
“yun lang?sabihin mo naman ingat ako… hindi ak marunong lumangoy…”
Kinabig niya ako kaya napahiga ako at nayakap niya. Saka siya bumulong,”dun ka sa kids pool bansot… 5 minutes…huwag ka ng kumontra…”
Niyakap niya ako ng siguro ay limang minute. Puro na lang ako bakit sa isip ko. yung yakap niya parang nagsasabihng mag-ingat ako. So secured. Yun ang pakiramdam ko ngayon.
“baks… baka pumasok si Cienne…”
Binitawan na rin niya ako saka siya nagmulat ng mga mata niya.”kita na lang tayo bukas o sa Monday ha? Wag mo akong mamimiss…”ngumiti pa ito.
“ang-assuming mo naman na mamimiss kita ha…”
Umupo siya at sa pagupo niya biglang anglapit ng mukha naming sa isa’t-isa. Hala. Hindi ko to dapat maramdaman diba> pareho kaming babae. Goodness. Tumayo na lang ako nang hindi na bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko.
“ingat ka rin sa lakad mo…”
----
MIKA’s pov
Muli akong natulog pagkaalis nila. Bumangon na lang ako nung kinatok ako ni Kim.”ui young lady bangon na mali-late na naman tayo e…”
Minadali ko na rin ang pagkilos baka kasi sapatusin ako nito e. paglabas ko ay naghihintay na rin si Ate Cha.
“angtagal mo naman..nagpaganda ka pa?”biro sa akin ni ate Cha.
“oo naman noh..mamaya sabihin ng mga tao dun angdukha ng itsura ko..hahaha…”
Nagcommute kami papunta sa condo ko tapos ginamit naming yung kotse ko. yohoho. Pero si kim ang nagdrive..galin no? atat lang siya kaya siya ang naunang naupo sa driver;s seat. Buti na rin yun nang makatulog naman ako. Sa likuran naupo si ate Cha.
“first time kong mag-attend sa occasion with them…”saad niya.
“relax ka lang jan ate Cha…kami bahala sayo…”sagot ko naman.
“hahaha.si mika ang bahala sa atin…ngayon ko lang rin sila makikita lahat e..usually kasi sina Jm at Rhyck madalas ko makasalamuha sa Bacolod…”
“hahaha… ako nagsasawa na sa mga pagmumukha nila kung alam niyo lang…”tawa ko sa mga to. Paano naman kasi always present pag may okasyon ang isa sa pamilya nila. Ginagawa na rin kasi iyong business meetings. Hahaha. Hindi talaga maiiwasang pag-usapan ang negosyo e.
Nakarating na rin kami sa mansion ng mga Gomez. I really don’t know what’s the occasion. Basta sinabihan lang kami na kailangan kaming mag-attend nito. As for the twins, hindi na daw muna sila isasama.
Sinalubong kami ng ilang body guards.
“ganito talaga dito?”tanong ni ate Cha.
“ngayon lang naman to e… ewan ba…” tugon ko sa kanya.
Pagpasok naming ay ang mama naman ni ate Jai ang sumalubong sa amin. Yumuko kaming tatlo.
“buti at nakarating kayo..”bati nila sa amin.”ikaw na ba si Charleen?”
Tumango si ate Cha. Agad nila itong niyakap at iginiya papunta sa may pool kung saan naghihintay ang ibang bisita.
“titaaaaaaaaaa…..”oh my god.that child again.
Paglingon ko si JMay na patakbong lumalapit sa akin. tumalikod na ako. Alam na kung anong trip niyan. Nag-piggy back ride siya sa akin.”grabe bumigat ka jmay…”
“ee pumayat na nga ako sabi ni moddy e…”
Sino si MODDY(pronounce as MA-DI)? Yang babaeng blonde na naman ang buhok at papalapit sa amin.”oh kim… kumusta?”
“ok lang po… ito nangangayayat sa dorm.hehehe..si ate phych pala?”
“nandun sa kusina… nagpapaturo kay May magluto ng afritada… puntahan mo na..namiss mo agad ang ate ko e..”sumibat na rin si Kim.
Ang taong kaharap ko ngayon at tinatawag ni Jmay na Moddy ay walang iba kundi si ate Rhyck.”hello po…”magalang kong bati sa kanya.
“jmay baba ka na jan…nahihirapan na si tita…”
“yaw. Anglaki ni tita panu siya mahihirapan…e kung yung friend niya ang i-piggy back ride niya ang tagal e…”
LUUUH??? Pano nakita nito yun ha? Parang ang-init bigla ng pisngi ko. natawa si ate Rhyck.
“huwag ka ng magtaka… pagala-gala sa univ yan… hahahaha”
Ibinaba ko na nga si Jmay.”baba ka na nga..angbigat mo…”naiinis kong saway sa kanya.
“moddy…she’s angry again… she’s like tita jm and mom…”
Pi-nat ni ate Rhyck sa ulo si Jmay,”it runs in the blood jmay…hahaha”
Nandito rin ang mag-asawang Allen at Kath kasama si baby Lenard. “hey Mika… you’ve grown a lot…”bati sa akin ni kuya allen.”you were like this when we got married…” kung idescribe naman ako ni kuya allen parang angbansot ko naman. Two years ako nay un. Grabe to as if angliit ko ha.
“kaw talaga allen lagi mong pinagtitripan tong si Mika….”
Thank you ate Kath at nandiyan ka. haha. Busy ang lahat. Naupo ako kasama sina ate kath dahil mahuhuli na naman dawn g dating sina ate jm. As usual baka angbagal na naman nilang bihisan sina jhel at lhan.
“Mika… may boyfriend ka na?”
Muntik na akong masamid sa tanong ni ate kath
“ha…e wala pa po… wala pa sa isip ko yan…”
Kung anu-ano lang ang pinagkwentuhan namin buti at hindi pa nila nalalaman na hindi ko ginagamit ang apilyedo ko sa school. Galing talaga ni maam xerelyn.
“saan pala si Jane?”tanong ni kath.
“nandiyan lang sa paligid…”sagot ni ata Rhyck.
“nag-away kayo?”dagdag ni ate Kath.
“hay naku…she’s nagging around again… namabababae na naman daw ako… psssh..hiwalayan ko na yan e…”
“MODDY….”lumapit sa amin si Jmay.”moms looking for you… galit siya e… may tumawag kasi sa phone mo… girl daw… hayun… she’s kinda upset.halla ka moddy…”pang-aasar pa nito.
Bumuntong hininga si ate rhyck.”heto na naman po kami…”
Pero pagtayo niya ay si Ate jane naman na sumandal sa likuran niya at yumakap dito. “love you bhe….”
O__O---kami
^________^--jmay
Humarap si ate Rhyck sa kanya.”galit ka daw?”
Umiling ito. “e kasi tumawag yung kaibigan ko..she’s pregnant…uhmmmm…”
“oh?”
“bhe… gusto ko na rin ng new baby… diba naplano na natin how???”
“talaga mommy? Magkakaroon na ako ng kapatid?e pano???”hahaha. yung mukha ni jmay nakakaloko e.
“let’s talk about this some other time bhe…”kiniss niya ate rhyck si ate Jane sa noo.
Habang nagpatuloy ang kwenutuhan ay kinalabit ako ni Jmay.”oh bakit?”
“ee paano ako magkakaroon ng kapatid???”
HAHAHA… ALAM NA..KUNG SASAGUTIN KO TO MAS MARAMI PANG TANONG ANG IBABATO NITO E.”tanungin mo si mom mo ha? Siya nurse e….”pagtataka pa rin ang nasa isip niya habang pumunta na lang kena lolo niya.
---
Siguro nag-eenjoy sina Ara hindi man lang nakuhang magtext e. Ginather kami for some announcements daw. Gaano kami karami dito? Well some oldies are here pero mas marami ang mga youngsters na tulad naming. Peo ang pamilya ni ate Jai kumpleto.
Zean and his wife,ate is also here with their daughter zes and meg. Sila yata ang nagpaparty e. kinuha ng papa ni ate Jai ang atensyon ng lahat.
“good morning friends… uhm… I am now happy to see my children with their chosen partners..kahit medyo pinahirapan ako nitong si zean at may…”tawanan naman ang lahat. Naalala kasi nila kung paanong nagpakasal ang dalawa sa huwes dati ei.(see mr and ms snub for the story.haha-otor).”my daughter Jai…hs something to tell you…”
Naupo na si tito at sumunod si ate Jai. Nahihiya pa ito at napapakamot sa ulo.”uhm…I am not good in these things… but I am thankful…that she…”tinuro niya si ate Zai na nakaupo katabi ni ate May,”and i… will have our vows by next year…”
Whoah? Di nga? Palakpakan ang lahat. After so many years naisipan rin nilang lumagay sa magulong buhay may-asawa. Hahaha.
Siniko ako ni ate Cha,”inggit ka noh?hahaha”
“tsss…hindi ah..”
“sus…sinong niloko mo? if I know…minsan sa hinagap mo you are wishing for an MIKA-ARA union someday…”pang-aara pa nito
Hindi ko na siya pinansin. Matapos ang announcement ay nagpatuloy ang party. As usual nagkukumpol-kumpol ang mga oldies.
“so kumusta ang reunion with your family?”tanong ko kay ate cha.
Game naman siyang nagkwento. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan rin. Then came my gangster cousin with ate Liam. medyo malayo kami kaya hindi niya kami napansin.
“tsss..kahit kailan late…”
“bitter mo ha..”komento ni ate cha.
“ui nagtext na ba sina cienne?”tanong ni Kim.
Umiling ako.
“sobra namang pag-eenjoy yun… pero tumawag ako sa JMR resort…andun naman daw sila…”
Sandaling natahimik si ate Cha,”tingin mo bakit inakma ni Rence na sa araw na to magyaya ng outing? Sigurado akong alam rin niya ang tungkol sa event na to…”
“dahil pag sumama ako sa JMR siguradong makikilala ako ng kahit isa sa mga empleyado dun… “sagot ko dito.
“mismo… gosh Mika… planado to… angtalino ni rence..bilib na ako sa kanya…” bulalas niya.
“subukan lang niyang gawan ng masama si ara… she’ll regret it…”panggagalaiti ko.
“ui idamay mo naman yung mga kapatid ko..ipagtanggol mo rin naman sila…hahaha”
Nakuha pa niyang tumawa e. kung iisipin mo ngang mabuti sinakto nga ni rence ang pagpunta sa jmr na habang nandito ako. Mabubuko siya kung may makakilala sa akin dun.
May Mayaman bang sumussuporta sa pagpapanggap niya at kaya niyang ilibre ang buong team sa resort? Shet. Angsakit sa ulo naman nito. Alam niya ang lahat tungkol sa family back ground ko wala akong mahanap na butas sa pagpapanggap niya. Damn. She is really up to something.
“ate Cha… kailangan nating pumunta sa resort… “
Nagtaka naman ito. pero sigurado naman sasamahan niya ako e. kailangan kong puntahan si Ara. Papunta na kami sa pamilya ni ate Jai nang sinalubong kami ni ate JM.
“on a hurry?”she smirked.
Naalibadbaran ako sa mukha nito e. psh.”kinda… magpapaalam na kami.. may pupuntahan pa kami e…”
“too early mika…may surprise pa naman ako sayo…”
“ha?”
Ngumiti ito. at ngumuso sa likuran ko. paglingon ko ay si Alwyn. Childhood friend ko. ang alam ko nasa America na siya. Isa sa mga trusted guy friends ko.Mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.”miss kita mikababes … sobra…”
O_______O mikababes? Geees..
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.”hindi mo ako miss? Grabe ka ah… angsama mo…”
“ha? Ano miss naman…kailan ka pa dumating?”
“kagabi lang..excited nga kong Makita ka e… sinundo pa ako nina ate JM…”
“ah okei..so hanggang kailan ka dito?”
“for good…”ngiti nito.
NALOKO NA. hindi ko na nga masusundan sina Ara dumating pa tong si Alwyn. Sino ba siya sa buhay kO? SIYA LANG NAMAN ANG PINAKAPABORITO NI PAPA SA LAHAT NG GUY FRIENDS KO. AT SIYA RIN ANG GUSTO NIYANG MAPANGASAWA KO. WTH LANG.
Pero kaya ko to. Kaya kong lusutan ko. AKO PA…