17

3317 Words
  ST 17 MIKa’s POV Nakatulog ako sa pagmasahe ni Ara sa ulo ko. Kaya ito alas dos na ng madaling araw ay nagising ako at hindi na makatulog. Si Ara naman himdbing na himbing sa kama niya. Sighed. Ilang araw lang ako nawala biglang may lumitaw na ako? Pero paano. And how will I prove it to Ara na nagsisinungaling yun. Makababa na nga muna. Kailangan kong mag-isip. Naratnan ko sa dining area si ate Kim. Naupo ako habang nagpapainit siya ng tubig. “bothered?”sambit niya habang nakatalikod “yeah…sinong hindi mag-aalala no?” “gusto mo ng kape?”alok niya. “hindi ako nagkakape diba?”naiinis kong sagot sa kanya. Naupo siya sa tapat ko.nagpangalumbaba at nag-iisip rin.”isa itong malaking puzzle…pssh.and I hate puzzles…” “sino naman kaya yung Rence na yun.” She shrugged her shoulders,”ewan ko.. isa lang ang alam ko Mika… once na sabihin mo ngayon na ikaw ang totoong Reyes siguradong magagalit si Ara…” Napaisip rin ako. Leche. Kung kailang sasabihin ko na ang totoo sa kanya saka naman lumitaw tong babaeng may asul na buhok tapos magpapanggap pang ako. I don’t know what she’s up to pero sisiguraduhin kong malalaman hindi niya magagawan ng masama si Ara. “sandal…saan panig ng mundo ka ba nagpunta Mika?”usisa ni Ate Kim “KL… negosyo… at kung anu-anong kaartehan ng pamilya ko..ikaw ba?” She smirked.”Bacolod… bakasyon grande…” “buti ka pa… naku… kainis..masaya lang na part ng bakasyon ko yung magkasama kami ni Ara…” Tiningnan niya ako at ngumisi.”umamin ka nga sa akin Mika… gusto mo ba si Ara?” Napatigil ako sa pagpapaikot ng phone ko.”ha? oo naman..gusto ko siya…mabait siya e… cool rin…” “hindi yun… angshowbiz mo…”pananabla niya sa akin.”gusto mo ba siya more that friends?” Agad akong tumanggi.”impossible yun ate Kim…alam ko naman na hindi kami pwede e…” She smirked,”hindi mo gusto dahil alam mong hindi kayo pwede paano pag pwede kayo gusto mo na siya?” “ha? Ewan ko sayo…angdami mong alam….”tumayo ako at tutungo na sa kwarto ko. “Young lady Mika… yung isa… nagpapanggap man siya o hindi nakikita kong may gusto siya kay Ara…kaya ikaw… ingat ka… baka sa sandaling umamin ka sa sarili mo mahulog na sa iba si Ara…. TALO KA NA…DOBLE PA…” Binalikan ko siya ng tingin,”yung Vio rin may gusto kay Cienne..ingat ka rin…” Tumango ito. --- Nakaidlip lang ako konti. Nag-alarm naman kasi agad ang phone ko e. bumangon na ako. Nakakumot pa rin hanggang ulo si Ara. Pinitik ko siya sa noo. Aba hindi pa rin nagising.hehehe. inulit ko pa. “Baks… mauna ka nang maligo kasi…nanggigising ka pa e…”irritable niyang sagot habang nakapikit. Saka ito tumalikod. “ee gusto ko ng sinangag bansot…” Humarap siya sa akin.”magluto ka na lang… ako na naman ang magluluto? Psssh.” “e bakit ba? Baka nga yung Rence pinagluluto mo na rin e…”ahy shet. Bakit ko ba nasabi yun. Nanlaki ang mga mata niya.”hoy ikaw Baks… nagseselos ka ba dun?e isang araw mo pa lang nakita…” Pilit kong ibinabangon siya.”eee sige na… kung anu=ano pa ang sinasabi mo e… magluto ka nap o bansot…” Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay,”oo na… ngayon lang to… mamaya ilibre mo ako ng tanghalian…” “oo na po bansot…” “oh siya…. Maligo ka na… “tulak niya sa akin. Ee nakakatuwa naman tong ganito. Namiss ko yung luto niya e. matapos maligo ay kukuha na sana ako ng damit ko pero nakalapag sa kama ko ang isang black shirt. May print ito ng INFINITY tapos mika_03. Cute. Isinuot ko yun at lumabas na for breakfast. “wow…”bungad ni Cienne sa akin.”bumili ka rin pala Ara…” baling niya kay Ara na nagluluto pa rin. “binili mo to bansot?”ulit ko. “malamang.alangan hiningi ko no….” “wooowww…. Anggalante ng Bansot ko ohhh…”yakap ko sa kanya. “sige…yakap pa…tapos pagkakamalan na naman tayong magshota…” Bumitaw na nga ako.”hahaha.sorry…”sabay upo at sumubo ng longganisa.”ui Cienne..bakit paran angganda mo ngayon?” Kakaiba kasi ang aura niya e. blooming lang. “hainaku Mika… araw-araw yatang kinikilig yan e…”sagot ni Ara..”crush niya yung kaibigan ni Rence.hahaha” “ui hindi ha…masama bang magpaganda paminsan-minsan?”depensa nito. Siya namang paglabas ni Ate Kim dala-dala na yung bag niya. “e papasok ka na ate kim?”asked Ara. Tumango ito. “kain ka muna oh…” Umiling siya.”wala akong gana…sige..” “arte mo naman Kimikimi…”biglang sabat ni Cienne.”anong drama yan?” Hindi sumagot si Ate Kim at umalis na ito. “LUUUUH anong nangyari dun?” “nagseselos siguro..hahahaha”sagot ni Cienne. “paano kasi kwento nang kwento nong si Cienne kagabi tungkol kay Vio… e alam naman niyang gising pa si kim…”sumbong ni Camille. “masama bang magkwento?”depensa ni Cienne.”e sa gusto kong magkwento e… angcute naman kasi nilang tatlo diba Ara?” “ah? E oo…”sang-ayon ni Ara. “PERO HINDI MO KAILANGANG IKWENTO…! ALAM MO NA NANG GUSTO KA NI ATE KIM TAPOS PAPARINGGAN MO PA?!”nasigawan ko pa siya ng wala sa oras.”ULI=ULI KASI MAGING SENSITIVE KA NAMAN CIENNE..HINDI PORKE PINAGBIBIGYAN KA LAGI NI ATE KIM AABUSUHIN MO NA LANG… MAHAL KA NUN.., IKAW LANG ANG HINDI NAKAKARAMDAM…” Tumayo ako at kinuha ko na yung gamit ko. susundan ako sa ate Kim. Papalabas na ako ng kwarto ay siya ring pagpasok ni Ara. “hindi mo sana sinigawan si Cienne… hayun umiiyak…” I eyed her.”abuso naman na kasi Ara…” “andun na ako… pwede mo namang pagsabihan e..pero hindi yung pasigaw…” “fine sorry… susundan ko lang si ate Kim…” “yuko ka nang konti…”utos niya sa akin. “why?”ginawa ko naman yung utos niya. Inayos niya ang buhok ko.”paano ka magkakaboyfriend kong pati pagsusuklay tatamarin ka…hehe” “thank you…”pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.”ikaw? hindi ka pa maliligo? Baho mo na oh Inirapan lang niya ako. Saka niya kinuha yung towel niya. Lumabas na rin ako ng kwarto at saktong aalis na pero tumambad sa akin ang pagmumukha ni Rence. “anong ginagawa mo dito?” tanong ko agad. “si Ara?” “bakit?” “sinusundo ko siya.why?”pakikitagtagisan niya rin sa akin. bueset tong taong to kuhang kuha ang kasungitan ng lahi ko. I cross my arms infront of my chest,”bakit mo siya susunduin? Ano ka ba niya?” Ginaya niya ako,”kaibigan.kaklase.” “tsss… “ “baks…sino andiyan?”narining kong sigaw ni Ara. “ARA…SI RENCE TO…TARA NA…”Tinaasan ako ng kilay ni Rence at nagsmirk. Nakababa na rin si Ara,”eee? Bakit mo ko susunduin?” “gusto ko lang bawal ba?” “pasok ka na nga muna…”anyaya niya kay Rence.”papasok ka na baks diba?”baling niya sa akin. “nagbago ang isip ko…. hintayin na lang kita.”sabay balik sa kwarto namin. Bahala kang matuyuan ng laway diyan Rence. Gustong gusto ko na siyang sapakin pero kailangan ko munang malaman kung bakit niya to ginagawa. Using my name for her advantage? Kanino? Sa family ko? Kay ara? Pssh… gusto niya si Ara? Pero kung nagpapanggap lang siya siguradong hindi siya gagawa ng mabuti. Gagamiting pa niya ang pangalan ng pamilya ko para makalapit kay Ara. Tss. Pssh. I really hate puzzles! Damn. Halos ready na si Ara nang pumasok sa kwarto. “baks… late ka na oh…”tingin niya sa orasan. “wala akong pakialam..bilisan mo na lang…” “ano ka ba? Kasalanan ko pa kung late ka… kaklasa ko naman si Rence kaya ok lang na sunduin niya ako e…” “kaklase mo?”nanlaki ang mga mata ko. Tumango siya.” si vio naman kaklase ni Cienne tapos si Den si Camille. bakit?” “wala.” Now that’s weird. Co-incidence bang kaklase nila ang mga to? Pssh. Im thinking that much. “ano? Tara na?”yaya ni Ara. Tumango na lang ako at hinigit yung bag ko. Abala sa phone niya yung Rence nang bumaba kami. pag-angat niya ng mukha niya ay ngiti agad ang isinalubong niya kay Ara. “wow couple shirt?” I smirked.”yeah why? Inggit ka?” Siniko ako ni Ara. Hell I care naman kung anong mararamdaman ng poser na to noh? She’s using my name/. like duhhh? The original is still the best sa lahat ng bagay noh. --- Walking in the hallway at pinagitnaan namin si Ara. Damn I hate people staring at me pero kung ganitong sitwasyon? Ok lang. ayokong iwan si Ara kasama ng kulay asul na to. “awkward…”Ara uttered. “bakit?”tanong ni Rence. “siguro kasi may kasama kaming naiiba ang damit… mukhang lalaki at kulay blue ang buhok?”sarkastiko kong sagot. “baks ano ba? Kanina ka pa ah…”saway ni Ara sa akin. Naiinis na to pero mas naiinis ako sa presence ng kulay asul na yan. “hi young lady…”narinig kong bati nung isang estudyante. Muntik na akong maghi sa kanya. Shet. That was close. Nasanay akong young lady ang tawag sa akin ng mga maids sa bahay at mga employees ni daddy. “hi…”bati lang ni rence sa kanila. Kinilig naman yung babae. Wth? Anglakas lang nilang kiligin sa poser? “daming fans ah…”Puri ni Ara sa kanya. “kulay blue kasi ang buhok..”ako na naman ang sumagot. “mika? Konting pigil kaya?”pagalit na ang boses ni Ara. I saw Rence grinned. So akala mo nanalo ka na? enjoy mo lang ang mga oras na sikat ka gamit ang pangalan ko asul na buhok. “oh baks..dito na kami…kaw ba? san klase mo?” “language dept.” “ha? Nadaanan na natin yun ah? Bakit sumama ka pa dito?” “wala… kulay blue na buhok lang ba ang pwedeng umepal?”sarkastikong sagot ko na naman. Napailing yung Rence.”tara na Ara… baka maabutan pa tayo ni sir dito…” Tinapik ako ni Ara sa balikat.”kita na lang tayo mamaya baks ah? Lunch ko libre mo…” Tinanguan ko siya.”hindi pwede epal mamaya..hindi ako makakakain…” She eyed me again.”oo na…” ---- ---- ARA’s pov Si Baks na ang may pinakamagulong mood sa araw na to. “rence may radiation ba yang buhok mo?”baling ko sa kanya. “ha?” “be kasi naman pag nagkakalapit kayo ni Baks..para siyang sasabog e…” “hahahaha..ganung talaga siguro pag pareho ang pangalan?” Siguro nga? Ewan ko sa kanya. Hindi ko na nga muna itetext at siguradong napagalitan yun ng prof niya ilang minutong late kasi. Bzzt bzzt bzzt Bakulaw_master: lunch. sabay tayo sa dorm. Me: sige po baks…kahita naman sayo at namiss mo yata ako. :p Bakulaw_master: good. No BLUE MONSTER allowed. EEEE? Itong bakulaw na to ngayon lang siya naging ganito ka-iritable pag nagkakaroon ako ng bagong kaibigan. Anyways baka dahil alam niyang naiinis ako sa mga reyes noon kaya pati siya na-carried away at hindi pa rin nakamove on. --- Last class na sa umaga at meron pa kaming 30 minutes pinapunta kami ng instructor sa library para daw magresearch. Hindi naman ako angreresearch. Hinintay ko lang na matapos yung oras e. tumawag si Cienne. >>> oh bakit? (ARAMYlabs… punt aka dito sa rooftop ng language dept bilis..ganda oh…) >>>ha? Bakit? Anong meron diyan? (basta..tara dito…wait kita…) Kinalabit ko si Rence.”takas na lang tayo…malapit naman na yung dismissal e…” “hindi mo na need gawin yun…” Tumayo siya at nagtungo sa librarian sumunod na lang ako. “goodmorning patapos na yung time naming e..pwede nang lumabas?” Tiningan lang siya nung librarian. Inabot niya ang ID niya dito. Eee? Pinaygan kami agad? Minsan ok ring kasama ang mga sikat sa univ. nagmadali kaming pumunta sa roof top na sinabi ni Cienne. Naratnan naming ang kambal at ang magkapatid na Espaldon. May nakaset up na lunch. may malaking payong pa. yung ginagamit ng mga fishball vendors.hahaha. angkorni ng idea na to ha? “ARA…grabe angcute no?”salubong sa akin ni cienne.”ginawa nina Vio at Den to…” “utos ni young lady..”sabat ni Vio. “you like it?”tanong ni Rence at iginiya ako sa may table. Eeee? Anong drama niya naman to? Puro Filipino foods ang hinanda nila.”anong okasyon?”tanong ko. “nothing? Parang maganda lang kumain na tanaw ang buong campus?”ngiti niya. Tahimik naman si Camille. “bakit cams? Problema mo?”tanong ni Cienne. “pahiya kasi sa klase kanina…”sabat ni Den.”yung lalaki kasing yun…” “SINO?”napalakas na tanong ni Rence. “hayaan mo na nga… feeling niya… porke sikat akala mo kung sinong magugustuhan ng lahat?psssh…” “ano bang ginawa sis?”usisa ni cienne. Nag-face palm si Camille.”hinila niya yung upuan e…yun…naupo ako sa hangin ,,,natumba kaya ako…lakas ng tawanan ng mga kaklase naming…” Hindi makatingin si Den kay Rence. Eee? Anyayare dito? “kain na lang tayo kambal… mamaya igaganti kita…magpalit tayo ng klase makikita nun…” Angdami ulit baon na kwento ni Vio. Hindi to nauubusan ng patawa na si Cienne lang ang nakakagets forever. Nakikitawa na lang ako para hindi siya ma-op naman. “uhm… Ara anong oras na pala? Puntahan ko si Ate mich e…”tanong ni Camille. Pagtingin ko sa cp ko 12:45 na. SHEMS. SI BAKS. SABAY NGA PALA KAMING MAGLALUNCH NGAYON. “e kailangan ko ng umalis…”bumaba na ako at agad tumungo sa dorm. E sana hindi yun galit. Sorry baks, nakalimutan ko naman kasi. Psh. Hingal kabayo ako hanggang makarating sa Dorm. Hindi na ako kumatok. Nanonood siya at hindi ako pinansin pagdating ko. hala. Naupo ako sa tabi niya. “malapit na klase ko.” “sorry na baks… “niyugyog ko ang braso niya. Hindi niya ako pinansin. Ang atensyon niya ay nasa pinapanood lang niya. “hala… sorry na oh… tara kain na tayo…”pinilit ko siyang itayo… May kumatok naman kaya pinagbuksan ko muna. Si Rence na dala-dala yung libro ko. “ee naiwan mo sa rooftop… hinahabol kiya pero angbilis mo naman…”inilahad niya rin yung isang lunchbox,”hindi ka na nagdessert oh… fruit salad yan…”ngiti nito. Naku. RENCE.IKAW NA ANG MAY PINAKAMAGANDANG TIMING. Papaalisin ko na sana siya pero naunang lumabas si Mika dala-dala na yung bag niya. “pasok na ko.”binangga pa niya si rence sa balikat na parang wala siyang nakikita.”sorry ..tao pala.” Hindi na siya pinatulan ni Rence. Kung hahabulin ko naman siya magmumukha kaming mag-jowa na nagkatampuhan. Pero nagtatampo talaga yun e. Umalis na nga rin si Rence. Goodness. Baks..paano ba kita aamuhin ngayon. Alam kong kasalanan ko e. ano ba yan. Angdaming kapalpakan naman ang nangyayari. Bad vibes. --- TRAINING. “ate Mich kita mo si Mika?” Umiling ito.”kanina kasama namin sa canteen.” “kumain ba siya?” “hindi e... wala daw gana…” Kainis naman yun. Dumating na rin sila ni Ate Cha. Kasama rin nila si Ate Kim. Nagtatawanan ang mga ito maliban kay Mika na seryoso na naman. “ate san ba kayo galing?”bungad ni Cienne sa kanila. “nagpalamig…hehehe”tugon n Ate Cha. “oh bakit kasama ka? di na umuwi ng dorm?”baling ni Ciene kay Ate Kim. “e maraming chics dun e…hahaha.”nilampasan na lang niya si Ceinne at nagderetso sa cr. Naupo naman si Mika sa bench. “bakit hindi ka pa magpalit?”tanong ko sa kanya. “wala…” Tipid naman ng sagot nito. Kakairita. “kumain ka na?” Umiling siya.”loss of appetite..” “ano k aba Mika! Hindi ka ba napapagod sa kakatampo mo? kanina ka pa ah?!”sigaw ko na sa kanya. Nakatingin na sa amin yung ibang teammates namin. “ano ba? Hindi ka ba magtitraining Mika?”sigaw ni coach na nasa kabila ng court. Siya namang paglapit ni Ate Cha,”sige na Mika… bihis ka na..kampi tayo ngayon…” Saka lang siya tumayo at nagtungo sa CR. Bothered ako kay BAks. Ano ba naman to. Hindi ako makafocus. Tatanungin ko pa sana si ate Cha pero nagdrill na kami. --- At puro na nga ako kapalpakan. Naduduling lang ba ako?shet lang ah. Nasisigawan ako ni coach. Pssh. Samantalang itong si Baks anglalakas ng palo sa bola. Umaapoy na yata e. ang-OA ko na naman.shet lang. Anglakas kasi ng impact nung bawat spike niya e. Natamaan pa nga siya si ate Mich pero ne hindi siya nagsorry. Angbakulaw niya naman ngayon. Natapos ang training. kanya-kanyang larga na. “ate ok ka lang?”tanong k okay ate mich. “ok lang to… nakakapanibago yang si Mika… anong problema niya?” Sumabat si ate Cha,”its not what…it’s who michy…” “weeh? Inlab na ba ang bakulaw ngayon?hahahah” Nagshrugged ng balikat si Ate Cha.”ewan dun…basta ang alam ko she’s so upset now…” Ee dahil ba sa akin yun? Halla naman yan. Magsosorry na nga ako e. siya lang tong angtigas ng puso na hindi ako mapatawad. Pabalik na kami ng dorm. Wala pa rin imik si Mika. Kasabay ko naman siyang naglalakad. “Aramylabs…nagyayaya sina Vio… MINT bar daw mamaya...sama ka?” Napatingin ako kay Mika na nakatingin lang sa dinadaanan namin. “why?”angcold niya sa akin. badvibes pa rin siya. Umiling ako. “ok.” Eee? Baks? Sobrang galit ka sa akin? naman to eh. --- Kinagabihan. Matapos ang dinner ay nakatambay lang kami sa sala at nanonood nang dumating ang power rangers. Agad silang pinatuloy ni Cienne. Siya lang naman yung friendly sa mga to e. “ready na kayo?”tanong ni Vio. “oo naman…”sagot ni Cienne. Kanina pa nga sila bihis e. nakabihis na rin naman ako nagdadalawang isip lang ako. “ate Kim ready ka na?”sigaw ni Camille. “yeah…wait lang..siguraduhin mong maraming chics dun…hahahah”patakbong bumaba si ate Kim. Same as Mika hindi niya binibigyang pansin ang tatlo. Siguradong sasama lang to para siguraduhing safe makakakauwi ang kambal e.”sunod na lang si Cha… kasama si Mich.” Nakalabas na silang lahat except Rence. “Ara… ano? Tara na?” yaya sa akin ni rence. Walang pakialam si Mika na nakatuon lang ang pansin sa panonood ng tv. Sumunod na ako kay Rence. *** MIKA’s POV Iiwan na naman niya ako? Tsss. HInintay ko siya kanina just to findout that she had lunc with the poser? Ewan ko kung bakit ganun na lang ako apektado. Selos sa atensyon na binigay niya dun? Tinanong ko si Cienne kung gaano na nila kailala yung tatlo. For all those times pala na nasa KL ako ay nakilala at nakasama nila ang mga ito. I don’t like them. specially that Blue monster. ---FLASHBACK--- Nakasalubong ko sina ate Cha at ate Kim kanina. Nagyaya akong gumala. Hindi naman na daw kailangang ipaliwanag kung bakit e. halatang badtrip ako. Isinama kami ni ate Cha sa isang lumang greenhouse sa may science department. “ganda ng hide out mo Cha ah…”puri ni Kim. Ngumiti lang ito.”ibinilin lang ito sa amin… hindi ko nga lam bakit e…pero ang sigurado ko lang isa itong responsibilidad sa aming tatlo.” “wee? Adik naman yun…”sagot ni Kim. Napansin ko yung dalawang anghel na tig-isa lang ng pakpak. “sweet naman nito..” “ah yeah…”lumapit sa akin si ate cha.”sabi nga ni cienne they will fly hand in hand e… kapatid ko talaga ang lakas ng imagination…” Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maungkat kung bakit ako badtrip. “wala…nainis lang ako kay Ara…dapat sabay kaming maglalunch e…” “and?”usisa pa ni ate Cha. “yun…yung tatlong itlog ang kasama niyang naglunch…” “at nagselos ka naman?” “ewan ko…basta naiinis ako…” Natatawa naman si ate Kim,”papansin sila no? I don’t trust them…” “kasi nagseselos ka rin?hahahaha” LUUUH?  Nakakaloko tong si ate Cha ah.”naku kayong dalawa… yung mga chics niyo baka maagaw pa ng tatlong posers.hahahaha” O___O---KAMI NI ATE KIM “oh? Bakit ganyan ang mga reaksyon niyo?” “alam mo?”bigla akong nagworry. May hinugot siya sa wallet niya. Inilapag niya ito sa mesa.dinampot iyon ni ate Kim.”VIP CARD? Charleen G. Cruz, “ “it was given to me by mom when I turned eighteen. Hindi alam ng kambal yan. Kabilinbilinan ni mama na hindi ko sasabihin sa kanila. Yan na lang daw ang kahuli-hulihang naasikaso ni Papa bago siya naambush. I don’t really take it as a luxury. It’s more of a remembrance of our late papa.” “I also have one…”sabi ko. “alam ko…MIKA AEREEN M. REYES. Pamangkin ng isa sa pinakamayayaman sa Pilipinas… pang-sampu sa buong mundo…pinsan nina Jan Michael, Jan Mark at Jana Marie.” “angdami mong alam ate Cha…” Ngumiti ito.bumaling siya kay are Kim.”Khymbhrly Villanueva Fajardo… pinsan ni Raychel Rhcyk Sy Villanueva.. lumaki sa Bacolod pero pinatapon sa Mhei zhou… pinag-aaral para mamahala ng pinakamalaking flower farm sa bacolod..anggurly ng future mo dre.hahahah” LUUUH parang imbestigador tong si ate Cha. Nakakatakot siya. “oh relax lang kayo… hindi niyo pa nga ako nakikilala e.hahahaha” “oh game…”paghahamon ni ate Kim. “sige… charleen gomez cruz..panganay sa tatlong anak ng yumaong si Bradley Gomez… half brother of the owner of JTW Enterprise… so pinsan ko si accel Jaifer… one of the smashers here in mhei zhou…” “WTH? Are you serious?”nanlaki ang mga mata ko. Tumango lan siya.”hindi pinagamit sa amin ni papa ang surname niya for our protection.. nung una hindi ko maintindihan later then I realize its for our safety… he died because of mistaken Identity… “ “angtalino mo naman ate Cha…”said Kim. She smirked.”ako pa? ahahaha… by the way… Mika… kailan mo aayusin yang tampuhan niyo ni Ara?” Bigla ko na namang naalala ang tampo ko sa kanya.”ewan ko…epal yung rence e…” Ngumisi ito.”isa rin yan sa iniisip ko..hindi kaya related sila sa ilang sa nakabangga ng mga pinsan natin>?hahaha. sabihin mo nang angwild ng imagination ko mika… pero kung pagbabasehan mo ang mga kwento tungkol sa ating mga mabubuting pinsan ay marami talagang galit sa kanila…” “yeah right… bilin nga ni ate Rhyck sa akin wag akong basta basta magtitiwala e..”sabat ni ate Kim. “uhm…Mika… you like Ara?”biglang tanong ni ate Cha. “huh? Ano ba namang tanong yan ate Cha.out of the blue?” Ngumisi ito.”hindi noh… saka ko lang nalaman na ikaw yung pinsan ni JM... nagtaka ako kung bakit MARCALIñas  mo…tapos naalala ko kung gaano ang galit ni ara sa mga reyeses… saka ko lang naconclude na baka may gusto ka sa kanya kaya napilitan kang magsinungaling..” “OOOPSSSSYYYY…”natatawang sabat ni ate Kim. Nagcrossed arms si ate Cha.”ano Mika? Aamin ka na ba sa sarili mo?hahahha” Nakakapikon na to ah.”fine… to clear things out… nagtry-out ako sa team dahil sa kanya… pero nung nalaman kung anglaki ng galit niya kay JM natakot akong magpakilala dahil baka magalit rin siya sa akin at ayaw niya akong kaibiganin..pero gang dun lang yun…” “nakita mo na ang resulta ng pagsisinungaling mo?”she seriously asked. I nodded.”kailangan kong malaman kung anong pakay ng rence na yun…” Tumango lang siya.”pero bago yan dapat ALAMIN MO MUNA KUNG ANONG NARARAMDAMAN MO PARA KAY ARA…” ---end of flashback--- Psssh. Nagseselos ako! Angsikip ng paghinga ko. shet lang. hindi ko na siya sinundan ng tingin nang papalabas siya at sinundan sina Rence. I just put the volume of the tv into maximum volume. Kainis naman to oh. Tumigil ka na sa pagkirot oh. Pssh. Narindi na ako at umakyat na lang sa kwarto. Ilang minuto ang nakalipas nang maramdaman kong may humiga sa tabi ko. “baks…tabi tayong matulog… goodnight…” ----    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD