PROLOGUE
Naranasan mo na bang masakta ng sobra-sobra dahil sa pag-ibig? Yung tipong makikita mo na lang ang sarili mo sa isang tabi na umiiyak?
Yung tipong parang dinudurog ang puso mo ng paulit-ulit? Yung sakit na parang walang katapusan?
Yet, despite of everything you chose to still love and stay with him because you want to fulfill the vows that you promised with him in front of God.
Our so called almost perfect love story destroyed when Denver involve into an accident. He was about to meet with Mr. Lee to talk about business when he crushed with a bus.
According to the report of police mabilis ang takbo ng bus ito ay dahil may nasagasaan daw itong batang lalaki. Sa kagustuhang makatakas sa nagawang aksidente ang mabilis nitong pinaandar ang bus at naging dahilan din ng pagkabangga nito kay Denver.
Mariin din itong pinabulaanan ng mga pasahero ng bus. Pilit daw nilang pinapahinto ang driver ngunit bingi na daw ito sa kanilang hinaing maski ang kundoktor ay hindi narin nito pinapakinggan hanggang sa nabangga na nga nito ang sasakyan ni Denver.
Wala namang namatay sa isa sa mga pasahero ng bus pati ang driver ay ligtas sa kapahamakan. Tanging si Denver lamang ang naging kritikal ang lagay. Mabuti na lamang at mabilis na nadala si Denver sa pinakamalapit na ospital.
Nakakulong narin ang driver ng bus at sinampahan ng patong patong na kaso katulad ng homicide at reckless driving.
"Hows Denver, Lian?" Napatayo sa aking inuupuan ng marinig ko ang tinig ni Mommy Ella.
Ang mommy ni Denver.
"Mommy..." Yakap ko dito. Pagkatapos ay kay Daddy Josh--ang daddy ni Denver.
"I am sorry hija at inabot kami ng mahigit isang buwan para makauwi ng Pilipinas. Hindi rin namin alam kung anong malas ang dumating sa amin at sobrang tagal ng naging proseso ng aming pag-uwi." Si Daddy.
"Gusto na ngang languyin ng Mommy Ella mo ang Dapat makauwi lang dito sa Pilipinas."
"A-ano sabi ng Doctor? How was my Son?" Nangingilid ang luha na muling tanong ni Mommy Ella.
Hindi ko narin napigilan ang pagpatak ng aking luha,"The Doctor says that no one knows when he will wake up, or if he will be able to wake up. Malala daw po ang naging damage ng accident sa utak niya Mom--Dad." I don't when I get the strenght to say those words.
Kahit ako ayokong paniwalaan ang lahat ng mga sinabi ko. Kasi naniniwala ako na gigising ang asawa ko pagtapos ng araw ng aksidente na yon pero hindi ito nangyari.
Its been a month since that accident happened but there's no sign that Denver will wake up anytime soon. Sa loob din ng isang buwan ay ilang beses nag seizure si Denver. I thought mawawala na sa akin si Denver when his heart stop for about two minutes.
Those two minutes is the longest two minutes that I have in my entire life. Bawat segundong hindi tumitibok ang kanyang puso ay katumbas ng ten minutes sa akin. But Denver is a fighter. Kung ilang beses siyang nag agaw buhay ganon din karaming beses siyang lumaban para mabuhay.
"Hija you so look tired. Umuwi ka muna sa bahay and get some rest. Kami muna ni Daddy mo ang magbabantay kay Denver. Napapabayaan mo na ang sarili mo, pag gumising ang anak ko nakita kang ganyan baka kagalitan kami at sabihin ay pinababayaan ka namin." Biro ni Mommy Ella na siya naman naming tinawanan ni Daddy.
"Oo nga hija. Aba baka kami ay masermunan ni Denver pagnagkataon." Segunda ni Daddy
Hindi na ako nakipagtalo pa kila Mommy dahil kahit ang katawan ko ang sumasang ayon sa kanila. Mahigit isang buwan narin akong walang maayos na tulog at pahinga. Kaya naman pagdating sa bahay ay nakatulog na agad ako pagkatapos maligo.
Salitan na pagbabantay ang naging routine namin ni Mommy. Ako sa gabi at siya naman sa umaga. Si Daddy naman ay araw araw dumalaw pagkatapos ng trabaho.
"Ate cellphone mo kanina pa tumutunog." Si Leon na nasa loob na ng kwarto ko.
Kasalukuyan akong nasa banyo at naliligo. Naghahanda na papunta ng ospital.
"Sino tumatawag?" Tanong ko.
"Si tita Ella. Ayoko sanang pasukin ka dito sa kwarto ni kuya Denver pero kanina pa kasi tumutunog ang cellphone mo. Baka importante." Mabilis kong tinapos ang paliligo at kinuha ang cellphone sa kamay ni Leon.
Putol na ang tawag ng kinuha ko ang cellphone kaya ako na tumawag kay Mommy Ella.
"Por Dios Por Santo. Sa wakas at tumawag ka Lian. Si Denver anak. Gising na! Gising na ang asawa mo. You need go here now!
"Talaga po Mommy? Oh my God salamat sa Diyos. Yes po Mommy pupunta na po ako dyan."
Mabilis akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Naglagay din ako ng konting blush on at lipgloss. Syempre ayokong makita ako ng asawa ko na haggard at losyang. Dapat pag nakita niya ako maganda ko sa kanyang paningin.
Pagbaba ko ng bahay ay sinabihan ko si Leon na gising na ang kuya Denver niya. Natuwa naman siya at sumama sa akin sa ospital. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse kaya naman umaangal si Leon dahil sa takot.
"Ate relax... Makakapunta ka sa ospital. Sa ginagawa mo na yan baka tayo ang mauna kay kuya Denver eh. Gising na yung asawa mo ikalma mo lang."
"Shut up pusa." Aniko dito na siya namang ikinaasar niya.
Inis na inis kasi siya pag tinatawag siyang pusa. What will I do? He's too cute to become a wild leon.
Sa ospital ay nadatnan ko si Mommy ata Denver na nag-uusap. Denver is laughing while talking with mom. Hindi ko mapigilan ang mapangiti narin, ang tagal kong hindi nakita ang masayang mukha ng asawa ko. How I missed him so much.
"Mommy, Denver..." Maluha-luha kong tawag sa kanila.
"Hija at last you are here. Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo. Sabik na sabik na siya sayo." Ani Mommy.
Mabilis kong niyakap si Denver ng mahigpit na tila ayaw ko na siyang muli na mawala pa.
"I missed you so much honey." Aniko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "How are you feeling?" I asked.
His face is blank and there's no emotion on it.
"Who are you?" Tanong niya.
"Stop franking me honey hindi yan gagana sa akin." Natatawang aniko at inipit ang kanyang ilong.
Hinawi niya ang kamay ko at kumunot ang noo. Doon ay bumilis ang t***k ng aking puso. I am starting to get nervous to actions. I knew very well when he is joking and very much well when he is serious.
"I am not franking you I am dead serious who are you? Why are you hugging me?" Muling tanong nito.
Nagkatingan kaming tatlo nila Mommy at Leon. Then I felt the aura are starting to change. I don't want to entertain the idea of him, losing his memories. This is not a movie, we are not in some kind of a show.
"Denver anak hindi magandang biro yan. Ang tagal tagal kang hinintay ni Lian na magising tapos i-f-frank mo? Stop na anak its not a good joke. Kanina lang habang nag-uusap tayo excited kang makita ang asawa mo." Si Mommy Ella.
"Yes Ma I am excited. It is because--" he stopped and look at me,"It is because I thought that my wife is Beatrice!"